PROLOGUE

498 21 3
                                    

"Mr. Atorino."

"Sir?"

"We have some bad news."

Hindi ako nakasagot. Nagsimula nang mamuo ang malamig na pawis sa aking noo at ang pagbilis ng pintig ng aking puso. I can't hear anything except for that, except for my thundering heartbeats. Tanging kaba lamang ang nararamdaman ko.

Bumaling ako sa lalaking nasa harapan nang basagin nito ang katahimikan. Bigong mga mata ang iginawad niya sa akin.

"The sales are too low. Hindi pa rin nila pinapansin ang libro mo. It's been months and everything is failing."

"But I need-"

"I'm sorry for saying this but we have to stop."

We have to stop.

We have to stop.

It echoed inside my head. I couldn't believe what I just heard. Hindi ko iyon tinanggap kagaya ng hindi pag tanggap ng aking tenga.  Hinayaan kong ilabas ng aking katawan ang kaniyang sinabi.

But... It came back, loud and painful. Like daggers thrown in a crooked tree. I knew that this would happen, that this would flop. And I'm so stupid to think that there's still hope. Even in the hardest times, I know that there still is but I think this time, I don't know anymore.

Hindi ko na mapigilang maiyak. Ang kaninang seryosong mukha ng boss ko ay bakas na ang kalungkutan ngayon.

"Mr. Atorino. We're deeply sorry. But this is for the best."

Bigla akong nagising. Hingal na hingal ako sa aking pagbangon. Agad kong sinapo ang aking mukha sa aking dalawang kamay at kinalma ang sarili.

"Uh... I dreamed of it again..." I whispered to myself.

Puno ako ng pawis. My chest was so evident on my white t-shirt because of its wetness. Hinubad ko iyon at tulalang pinagmasdan ang kama.

Sabay sa pagpalis ng luha sa aking mga mata, narinig ko ang pagkatok ng kung sino sa pinto. Agad akong napalingon duon.

"Cris! Kakain na!" sigaw ni Ben.

Napapapikit ako nang mariin. "Bababa rin ako..." I don't know if he heard it though.

My attention drifted to my room. Napa kurap-kurap ako. How the fuck can I make myself feel better if the room looks like this, huh?! This doesn't scream the feeling that I can relax in here at all.

Ang mga papel na pinagsulatan ko kagabi ay nakakalat sa sahig. Pati na rin ang mga ballpen at lapis. Binagsak ko ang aking sarili sa kama para maiwasan iyon.

Ang taas ko mangarap pero ang tamad ko maglinis ng kwarto... I don't really make sense.

I sighed. Pinagmasdan ko ang mga nakasulat sa dingding. It made my lips curved a bit as I read every line and stopped at its higlight, tears were still dripping like raindrops of an afternoon storm. Hindi ko na mapigilan ang tuluyang pagngiti. It's good to know that it still works on me. Percival is surely proud.

"You're going to be an Author."

Pinakawalan ko nalang ang aking hininga at saka bumangon na. Nasa batok ko ang aking kamay habang naglalakad papalabas ng silid.

Pagkababa ko, isang panibagong araw ang bumati sa akin.

Somebody's Biggest Mistake (Mistake Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon