Simula

13.2K 177 13
                                    

He's been following her, ilang taon na niya itong ginagawa pero hanggang ngayon ay hindi parin siya nagkakaroon ng lakas na harapin ang dalaga.

Hindi niya inaasahang may madedevelop siyang feelings para dito.

Noong una ay gusto niya lang talagang bantayan ang dalaga, pero nang lumaon ay unti-unti niyang nakilala ang ugali nito sa pagsunod sunod niya.

Pala-kaibigan at mabait ang dalaga, masipag din itong mag aral na talagang hinahangaan niya dahil kahit nag-gagala ito ay hindi parin nito nakakalimutan ang pag aaral.

Itinabon niya sa kanyang mukha ang librong hawak niya nang mapalingon sa kanyang gawi ang tingin nito.

Kinabahan siya na baka makita at mahalata na sumusunod siya dito.

Narinig niya ang tawa ng kaibigan na kasama ng dalaga.

Gusto nalang niyang magpalamon sa lupa sa kahihiyan dahil malamang ay nakita siya nito.

Gayun pa man ay ipinagpatuloy niya ang pagsunod dito, nakayuko at pasimpleng tumitingin kapag hindi ito nakatingin sa kanyang gawi.

Hindi naman siguro talaga titingin sa gawi niya ang dalaga dahil sino ba namang titingin sa kanya eh ang pangit ng porma niya.

Mukha siyang pinaglumaan ng panahon dahil sa suot niya, mabuti na lamang at may utak siya kahit papaano kung hindi lahat nalang ata ng kapangitan ay nasalo na niya.

Muntik na siyang mapamura nang muntik na siyang bumangga sa poste, inayos niya ang kanyang salamin at pinagpatuloy ang paglalakad, binilisan niya ito nang makitang nakalayo na ang dalaga, at lumiko na papuntang library.

Naupo siya sa upuan na medyo malayo pero tanaw parin ang dalaga. Hindi niya mapigilan ang sariling mapanganga sa ka simplehan nito.

Maganda ang dalaga pero hindi na nito kailangan ng kolorete sa mukha, at napansin naman niyang hindi ito masiyadong naglalagay ng ganoon sa kakatitig niya dito.

Napansin niyang masiyado nang bumilis ang tibok ng kanyang puso kaya nag iwas na siya ng tingin.

Maganda ang dalaga at maraming nagiging nobyo, at lahat ng mga ito ay magagandang lalaki.

May sakit na dumaan sa kanyang puso, at nawalan na ng pag asa. Sapat na sa kanya ang matanaw ito at makita at marinig ang mga tawa nito.

Dahil alam niyang wala siyang pag asa dito, sino ba naman siya? Langit ang dalaga at lupa siya. Kailan man ay hindi sila nababagay.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon