Chapter 2

404 6 0
                                    

"Anak! Gising na at baka malate ka pa sa klase mo," nagising ako sa yugyog ni nanay sakin. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko. Nakangiti habang tinitingnan ako habang kinukusot-kusot ang mata. I smiled.

"Goodmorning Nay!" Nakangiting sabi ko. Biyernes na nga pala ngayon, pwedeng nagsuot ng civilian.

"Magandang umaga din anak, oh siya sige na at magbihis ka para hindi ka malate sa klase mo." Nakangiting sabi niya. Bumangon naman ako at humikab. Inistretch ko muna ang katawan ko. Baka ihahatid ako ni Tatay sa school.

Nagpaalam na si Nanay na lalabas na dahil maghahanda na sa kakainin ko. Pumasok na ako sa banyo para maligo, ito kasing kwarto ko ay may sariling CR. Habang nagsho-shower ako ay naalala ko yung napanaginipan ko kahapon dun sa planta. My family is rich and they didn't bother to find me? They can use their connection just to find me. Pero siguro nakalimutan na nila ako at inakala nalang na patay na ako.

*krriiing krriiing*

Paglabas ko palang ng banyo ay tumunog na ang cellphone ko. Siguro si Sarah na naman 'to, ang aga tumawag ng babaeng to ah! Di na makapag-antay, magkikita rin naman kami sa school at magkaklase naman kami.

"Hello?" Sagot ko habang kinuha ang susuotin. Pwede namang hindi mag uniform kaya nag civilian lang ako. Wearing a tattered jeans and a tube top with a vans shoes. Tsaka maliit na bag lang yung dinala ko kasi half day lang naman kami.

"Hindi ka pa umalis sainyo?" Tanong niya. Maaga na naman siguro to nagising kaya maaga ring tumawag.

"Hindi pa, kakabihis ko nga lang e. Bakit ba?" Takang tanong ko. Nilagay ko sa kama ko ang cellphone ko at ni loud-speaker ko lang para madinig ko parin siya kahit nagbibihis ako.

"Wala lang, tawagan mo nalang ako kapag papunta kana. Nag uniform ka ba?" Kinuha ko ang ID ko at nilagay sa bag. Kumuha ako ng tatlong notebook at ballpen ko at nilagay sa maliit na bag. Tatlong subject lang naman ang meron kami ngayon kaya okay lang. Nilagay ko na rin ang liptint ko at bb cream sa bag ko tsaka suklay. Hindi ako lumalabas ng bahay kapag wala yung tatlo. Aside sa cellphone ko ay ayaw ko rin na hindi dala yung liptint, bb cream at suklay ko.

"Okay, I'll just call you then. I'm just wearing civilian, you?"

"I'm just wearing civilian too. Okay bye! See you later." Then she hung-up the call.

Pagkatapos kung magskulay ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na para kumain. Tiningnan ko ang oras sa wall clock namin. 6:10 at 7:15 yung start ng class namin. Nagluto si Nanay ng tocino at longganisa para sa almusal ko.

"Ihahatid ba ako ni Tatay, Nay?" Sabi ko habang nagsandok ng kanin. Konti lang ang kinuha ko, hindi ako masyadong kumakain ng rice kasi nakakataba kasi masyado. Sakto lang naman yung katawan ko kaya kino-control ko rin yung kinakain ko.

"Oo anak dahil pupunta siya ng planta ngayon dahil e che-check niya ulit yung bagong na harvest.." Sabi niya habang busy naghuhugas ng pinggan. Konti lang naman yun kaya okay lang sa kaniya.

"Hindi ba kayo sasama, Nay?" Tanong ko sa kaniya habang ngumunguya. Mabilis akong kumain baka kasi malate na ako at baka matagalan pa si Tatay.

"Hindi na muna at dito nalang muna ako sa bahay para magpahinga." Sabi niya at tumango lang ako. Pagkatapos kung kumain ay nagtooth-brush na ako at naglagay ng liptint sa labi ko. Sakto namang paglabas ni Tatay sa kwarto nila.

"Tara na anak?" Ngumiti lang ako at tumango. Nagpaalam na kami kay Nanay at sumakay na ako frontseat habang nasa kandungan ko ang bag ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext nalang ako kay Sarah na papunta na akong school at hinatid ako ni Tatay.

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now