Prologue

1.2K 14 3
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, Characters, business, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fiction manners.

Please be advised that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences, Please read at your own risk.

At kung may pagkakapareho man ng names, surname, ang mga characters ko sa ibang author ay hindi po iyon sinasadya. Thank you!

                               ***

"Hoy Sydney? Ano na? Halika na magsisimula na yung klase!" Sigaw ng bestfriend ko. Oo na kasi, gutom pa ako hindi ako kumain sa bahay no ba yan. I'm hungry.

"I'm still hungry!" Then I pouted my friend looked at me with an annoyed face.

"Kakain nalang ulit tayo mamaya, mala-late pa tayo sige ka pagagalitan na naman tayo." Sabi ni Sarah. She's my bestfriend since I came here in the province.

I just waked up one day in a hospital and I didn't know what happened. And after I wake up I saw a woman and a man inside my room. Hindi ko sila kilala kaya nagtaka ako kung bakit sila nandito.

"Why am I here? What happened?" I said while I looked at the doctor infront of me.

"You have lose your memory Miss," the doctor said.

"And they're the one who's saving you from a car accident." The doctor added. Ano bang nangyari? I didn't remember anything. What the hell? I lost my memories?

"W-What?" I said, disbeliefed.

"Your car bumped into a big tree and your head hit the most." Paliwanag ng doctor sakin.

"And who are they doc?"

"This is Mang Noel and this is Manang Celia Honorado, sila ang nagligtas sayo." They save me? I didn't remember anything aside from my name. I didn't remember who's my parents.

"Why are you late Ms. Honorado and Ms Villiente?" Bungad agad samin ng teacher namin. Pinagalitan na naman.

"Sorry Miss, we just take our snacks." I said while bowing my head. Nakatingin ang mga kaklase namin sa amin ng bestfriend ko. Magkahawak lang kami ng kamay habang pinagalitan kami ng teacher namin.

"Okay, take your seat." She said then she continue discussing. I am in my 4thyear college now and I'm taking Business and Management.

Business & Management rin ang kaibigan ko dahil may business naman sila. Sarah's Family is rich they owned a High-end bar and a resort. Nakapunta na ako sa bahay nila and her family is nice, hindi sila matapobre they stay lowkey even though they're rich. I think they are the number one richest family in this province.

Nagdi-discuss lang ang prof namin and I just take down notes. Ayoko kasing ma zero kapag biglang may pa quiz yung teacher namin. Since I waked up in the hospital the honorado family accept me as their new member. They even let me use their surname. May kaya rin naman sila nagmamay-ari sila ng lupain ng mangga at durian and nakakabili naman sila ng mga kailangan nila.

Ate Josefa graduated with a course of Architect and Kuya Arnold already graduated with a course of Engineering kumbaga ako nalang yung pinapa-aral nila. And nagpapasalamat naman ako sa kanila dahil tinuring nila akong parang isang tunay na anak at tunay na kapatid. Masusuklian ko rin sila pagdating ng araw. Hindi pa bumabalik ang mga alaala ko at ayaw kung pilitin kasi kapag pinipilit ko sumasakit lang yung ulo ko.

At kapag lalong sumasakit dinadala ako sa hospital at ayaw kung gumastos na naman sila sa akin. Pinapaaral na nila ako madami na silang nagastos sakin at ayaw ko ng dagdagan pa.

"Pupunta ka ba sa bahay mamaya?" Tanong ni Sarah sakin pagkalabas ng classroom. Kaka-dismiss lang namin sa klase.

"No, tutulungan ko sila Nanay at Tatay mag harvest mamaya eh, baka sa susunod na ah?" Tumango lang siya at nag-aya na magsnack ulit dahil nagutom siya. Gutom narin naman ako kaya pumayag nalang din ako.

Nag-order na siya ng pagkain namin, ihahatid niya ako sa bahay namin kaya sabay kami palagi umuwi. Habang kumakain kami ay may lumapit samin na isang lalaki habang may dalang bulaklak nasa likod niya ata ang mga kaibigan niya.

"Uhm.. Hi S-Sydney," sabi niya sabay kamot sa ulo. Natawa naman ako ang cute lang. Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na madaming nagkakagusto sakin dito sa campus at marami ring nanliligaw pero wala pa akong pinapayagan dahil nagfo-focus ako sa pag-aaral ko.

"Uh... Hello!" Awkward akong ngumiti sa kaniya. Kasi naman kumakain pa kami dito tapos bigla bigla siyang susulpot kumusta naman yung pagmumukha ko diba?

"Ah, eto para sayo." Binigay niya sakin ang isang tangkay ng red rose at inamoy ko yun. Ang bango!

"Salamat," hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Pagkatapos niyang ibigay sakin yun ay nagpaalam na siya at tumatakbo pabalik sa mga kaibigan niya. Medyo naagaw namin konti ang atensyon ng mga student dito sa cafeteria. I didn't even bother to ask his name! Naku naman Sydney sana tinanong mo man lang ang pangalan. Baka kasi nahihiya lang yun sabihin ang pangalan niya.

I didn't turned my men down infront of many people, I rejected them and talked to them in private. I know what's the feeling of being embarrassed infront of many people.

"Ikaw ha! Dumadami na talaga manliligaw mo. Wala kabang type sa kanila?" Kuryosong tanong ng kaibigan ko.

"Meron naman pero kasi hindi pa pwede, kailangan ko pa tapusin ang pag-aaral ko. At sabi ni Nanay kapag may gusto daw manligaw sakin sakanila muna daw magpapaalam." Kwento ko sa kaniya. Yan kasi ang usapan ng pamilya namin. They're just too overprotective when it comes to me.

Hindi ko nararamdaman sa kanila na iba ako, na hindi nila ako kadugo. Kasi they treat me as their family, tinuring nila ako na kanilang bunsong anak at bunsong kapatid. And I am so thankful to have them.

"Thank you sa paghatid bes! Sa susunod nalang ako bibisita sainyo ha?" Sabi ko sa kaniya habang binubuksan ko ang pinto ng kotse niya. Nasa backseat kasi kami umupo.

"Okay, ikaw bahala. Just tell me when you want to visit okay?" I nod and wave my hand to bid her goodbye.

Nakangiti akong pumasok sa gate namin at tumakbo papasok sa bahay. Excited na akong mag harvest ng mga mangga at durian. Makikita ko na ulit yung ganda ng lupain na yun at ang nakaka-relax na simoy ng hangin.

"Naaay!" Sigaw ko habang papasok. Nilagay ko ang bag ko sa couch muna bago hinanap si Nanay Celia.

"Oh? Bakit ka sumisigaw? May problema ba?" Nag-alalang tanong niya. Wala kaming kasambahay dahil si Nanay lang yung nagluluto at nag-aalaga samin. Pero may pumupunta naman dito every week para maglinis ng bahay. Hindi na pinapayagan nina Ate at Kuya si Nanay na maglinis ng bahay gusto na nga nilang magpahinga ito para hindi na mapagod.

Pero sabi naman ni nanay na baka magkasakit lang siya dito sa bahay kaka-standby kaya pinili niya parin ang magpitas at magharvest sa lupain nila.

"Wala naman po, anong oras ba tayo pupunta sa planta?" Tanong ko sa kaniya. Nagluluto siya ng saging, para siguro snack mamaya sa mga trabahador.

"Jusko namang bata ka, hindi naman kailangan sumigaw anak." Sabi niya.

"Sorry po," at niyakap ko siya habang nilalambing.

"Oh siya, maya-maya kapag hindi na mainit ay pupunta na tayo dun. Magbihis kana dun baka natuyuan kana ng pawis sa likod. Jusko ka naman," nagmamadali na akong pumasok sa kwarto ko at naligo.

Pagkatapos kung maligo ay nagbihis lang ako ng short at white shirt, binlower ko na rin ang buhok ko. Binilhan kasi ako ni Ate ng blower para sa buhok ko dahil matagal matuyo dahil sa haba. Ayoko namang putulin dahil gusto ko rin naman ng mahabang buhok. Golden brown ang kulay ng buhok ko na bumagay naman sakin.

Nag-usap lang kami saglit ni Sarah sa twitter habang nag-aantay sa oras para pumunt ng planta kasama si Nanay. May family dinner daw kasi sina Sarah mamaya sa labas.

Nasa manila pala naka base si Kuya Arnold at Ate Josefa para sa trabaho nila. Minsan lang sila umuuwi dito kapag free talaga yung schedule nila pareho. Minsan hindi pa sila sabay nakakauwi kaya yung natitira lang dito ay ako, si Nanay, at si Tatay kaya sobrang close ko sa kanila.

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now