Chapter 19

234 7 1
                                    

Kinabukasan ay tinawagan ako ni Sarah na lumabas naman daw kami. Hindi na kami masyadong nagkakasama dahil pareho kaming may ginagawa. Ako nakikipag date kay George tas ewan ko kay Sarah kung saan ba napapadpad ang babaeng yan.

Hindi ko na siya nakakakwentuhan dahil pagdating ko ng bahay ay pagkatapos kumain ay natutulog na ako. Usually sa weekend ay gagala kami na kami lang dalawa pero hindi na namin nagagawa ngayon dahil may kaniya-kaniya kaming lakad. And I think this is the day na pareho kaming walang lakad.

Si george ay may pinuntahan na family reunion sa batangas at ewan ko kay Sarah kung bakit wala siyang lakad ngayon. It's Monday pero walang pasok dahil holiday. Bukas ulit kami papasok at ewan ko kung makakuwi na ba o makakapasok na ba si george bukas. Malayo pa kasi ang batangas at baka matagalan pa siya.

"Hello? Nandito na ako sa labas ng bahay niyo." Tawag sa 'kin ni Sarah. Nakabihis na ako ng simpleng white v-neck shirt at jeans tapos vans lang na shoes. Maliit na bag lang din ang dala ko.

"Yeah, lalabas na ako. Magpapaalam lang," sabi ko at pinatay na ang tawag.

Hinanap ko si Nanay at nakita ko siya sa backyard na nagtatanim na naman ng mga gulay. Nandun kasi si Tatay sa palengke at nagtitinda na naman ng mga na harvest na mangga at durian.

"Nay?" Tawag ko Kay Nanay.

"Oh anak? Bihis na bihis ka? May lakad ka ba?"

"Oo nay, magpapaalam sana ako na may lakad kami ni Sarah pero uuwi rin naman kaagad ako mamaya." Sabi ko.

"Oh sige, basta wag masyadong magpagabi ha? Delikado ang panahon ngayon." Sabi ni Nanay.

Pagkatapos kung magpaalam ay umalis na ako ng bahay at nakita ko na ang Ford ni Sarah na naka park sa labas ng gate namin. Binaba niya ang windshield sa frontseat at hindi nga ako nagkamali dahil siya ang nagdrive.

Binuksan ko yun at nakipag-beso muna ako sa kaniya.

"Oh? Buti pinayagan kang magdrive?" Nagtatakang tanong ko. Inirapan naman niya ako.

"Duh, ilang araw ko pa silang kinulit para ako magdrive kapag may gala tayo." Sabi niya at nagsimula ng magdrive. Pupunta kami sa Ayala ngayon dahil doon kami gagala.

"Libre mo 'ko ah? Wala akong pera." Pabirong sabi ko. May 2k akong dala pero syempre maganda parin yung libre hehe.

"Kapal mo talaga," sabi pa niya na kinatawa ko.

"Aba! You should, you're inviting me and you can't treat me? Anong klase kang kaibigan?" Madrama kung sabi. Nagtawanan ulit kami.

Puro halaklak lang yung buong byahe namin papunta sa Ayala. Paano ba naman nagbibiruan kami tapos tawa pa kami ng tawa sa joke ng isa't-isa. Kapag si Sarah ang kasama ko ay napapahalaklak ako ng bongga. May pagka-kalog rin kasi ang isang 'to kaya nagkakasundo kami.

Minsan nakakalimutan ko ang problema ko kapag kasama ko siya. Napapatawa niya ako and I'm so lucky to have her as my bestfriend. And masaya ako na siya yung taong nakilala ko dito at unang naging kaibigan ko simula ng napadpad ako dito. She know everything about me that's why I trusted her.

"Saan tayo unang pupunta?" Tanong ko sa kaniya habang papasok kami sa loob. 2nd time ko palang pumasok dito sa mall na 'to. Hindi ako masyadong gumagala kapag hindi si Sarah ang kasama ko. Si Sarah din ang kasama ko nung unang punta ko dito.

"May bibilhin ako sa H&M na damit, ikaw? Wala ka bang bibilhin?" Tanong niya sa 'kin at nakaisip ako ng kalokohan.

"Wala eh," sabi ko na nagpapaawa pa ang mukha. Inirapan naman niya ako at tumawa.

"Sige na nga, libre na kita nakakaawa yang mukha mo." At sabay ulit kaming natawa malakas pa yun kaya napapatingin samin ang ibang tao. Baka iniisip nila na baliw kami dito dahil tumatawa kami. Hindi naman talaga sana ako bibili pero dahil tumalab ang paawa effect ko ay bumili nalang rin ako pero hindi marami.

Madami pang kinuha si Sarah at dalawang terno lang na damit ang binili ko. Okay na ako dito, I don't do buy some stuff things na hindi ko naman kailangan.

'Diba siya yung anak ng mga Monteverde?'

'Siya nga, diba hinahanap siya ngayob?'

Napalingon ako sa dalawang tao na nagbubulong-bulongan sa gilid namin. Kaagad namang napakunot ang noo ko sa narinig? Ako? Hinahanap ng Monteverde? Edi kung may plano silang hanapin ako ay matagal na nila akong kinuha. Kung saan pa bumalik ang memorya ko ay ngayon ko palang maririnig yan?

Diba mayaman sila? Bakit hindi nila ako nahanap kaagad? They can use their connections just to find me if they want to. Pero hindi parin nila ako nahanap hanggang ngayon. Nabalik na yung ibang memorya ko't lahat-lahat pero nandito parin ako sa Cagayan na nagbabakasali na mapuntahan man lang ng sarili kung pamilya. Sana hindi na nga lang ako nakaala eh. Para hindi na ako bumalik sa kanila.

"Let's go!" Hindi ko namalayan na tapos na palang nakapag-pa cash si Sarah at binigay na niya yung sa akin.

Pumasok pa kami sa ilang botique at pumasok pa si Sarah sa Sketcehers na brand ng sapatos at nakabili siya ng isa. Bigla tuloy akong nawalan ng gana dahil sa narinig ko. Nakakatuwang isipin na ang sarili kung pamilya ay hindi ako mahanap-hanap hanggang ngayon.

Natapos ang araw namin ni Sarah na lutang ako. Nawala ako bigla sa mood ko parang pumangit ang lasa ng araw ko. Hindi ko akalain na maririnig ko sa ibang tao na hinahanap pala ako ng magulang ko. After all those months ngayon palang ako nakarinig na ganiyang balita sa ibang tao. Baka naman ngayon palang talaga nila ako hinahanap? Bakit? Ngayon lang ba sila nagka-oras sa akin na hanapin ako? Ilang buwan na ba ang lumipas? Kahit kailan ay wala akong nababalitaan na hinahanap ako ng magulang ko.

Palagi akong nanonood ng TV o ng mga balita. Pero ni minsan hindi ko nakita o narinig man lang na pinapahanap ako. Maybe, I was right. They just find me now because they aren't busy anymore. And if they got busy again? Hindi na naman nila ako mahanap?

"Anak, wala kabang lakad sa ibang araw?" Tanong ni Nanay sakin habang kumakain kami ng hapunan.

"Wala nay, bakit po?" Sabi ko naman habang ngumunguya.

"Uuwi ang Ate mo dito at kasama niya ang boypren niya at maghanda tayo kahit konti."

"Okay lang po nay, wala pong problema." Sabi ko.

Bumalik na si Kuya Arnold sa Manila dahil tapos na ang 3days vacation niya. At mukhang si ate na naman ang uuwi sa weekend at tulad ng sinabi niya ay kasama niya ang boyfriend niya.

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now