Melody POV
Lumipas ang mga araw, gano'n lagi ang ginagawa namin ni Eli para maibigay ang letter kay Tyron. Dasal ko na lang na sana ay hindi niya iyon itinatapon o sinusunog.
Nasa ilalim ako ng puno ngayon, habang hinihintay si Eli, may usapan kami na magkikita kami ngayon. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko, masakit kasi ang ulo ko kaya nagpapahinga ako ngayon. Dala na rin siguro ng puyat at pag-iyak ko kagabi.
Wala akong ganang gumawa ng mga assignment namin, kaya sa bahay ko na lamang iyon gagawin. Tulala lang ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Eli.
"Oh! Bakit ganyan ang mukha mo at bakit namamaga ang mata mo?" Tanong niya sa akin pagkatapos ay umupo siya paharap sa akin, naka indian seat siya katulad ko.
"Hindi pa nagiging kayo ni Tyron break na agad?" Pagbibiro niya, ganyan siya kapag may problema ako lagi niya pinapagaan ang lahat. Parati niya akong pinapatawa.
Hindi ako umimik, nag-iinit na ang aking mata. Nangingilid na rin ang mga luha ko. Tumawag kasi ang stepmother ko kagabi at sinabi niya na may sakit ang daddy ko. Kahit ganyan ang nangyari sa pamilya namin ay mahal ko pa rin ang daddy ko at ayoko na nakikita siya sa ganoong kalagayan.
Ikinuwento ko kay Eli ang lahat, buti na lang at kahit papaano ay nandito siya para makinig sa mga problema ko at kabaliwan ko. Napaka swerte ko, kasi hindi lang matalik na kaibigan si Eli sa akin, para ko na rin siyang kapatid. Sabi nga nila wala sa dugo ang pagiging pamilya. At kay Eli ko napatunayan 'yon.
"Wag kang nega baks, 'gagaling ang daddy mo." Pag-aalo niya sa akin habang umiiyak ako.
"Sana nga baks, kasi gusto ko kapag nagtapos na ako ng kolehiyo ay, kumpleto kami ni mama at daddy."
"Oo naman mangyayari pa 'yon, 'sabi mo nga nasa amerika na sila at doon nagpapagamot diba? Mas malaki ang chance na gumaling siya doon." Tumango lamang ako habang pinupunasan ang luha ko.
"Oh siya wag ka ng umiyak d'yan kasi pumapangit ka, baka makita ka ni Tyron hindi maiinlove sayo 'yon."
"Salamat baks ah, 'kasi lagi kang nand'yan para sa akin."
"Naku naku naku! Kaarte mo baks, 'halika na at ilagay na natin yang sulat mo sa locker niya."
Akmang tatayo na ako ng may lumapit sa akin na babae at may inabot na isang stem ng red rose na may nakalagay na note sa stem nito.
Please smile, cause your smile
Makes my day brighter, and I
Love your smile
T❤
"T for Tyron?" Nakangiting saad ni Eli.
Nagkatinginan kami ni Eli ng mabasa namin ang initial na nakalagay sa note. Luminga linga pa ako upang hanapin ang babaeng nag-abot ng bulaklak sa akin. Ngunit agad din itong nawala. Ayoko ko man mag assume na kay Tyron galing ito pero dahil asumerang palaka ako iniisip ko talaga na galing sa kanya ang rose na ito.
Bahagya ko pa itong itinapat sa aking ilong upang amuyin..
Sabay kami tumayo ni Eli at tinungo ang building kung saan naroon ang locker ni Tyron. Nang matapos ang klase namin ay sabay na kami umuwi ni Eli. May ilang araw na rin ako nagbibigay ng letter kay Tyron. At sa t'wing mabibigay ko ang letter na para sa kanya ay nagiging masaya ako. Sa letter ko kasi ikinikwento ang mga nangyayari sa akin at ang mga gusto kong sabihin sa kanya.
Tyron POV
"Tyron." Tawag sa akin ni Mike, kaya napalingon ako sa kanya. Katatapos lang kasi ng third subject namin.
Lumapit siya sa akin kasama si Benjie at Anton.
"Bakit?" Tanong ko sa kanila, sa totoo lang sila lang ang masasabi kong kaibigan ko dito sa university, simula first year sila lang ang madalas na nakakausap ko at nakakasama ko.
