Melody POV
Nasa cafeteria kami ngayon ni Eli, kakatapos lang namin mag lunch. Nakatambay kami habang naghihintay ng susunod na subject.
Habang busy ako sa pagsusulat ay biglang nagsalita si Eli kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya.
"Melody 'diba si Tyron iyon?" Tanong niya sa akin at sinilip ko naman ang itinuturo niya.
"Teka baks, si Tricia ba iyong kasama niya?" Parang may sumakal sa puso ko ng mga oras na iyon. Hindi ko gusto ang nakikita ko. Lihim na nagpupuyos ang aking dibdib sa galit.
Parang gusto kong kumuha ng voodoo doll at kulamin bigla si Tricia. Masakit na sa mata, masakit pa sa puso. At ang mas masakit pa ay 'yong katotohanang wala kang karapatan. Ano to triple kill?
Sabay silang pumasok sa loob ng cafeteria kasama nila ang iba pang kaibigan ni Tyron, habang si Tricia naman ay enjoy na enjoy sa pag angkla sa braso ni Tyron. Ang sarap ipalapa sa pating.
"Baks pigilan mo ako, makakalbo ko yan!" Galit kong saad habang matalim kong tinititigan ang dalawang nilalang na wagas kung maglingkisan sa harapan ko.
"Girlfriend baks? Kung maka pag-emote ka d'yan parang gf lang ah, wagas kung mangbakod." Itong si Eli minsan gusto ko rin ipatapon sa iraq. Hindi mo maintindihan kong kontrabida o ano. Masakit na nga ang puso ko kung anu-ano pa ang lumalabas sa bibig.
"Ang sakit baks! Lalo na kasi wala akong karapatan na masaktan." Malungkot kong tiningnan ang dalawa habang sabay kumakain at nag-uusap.
"Hayaan mo na baks, h'wag mo na lang silang pansinin."
Yumuko ako at hindi na lamang pinansin ang mga ito. Maya maya ay dumating si Aries at lumapit sa pwesto namin.
"Hi Melody!" Bati niya sa akin na kumakamot pa sa likod ng ulo at nahihiyang tumingin sa akin. Kahit gusto ko siyang kausapin ay hindi ko magawa. Nawalan na kasi ako ng gana makipag usap kahit kanino. Nginitian ko na lamang siya ng tipid.
"Anong meron Aries?" Tanong ni Eli sa kanya.
Ngumiti ito at umupo sa bakanteng upuan sa harapan namin.
"Malapit na ang acquittance party natin, kaming mga student council ang nag-o organize ng party." Pagsisimula nito, nakangiti pa-rin ito sa akin kahit nakasimangot ako sa kanya.
Mariin akong nakatingin sa kanya habang nagsasalita siya, dahil kanina pa ako wala sa mood dahil sa paglalandian ni Tyron at ni Tricia sa harapan ko. Si Eli lang ang sumasagot sa kanya habang ako at nakatingin lang.
"Oh eh ano ngayon?" Pagtataray na sagot ng kaibigan ko sa kanya. Parang menopause na'to kung makasagot, mainit ulo lagi.
Yumuko ito at nagsalita na parang may binubulong. "Pwede ba kitang maging date sa party?" Bulong niya na halos kami lang ni Eli ang nakakarinig. Lihim akong napangiti ng makita na namula ang kanyang mukha hanggang leeg.
"ANO?! INAAYA MO NG DATE SI MELODY?!" Pasigaw na tanong ni Eli kay Aries kaya naman ang mga estudyante ay napatingin sa amin. Lalong pinamulahan ng mukha si Aries at pati na rin ako. Tinakpan ko ang bibig ng kaibigan ko dahil napansin kong tumingin din sa pwesto namin si Tyron, masama ang tingin nito at nakakunot ang noo. Hala anong nangyari dun?
"Bakla baka gusto mo naman hinaan ang boses mo, nakatingin na silang lahat sa atin, 'eskandalosa ka baks!" Inis kong bulong sa kanya.
