chapter 11 anniversary

1.6K 69 2
                                    

Melody POV

Days past, at eto na nga anniversary na namin today. Pero ang magaling na si Tyron ay mukhang wala na nga atang balak mag-celebrate kasama ako.

Ang sarap na n'yang kutongan kasi na-e-stress na ako sa kanya. Ano bang palagay niya sa'kin walang puso at kaluluwa na hindi marunong masaktan, ang lalim bes.

At mukhang itutulog ko talaga ito maghapon dahil nag message lang naman ang tinamaan ng lintik na marami siyang meeting today.."hayssss'

Nasa bahay ako ngayon dahil saktong sabado tumapat ang anniversary namin kaya walang pasok ang lola n'yo.

Mukhang aayain ko na lang si Eli, sana lang ay hindi sila magkasama ni Mike.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-e-emote ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot, hindi ko na inalam pa kung sino ang tumawag.

"Hello." Masungit kong sagot.

"Taray baks! Bakit parang binagsakan ka ata ng langit at lupa?" Natatawang tanong ni Eli, salamat naman at tumawag siya dahil tatawagan ko naman talaga siya.

"May gagawin ka ba? May lakad ba kayo ni Mike? Baka pwedeng ako muna ang samahan mo?" Tanong ko sa kanya, at ang gaga tumawa lang, nang aasar pa.

"Mainit ulo mo bakla? Tamang tama out of town tayo." sagot niya sa akin, kahit papano medyo nawala ang inis na nararamdaman ko. Ang tanong lang saan naman kaya ako dadalhin ng babaeng 'to?

Sinabihan niya akong mag impake ng gamit kasi two days daw kami doon at monday na ang balik namin. Batangas daw ang distinasyon namin. Gusto ko 'yon beach. At least ay makakapag relax ako.

Kahit pa'no rin ay malilibang ako at hindi na masyadong mag-iisip pa. Kung may taong hulog ng langit si Eli iniluwa ng lupa 'yan para sa'kin.

Makalipas ng kalahating oras ay dumating na siya at kasama niya si Mike. Hindi na ako nagtaka dahil alam kong hindi mo mapaghihiwalay ang dalawang yan.

After 3 hours na biyahe ay nakarating din kami. I don't know kung kaninong rest house ito. I think its villa, malawak ito at natayo sa tabing dagat. Maraming puno sa paligid, cozy at nakakarelax tingnan ang loob ng rest house, mukhang alagang alaga rin.

"Kaninong rest house ito?" Tanong ko kay Eli habang iniikot ko ang aking mga mata sa loob ng bahay.

"Sa friend ko." Mike said. Tumango tango ako habang nagmamasid.

"Maganda ah, at mamahalin mga gamit. Iba talaga ang mayayaman." Sabi ko, napansin kong nagtinginan silang dalawa at sabay tumawa. Ang weird ng dalawang 'to.

Maya maya pa ay lumapit sa amin ang katiwala ng rest house at inaya kaming kumain ng pananghalian. Mababait silang mag-asawa at mukhang alam na nila na darating kami kasi nakapaghanda na agad sila.

Pagkatapos kumain ay inihatid na kami ng katiwala sa kanya kanya naming kwarto.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay nakaramdam ako ng pamilyar na pakiramdam. Dahil parang pamilyar ang pabango na naamoy ko sa loob ng kwarto. Medyo manly din ang design nito. Pero nagkibit balikat nalang ako at humiga. Imposible na nandito siya dahil sinabi niya sa akin na busy siya na may out of town business siya.

Humiga ako sa kama at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng may tumatapik sa aking pisngi at ng imulat ko ang aking mata, ay mukha ni Eli ang aking nabungaran.

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon