Chapter 11

305 6 0
                                    

Lumabas ako kinaumagahan sa hospital at dun dumiritso sa bahay namin. Hinatid ako ni george sa bahay namin dahil may biglang emergency na pinuntahan si Sarah. Buti nalang free si George kaya okay lang. Sa labas nalang ako ng gate nagpapahinto at hindi na siya pinapasok dahil baka magtaka sina Nanay na bakit si george ang naghatid sakin. Binilhan din ako ni Sarah ng pair of clothes para suotin ko pauwi at hindi magtaka si Nanay kung saan talaga ako galing. Tinawagan ko na rin naman sila kagabi na kila Sarah ako natulog kahit hindi at buti nalang naniniwala sila. I feel bad for lying to them, but I don't want them to worry about me. Masyado na akong pabigat sa kanila, pinapaaral na nila ako at binibigyan ko pa sila ng sakit ng ulo. Kamusta naman ang kakapalan ng mukha ko ano?

"Nay!" Sigaw ko ng makapasok ako sa bahay. Umalis na si george pagka baba ko ng sasakyan niya.

"Oh anak, buti umuwi kana. Halika't samahan mo 'kong magluto dahil uuwi daw ang Ate at Kuya mo." Masayang sabi ni Nanay. Ngumiti naman ako.

"Talaga Nay? Oh sige po, magbibihis lang po ako." Nagmadali akong umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko para magbihis.

Nang makapagbihis na ako ay kaagad akong dumiritso sa kusina para tulungan si Nanay magluto. May alam narin ako sa pagluluto ngayon, noon kasi ay hindi kasi palage kaming may kasambahay. Dun sa tunay kung pamilya kaya hindi ako natutong magluto. Dito lang ako natutong magluto hindi naman pang chef talaga pero kaya na.

"Asan ba si Tatay, Nay? Nagtitinda na naman ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Nandun sa plantation at uuwi na maya-maya para magsalo-salo sa pagkain, baka ilang oras nalang ay darating na ang mga kapatid mo..." Sabi ni Nanay.

Ilang oras ang lumipas ay umuwi na si Tatay at hindi nagtagal ay magkasunod lang silang dumating nina Ate at Kuya.

"Ate! Kuya!" Malakas na sigaw ko. Niyakap ko silang dalawa at ganun din sila sa akin. Hindi ko talaga naramdaman na iba ako sa kanila kahit kailan.

"Oh? Kumusta pag-aaral?" Tanong ni Ate.

"Okay naman, nasa top list parin." Nakangiting sabi ko.

"May manliligaw na ba?" Biglang tanong ni Kuya.

"Mukhang may balak sumubok manligaw dyan," sabat bigla ni Nanay. Ngumuso lang ako at nakatungo lang.

"At sino naman yun, Nay?" Tanong ni Kuya. Kinabahan tuloy ako.

"Kilala mo yung anak ng governador?" Patuloy nila sa pag-uusap kahit nasa hapag na kami at nagsisimula ng kumain.

"Oo Nay, kilala ko. Anak ba niya ang susubok nay?" Mapanganib na sabi ni Kuya. Naku talaga!

"Nay, tama na nga yan. Wala pa namang sinasabi yung tao ah? Wag nga kayong mag assume." Depensa ko sa sarili ko. Nagsimula akong kumain pero panay parin ang dada ni nanay about kay george. Wala namang sinabi yung tao na manligaw.

"Dadaan muna sakin yun nay, bago makapang ligaw. Kahit anak pa ng gobernador yan!" Sabi ni Kuya at inirapan ko nalang siya at hindi na pinansin ang mga pinagsasabi nila.

Pagkatapos kung magligpit at magpresinta na ako na ang maghuhugas ng pinggan ay umakyat na ulit ako sa taas at pumasok sa kwarto ko para magpahinga. Lumalalim narin kasi ang gabi kaya pagod narin ako. Paghiga ko ay biglang may nag text sa akin.

George: How are you? What do you feel?

Me: I'm fine, no need to worry though.

George: Good to know that. :)

Me: BTW, thank you for driving me home :)

George: As always, I'm just one call away. Are you going to sleep already?

Me: I plan too, but you texted so maybe, later? Lmao. (Laughing my ass off)

George: Tsk! I know you're tired, so go to sleep already! Goodnight :)

Me: You too. Have a goodnight sleep :)

At yun na ang huling usap namin bago ako nakatulog. Nagising ako kinabukasan sa sinag ng araw sa kwarto ko. Nagstretch muna ako at naghikab bago ako inaantok na bumangon. Ano kaya plano nila Ate ngayon? Saan naman kaya sila mamasyal? Pumasok ako sa banyo at naghilamos at nagtooth-brush.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba. Naaamoy ko na ang luto ni Nanay. Amoy Tocino at Longganisa ah? Bigla tuloy kumalam sikmura ko. Anong oras na ba? Di ako nakatingin sa cellphone ko eh. Naiwan sa taas, mamaya ko na kukunin dun. Nagsilabasan na naman ang mga kapatid ko sa mga kwarto nila.

"Yuck, Ate para kang multo. Umayos ka nga," asar ko sa kapatid ko. That's our way of bonding.

"Nay! Si Sydney oh." Sumbong niya kay Nanay kaya natawa ako. Ganiyan siya kapag binubwesit siya ng maaga.

"Ano ba Kuya, mag-ayos ka nga kaya walang nagkakagusto sayo eh!" Asar ko sa Kuya ko. Ang saya mang-asar ng bagong gising no?

"Hoy, marami kayang nagkakagusto sakin sa Manila. Swerte na nga sila kapag nalilingunan ko eh, sa sobrang busy kung tao minsan nawawalan na akong oras maghanap ng girlfriend..." Depensa niya pa.

"Ang sahihin mo wala talaga nagkakagusto sayo!" Tapos nagbelat ako sa kaniya.

"Ikaw ate? May nagkagusto ba dyan sa itusra mo? Para kang witch na kakagising lang ah?" Natatawang sabi ko. Magulo kasi ang buhok at parang lantang gulay. Hindi kasi talaga siya nag-aayos ng buhok kapag nandito kami sa bahay.

"Nay! Ang ingay oh, kumakain tayo dito." Sumbong ulit niya kay Nanay. Tawa lang ako ng tawa dahil sa itsura niya.

"Tama na yan, Sydney kumakain tayo." Seryosong sabi ni Nanay kaya pinigilan ko nalang ang tawa ko.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain mamaya nalang ako mang-asar kapag nasa mood pa ako. Ngayon kain muna tayo dahil kumalam ang sikmura ko kanina habang naaamoy ang pagkain.

"Saan ba kayo mamasyal Ate?" Seryoso ng sabi ko.

"Bibisita muna tayo sa plantation mamaya, tsaka tayo pupuntang CAWAYANON para magsimba. Sunday naman ngayon kaya for sure may mass dun ngayon..." Sabi ni Ate. Hindi pa ako nakakapunta dun kaya di ko alam anong itsura. Malamang may simbahan yun, ano ba sydney

Yun nga ang ginawa namin sa araw na yun, bumisita saglit sa plantation tsaka nagmaneho si Kuya papunta sa CAWAYANON medyo may kalayuan pala kaya maaga kaming bumyahe. Baka hindi na kami makakadating sa mass kaya saglit lang rin kami sa plantation.

The Lost HeiressWhere stories live. Discover now