Melody POV
Sa mga lumipas na araw ay naging masaya kami ni Tyron. Pero syempre hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakasunduan. May konting tampuhan na agad din naman naming naayos. Wala naman perpektong relasyon at alam naman pareho na kailangan maging aware kami sa lahat ng magiging desisyon naming dalawa.
Parati niya akong sinusundo sa bahay, sabay kami magla-lunch, sabay mag-aaral at ihahatid ulet pauwi. Gano'n kami sa mga nakalipas na araw at linggo. Kahit marami siyang ginagawa dahil graduating na siya, hindi pa rin ito nawawalan ng oras sa akin. Halos sa akin na nga napupunta ang mga libre niyang oras.
Nasa loob ako ng classroom ng may tumawag sa akin na kaklase ko na may naghahanap daw sa akin sa labas ng room. Tumayo ako at lumabas ng classroom. Nakita kong nakatayo si Aries at nakasandal sa pader. Nakatungo ito at hindi namamalayan na nasa tabi na niya ako. Mukhang malalim ang iniisip.
Tumikhim ako at ngumiti sa kanya, agad namang napatingin ito sa akin. "Hi.." Bati ko sa kanya. Malungkot ang mukha nitong tumingin sa akin.
"Hi din.." Bati niya sa akin at gumanti ng ngiti, habang kumakamot pa sa may batok niya. "Melody about dun sa dat--." Hindi ko na siya hinintay pang ipagpatuloy ang sinasabi niya. Mabuti na rin na malinawan din siya, dahil ramdam ko na may pagtingin sa akin si Aries. At ayokong paasahin siya. Mabait naman siya, kung hindi nga lang ako sobrang in love kay Tyron baka binigyan ko siya ng pag-asa, 'yon nga lang ay mahal na mahal ko ang baby ko.
"Aries, 'sorry ah! Hindi na kasi ako pwede makipagdate sayo sa party, alam mo naman siguro na may boyfriend na ako.." Nakita ko ang biglang paglungkot ng kanyang mukha, nakokonsensya man ako pero wala akong magagawa. At alam kong may tamang tao ang nakalaan para sa kanya.
Ngumiti siya, ngunit ang ngiti niya ay hindi man lang umabot sa mata. "Okay lang Mel, naiintindihan ko, 'kasalanan ko naman naging torpe kasi ako kaya naunahan ako." Sabay tawa niya na ikinangiwi ko.
"Aries, 'alam mo mabait ka, hindi rin naman magpapatalo sa looks at matalino, kaya imposibleng walang babae na magkakagusto sayo at mamahalin ka. Darating din ang tamang babae para sayo." Sabi ko sa kanya at nginitian ko siya
"Pampalubag loob ba yang sinasabi mo?" Tanong niya sa akin sabay tawa, ngumuso naman ako. "You know what? Nakapa swerte ni Tyron kasi sa kanya mo ibinigay ang pagmamahal na hahangarin ng katulad ko, sana lang pahalagahan niya iyon at ingatan ka niya. Dahil kapag sinaktan ka niya, aagawin kita sa kanya at hindi ko na siya Bibig yan pa ng dahilan para mahalin mo siya ulit.."
"Hindi mangyayari iyon."Nakangiti lang ako sa kanya. "At saka mas swerte ako kay Tyron, salamat Aries ah.." Tumango ito at ngumiti.
Matapos namin mag-usap at magkalinawan ay umalis na siya, ako naman ay pumasok na ulit sa classroom.
Kinabukasan ay wala kaming pasok dahil sa araw na iyon gaganapin ang acquittance party.
Bago ang araw na iyon ay bumili kami ni Eli sa mall ng long gown na susuotin naming dalawa.
Isang black lace long gown na mejo mababa ang neckline at may slit sa harapan at 3 inches na black stiletto ang susuotin ko. Kailangan kong maging maganda at bumagay syempre sa gwapo kong date.
Napapangiti at kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko 'yong panghaharana ni Tyron sa akin sa gym sa harap ng maraming tao. Para kasing ibri-nod-cast nito sa buong campus na girlfriend niya ako. Kaya marami ang nagulat at nanghinayang.
Eksaktong ala singko ng hapon ay naligo na ako, dahil six thirty ako susunduin ni Tyron. Makatapos maligo ay nagblower ng buhok at nagmake up na ako. Hindi na ako nagpasalon pa dahil hindi din naman ako sanay ng makapal na make up. Mas gusto ko iyong simple lamang, 'yong hindi natatakpan ng make up ang mukha.
BINABASA MO ANG
I love you Mr Sungit
Romance(Completed) Highest Rank reached in Tagalog love story category: Rank #1 "Tyron mahal kita since high school pa" Melody Montes masayahin, mabait mabuting anak at mahilig sa musika, lihim na may pagtingin kay Tyron Jay Cuevas, high school pa lang mah...