"Baka gusto mong sumama?" Tanong ni Benjie ng makalapit sila sa akin
Hindi pa man ako nakakasagot nang magsalita naman si Mike.
"Mag babar kami mamaya tutal katatapos lang naman ng exam kaya pwede na tayo mag relax."
"Ano, sama ka?" Tanong niya ulet.
Sabagay matagal na rin ng huling nag bar ako. Fourth year na kami at malapit na ako magtapos, maraming nakaka stress na kailangang gawin dahil graduating na kami. Siguro ay hindi naman masama na minsan ay mag relax at magsaya kami.
Tumango ako sa kanila. "Sige sama ako, 'text text nalang." Sagot ko sa kanila.
Matapos ang third subject ko ay nagpasya ako magtungo sa ilalim ng puno, dating gawi kapag vacant time. Ngunit natigilan ako ng makita ko kung sino ang nakasandal sa kabilang side ng puno na pinupwestuhan ko. Habang papalapit ako sa kanya ay palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Ganyan ang epekto niya sa sistema ko, sa buong pagkatao ko. Malungkot ang mga mata niya, her eyes swollen halatang galing sa pag iyak.
Dahan dahan akong umupo at sumandal sa kabilang side ng puno. Nakatalikod ang pwesto ko sa kanya at naririnig ko ang mga ingay na nagmumula sa pwesto niya.
Mayamaya ay dumating ang kaibigan niya at napansin din na malungkot siya.
"Oh! Bakit ganyan ang mukha mo at bakit namamaga ang mata mo?" Tanong ng kaibigan niya sa kanya, siguro ay napansin din nito na malungkot siya at may dinaramdam.
Hindi pa man niya sinasabi ang problema niya ay nagsimula na siyang umiyak, naririnig ko ang mga hikbi niya. Fuck nasasaktan ako kapag naririnig ko siyang umiiyak. Hindi ko alam kong bakit parang gusto ko siyang lapitan at ikulong sa mga bisig ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.
Nang magsimula na siyang magkwento ay malaman ko na may sakit ang daddy niya. Parang nararamdaman ko ang sakit ng nararamdaman niya sa bawat pag-iyak niya. Tumayo ako at dali-daling lumabas ng gate. May maliit na flower shop sa di kalayuan ng university. Agad akong bumili ng red rose at nilagyan ko iyon ng note. Pumasok ako sa loob ng campus at naghanap ng pwedeng mautusan, na pwede ko mapakiusapan na mag-aabot nito sa kanya.
Lumapit ako sa magkaibigan na masayang nagkekwentuhan. "Hi!" Sabay silang tumingin sa akin, tumabi ako sa isa sa kanila at kinausap ko ito. "Hi what's your name?" Tanong ko sa kanya sabay ngiti.
"Alice po." Sagot niya sabay ngiti niya sa akin.
"Alice can I ask you a favor?" Tanong ko sa kanya at sinagot naman niya ako ng tango.
"Nakikita mo ba iyong magandang babae na nasa ilalim ng puno? Yong may hawak ng gitara?" Tanong ko ulet at ngumiti siya habang tumatango tango, mukhang may ideya na siya sa nais kong ipagawa sa kanya.
"Can you please give it to her." Sabay abot ko sa kanya ng rose at kinuha naman niya ito. "And please don't mention na ako ang nagbigay."
Umalis na si Alice at lumakad papunta kay Melody. Iniabot niya ang rose dito. Nakita ko na binasa niya ang note at ngumiti siya. Luminga linga pa ito sa paligid kaya nagtago ako at sinilip ko lang siya. Thats my girl, just always smile baby ko. Nang makita ko na tumayo na sila ay umalis na rin ako. Lumabas na ako at pumunta sa parking lot, sumakay sa kotse at pinaharurot ito pauwi sa mansion kung nasaan ang lolo ko na bibisitahin ko ng araw na iyon.
Simpleng galawan tyron baby😍😍
BINABASA MO ANG
I love you Mr Sungit
Romance(Completed) Highest Rank reached in Tagalog love story category: Rank #1 "Tyron mahal kita since high school pa" Melody Montes masayahin, mabait mabuting anak at mahilig sa musika, lihim na may pagtingin kay Tyron Jay Cuevas, high school pa lang mah...
