Melody POV
"Mama papasok na po ako!" Paalam kong sigaw kay mama na nasa loob ng kusina ng bahay.
"Sige anak ingat ka!" Balik niyang sagot sa akin.
Ako si Melody Montes, 19 years old second year college at tourism management ang kurso ko. Nag-iisa lamang akong anak. Si mama na lang ang kasama ko kasi ang magaling kong ama ay sumakabilang bahay na, iniwan kami dahil sa ibang babae. Pero okay na sa akin 'yon napatawad ko na si papa. Siguro gano'n lang talaga kapag nawala na ang pagmamahal para sa isat-isa. Okay narin kasi si mama. Masaya naman kahit kaming dalawa na lang.
Head nurse sa isang private hospital ang mama ko. Si papa naman ay engineer. Monthly naman nagsusustento si papa kahit papaano, di pa rin niya nakakalimutan ang obligasyon niya sa akin. Si mama naman ay hindi na nag-asawa pa, ayaw na daw kasi niya ng sakit ng ulo.
Maaga ako lagi pumapasok sa eskwelahan kasi lagi akong may inaabangan, alam niyo ba kung sino? Syempre walang iba kung hindi ang love of my life na si Tryon. Alam nyo grabe ang gwapo niya mabango, matangkad at matalino. Lahat na ata ng katangian na gugustuhin ng isang babae ay nasa kanya na. 'Yon nga lang ay masungit at suplado ito. Bihira mo siyang makitang nakikipag-usap kahit kanino. Hindi mo rin siya makikita na ngumiti. Madalas din ay nagsusungit ito. At parati itong nag-iisa. Pero okay lang kahit hindi niya ako napapansin, hindi naman nababawasan ang pagmamahal ko sa kanya. Biro nyo since high school crush ko na siya. At hindi lang basta crush dahil in love ako sa kanya.
Sabi nila kapag ang crush tumagal ibig sabihin in love ka na. 'Yong tipong wala kang nakikitang mali sa kanya, lahat tama at perpekto sa mata mo.
Nang huminto ang dyip sa harap ng university ay agad akong bumaba at pumasok sa gate ng eskwelahan, nakita kong naka tayo sa may gate si Elizabeth ang bff ko, siya lang ang nakakaalam ng lahat ng mga kagagahan at kabaliwan ko kay Tyron.
"Hi bakla" malayo pa lang ako ay kumakaway na itong si Eli sa akin.
Pumasok na kami sa loob ng campus at umupo sa paborito kong tambayan bukod sa ilalim ng puno sa loob ng quadrangle ng university. Umupo kami sa may tapat ng gate dahil aabangan ko syempre ang lalaking nagpapatibok ng aking puso. Araw-araw walang palya ko itong ginagawa.
'talandi ka girl'
"Dumaan na ba ang baby ko?" Tanong ko kay Eli habang may nakapaskil na malawak na ngiti sa aking labi.
"Maka baby wagas ah? Jowa mo na?"
"Oo! 'Yon nga lang hindi pa niya alam, at kapag nalaman niya--." Napa-hinto ako sa pagsasalita ng agad na magsalita ang bruha kong kaibigan.
"Break na kayo?" Pang-babara niya sa akin.
"Aray naman! Alam mo kapag naging boypren ko si Tyron who you ka sa akin." Ganyan lagi kung asarin ako ni Elizabeth. Ewan ko ba at naging best friend ko ang babaeng ito.
"Paano naman magiging kayo? eh hindi nga niya alam na may gusto ka sa kanya at pinagpapantasyahan mo siya." pang-aasar ni Elizabeth sa akin, na sa totoo lang ay gusto ko ng dunggulin ang nguso niya para hindi na makapag comment pa. Bastos ang bunganga eh.
High school ako ng magsimulang tumibok ang aking puso sa aking sinisinta. Ayan na nagiging makata na ako. Tama po kayo first year high school ako ng una ko siyang makita at literal na naghugis puso ang mata ko ng makita ko siya. Nung nag college kami sinundan ko talaga siya, hindi lang stalker bes fanatic din. Lahat nang nangyayari sa buhay niya alam ko pati mga favorite niya, bongga diba? Ganyan ako magmahal luka-loka.
Habang nagkekwentuhan kami ni Eli natanaw ko na ang Audi ni Tyron. Sasakyan palang ang nakikita ko malakas na agad ang tibok ng puso ko.
"Ayan na siya bakla." Bulong ni Eli habang ako ay hindi na maalis ang mata sa mukha niya. My god bakit ba ang gwapo niya, kung ilegal lang ang pagiging gwapo at yummy nakulong na'to. Literal na nag slow motion ang lakad niya sa harapan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/234311757-288-k804256.jpg)
BINABASA MO ANG
I love you Mr Sungit
Romance(Completed) Highest Rank reached in Tagalog love story category: Rank #1 "Tyron mahal kita since high school pa" Melody Montes masayahin, mabait mabuting anak at mahilig sa musika, lihim na may pagtingin kay Tyron Jay Cuevas, high school pa lang mah...