Chapter 6

324 9 0
                                    

Nakarating ako sa school at sa gate palang ay konti lang talaga ang mga studyante. Siguro may ginawa lang sila dito or baka most of them kasali sa practice. 1st year to 4th year college ay dapat may representative, hindi ko pa alam kung sino ang partner ko. Naglakad na ako papunta sa quadrangle ng makasalubong ko si George.

"Hi Sydney!" Nakangiting sabi niya at nakalabas pa ang dimple. Ang cute niya talaga kapag nakikita ang dimple niya.

"Ah, hello george." Awkward kung ngiti. Hindi nga kasi ako sanay.

"Saan ka pupunta?" Inosenteng sabi niya. Pero usap-usapan rin dito sa school namin na kaliwa't kanan ang babae niya. Isa rin kasi sila sa pinakamayaman dito sa syudad. Governador ang papa niya at may ilang restaurant sila na pagmamay-ari. Kinwento lang din sakin 'to ni Sarah nung una kung makita si george dito sa school.

"Anong name niya?" Tanong ko kay Sarah habang kumakain kami sa cafeteria nun.

"He's George Fontano, a basketball player and a womanizer. Mag-ingat ka dyan baka ikaw ang susunod na tatargetin kapag napansin ka niya. He's family is also rich in the city, his father is governor Lucas Fontano. And they also the owner of some restaurants here in Cagayan." Pagkukwento pa sakin ni Sarah.

At simula ding yun ay tinatak ko sa isipan ko na hindi pwede akong magkagusto sa kaniya. Dahil baka kapag ako nga ang targetin niya, na hindi na naman lingid sa kaalaman na marami talagang lalaki ang nahuhumaling sakin. Hindi naman ako nagmamayabang pero yun kasi ang totoo.

"May practice kasi kami para sa beauty pageant para sa foundation day natin," sabi ko. Titig na titig siya sakin kaya na a-awkward ako.

"Great! Dun din ang punta ko, sabay na tayo?" Malapad na ngiti niya. Do I have a choice? Tumanggi man ako alam kung wala namang mangyayari dahil dun din ang punta niya.

"Oh s-sige," yun lang ang sinabi ko at nagsimula na kaming maglakad. Nakaka-agaw na kami ng pansin ng mga ibang studyante pero ang kasama ko ay parang sanay na sanay. Hindi ko magawang magkwento o makipag-usap man lang sa kaniya. Ewan ko hindi ako komportable.

"Ganiyan ka na ba talaga?" Biglang pagsasalita niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Anong ganiyan?" Takang tanong ko habang nakahawak ako sa shoulder bag ko at nakatungo lang. Tinatanaw ko ang mga paa ko sa paglalakad, baka nga anytime ay may mabangga ako sa ginagawa ko.

"I mean, tahimik ka na ba talaga?" Tanong niya sakin, he can't feel awkwardness at this moment. At ako ay parang hindi ko matatagalan ang presenya niya.

"Ah, hindi naman. Wala lang talaga ako sa mood magsalita sorry." Hindi naman talaga sa wala ako sa mood magsalita pero hindi ko kasi feel makipag-usap sa kaniya.

Nakarating na pala kami sa quadrangle ng hindi ko namamalayan. Para kasi akong nakalutang sa paglalakad.

"Don't feel awkwardness with me, you can talk to me anytime. C-Can I be your friend?" Sabi niya sa nahihiyang tono. Buti hindi pa kami napapansin ng iba dahil medyo busy pa sila.

Friends? Friends lang naman diba? Wala namang halong malisya yun, ako lang ata ang nagbibigay ng meaning eh. P-Pwede naman siguro kaming maging friends diba? Siguro naman hindi kami minu-minuto magkasama dahil may ginagawa rin naman siya. At graduating na kaya konti nalang ang panahon na magkasama kami.

"F-Friends." Nahihiya kung tinanggap ang kamay niya at tipid na ngumiti.

"Yuuun! Thank you for accepting me as your friend, Sydney." Nakangiti sabi niya at ginulo niya ang buhok ko habang nakangiti siya. Hindi ako nagalit, hindi naman kasi ako nagagalit. It's just a raffled to my hair.

"W-Walang a-anuman," binigyan ko ulit siya ng tipid na ngiti bago kami tuluyang lumapit sa stage. Napapalingon ang mga kasama namin dun.

"You're late, Mr Fontano and you too Ms. Honorado.." Sabi ng trainor ata namin. Bading siya kaya ganun nalang ka arte ang pagsasalita niya.

"Sorry po," nahihiyang sabi ko. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga kasamahan namin at naiilang na ako. Hindi ako sanay, first time ko pa lang sumali sa ganito if I'm not mistaken dahil hindi ko naman maalala na may sinalihan ako noon.

"It's okay, next time hindi na dapat mauulit okay? I hate late comers, we only have four days to practice. Get it?" Sabi niya samin. Tumango nalang ako at ewan ko kung anong naging sagot ni george sa sinabi ng trainor namin.

"Okay, dahil late kayo ay kayo ang magpartner for the upcoming pageant... They all have their partners and the two of you are remaining. So, kayo na ang mag-partner..." Napalingon ako bigla kay george na nakangiti lang habang nakikinig sa sinasabi ng trainor namin.

"Hindi ka ba aangal?" Pabulong na sabi ko. He smirked at kaagad kumunot ang noo ko sa reaksyon niya.

"Didn't you hear him? Tayo nalang dalawa ang wala pang partner kaya tayo nalang ang mag partner and besides we're late." Nagkibit balikat siya. Umirap nalang ako sa sinabi niya at napansin ata ng trainor namin ang pasimpleng pagbubulong-bulongan namin.

"Is there a problem with the partner Miss Honorado?" Nakataas na ang kilay niya sa amin.

"A-Ah, e-eh wala naman po." Sabi ko. Nahihiya dahil nakatingin parin ang iba sa amin habang ang ka partner ko ay nakipag-usap na sa ibang lalaki. Nagiging OP ako dito, buti sana kung nandito si Sarah dahil okay lang sakin na matagalan dito dahil may kadaldalan ako pero wala eh. Mababagot lang ata ako dito.

"Okay, pwesto! We'll start." Pumila kami dahil e a-arrange kami ng trainor namin.

Tinuruan kami kung pano pumaso, paano magpose, kung saan dapat kami hihinto. At by partner naman, nakahawak ako sa balikat ni george at nakahawak naman siya sa beywang ko. Hindi ko naalala na may nakahawak ng lalaki sakin sa katawan ko.

Walang may alam na kaya ako na punta sa siyudad na 'to dahil nawalan ako ng memorya, at ang alam lang ng lahat ay pamangkin ako ni Nanay Celia at Tatay Noel. But little they know I lost my memories from my past.

"Okay! We'll done, break time!" Kinuha ko ang pinabaon ni Nanay sakin na kamote-cue.

"Maayos ba?" Biglang sumulpot si george sa tabi ko. Natawa naman ako, nagkabiruan kasi kami kanina kaya hindi ko mapigilang matawa.

"Maayos ka dyan! Tumahimik ka nga." At nagtawanan na ulit kami. Parang unti-unti na akong nagiging komportable sa kaniya. Kung kanina ay hindi ako ganun ka komportable parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin dahil lang sa simpleng biruan namin.

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now