"Kaya ko nga nilakasan kasi gusto ko marinig ni Tyron." Sabi niya sabay tawa ng malakas. Baliw talaga ito kahit kailan. Sabi na nga ba eh, sa ginagawa ni Eli feeling ko tuloy isa akong diyosa ng kagubatan na napadpad sa siyudad. Dahil inanod sa ilog pasig. "Nakita mo ba tumingin siya at base sa kunot ng noo niya mukhang galit siya."
Habang nagbubulungan kami ni Eli hindi ko na napansin si Aries na kanina pa nakatingin sa amin at naguguluhan kung ano ang pinaguusapan namin. Tumikhim ito at nagsalita ulit.
"Melody hindi naman kita minamadali, next month pa naman 'yon, kaya lang gusto ko lang na ako ang unang mag-aya sa'yo." Sa totoo lang okay lang naman maka-date si Aries. Gwapo din naman siya, matalino at mabait. Kung hindi lang tumitibok ang puso ko kay Tyron mapapansin ko talaga siya, 'yon nga lang ay umaasa kasi ako sa pag-ibig ni Tyron, na balang araw ay mapansin din niya ako. Oo ambisyosya ako dahil pinapangarap ko 'yon. Masyado na kasing okupado ni Tyron ang buong sistema ko, ang buong puso ko at alam kong wala ng lugar para sa iba dahil sinakop na niya.
"Sige Aries pag-iisipan ko, malalaman mo ang sagot ko the day before the party." Sagot ko sa kanya at nginitian ko siya.
Tumayo ito ng nakangiti "Talaga! Salamat Melody ah, sige mauna na ako may klase pa kasi ako." Ngumiti ulit ito ng pagkatamis tamis at nagpaalam sa amin, habang naglalakad ito at sumigaw pa ito na may bakas ng kasiyahan at nakipag apir sa mga kasamang kaibigan.
"Si Aries naman ang reaksyon niya akala mo pumayag ka na talaga." Natatawa sabi ni Eli sa naging reaksyon ni aries habang ako ay nangingiti at umiiling.
Pag-alis ni Aries ay tumayo na din si Tyron at umalis sa inuupuan nila, mukhang kanina pa umalis si Tricia kaya hindi na nila ito kasama. Mabuti naman kasi parang gusto ko ng ipalapa sa buwaya si Tricia. Dumaan sila sa gilid namin ng bigla itong nagsalita.
"Date huh?!" Sabay kaming napatingin ni Eli sa kanya pero siya ay tuloy tuloy lang ang paglalakad paalis sa cafeteria. Nakapamulsa ito at bitbit ang bag sa likod nito. Kasama ang mga kaibigan nito na nakangiti sa amin dalawa. Anong nangyari don?
"Mukhang selos si pareng Tyron ah. Mukhang may pag-asa ka bes." Natatawang saad ni Eli, habang nagtataas baba ang kilay nito sa akin.
At syempre dahil sa sinabi niya at asyumerang palaka ako ay hopia na naman ang lola nyo na baka nga nagseselos siya. Kaya isang malawak na ngiti nanaman ang lola nyo. Baby ko wag kang magselos, iyong iyo lang ako. Nakatanaw lang ako sa papalayong likod ni Tyron.
MATAPOS ang klase namin ay naglagay ulit ako ng sulat sa locker ni Tyron. Walang palya iyon mga bes, araw-araw talaga. Ewan ko na lang kung hindi siya magsawa. Sa pamamagitan kasi ng sulat parang nakakausap ko narin siya ng personal. Nasasabi ko sa kanya ang mga gusto kong sabihin.
Sabay kami umuwi ni Eli ng hapon na iyon. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si mama na papasok pa lang ng trabaho. Pang gabi kasi ang schedule niya. Pagkatapos ko kumain ay naligo na ako at gumawa ng mga research ko.
Nang matapos ako ay humiga na ako, at dahil hindi pa ako inaantok ay walang sawa kong tinitigan ang larawan ni Tyron sa cellphone ko. Picture lang naman niya ang nasa lock screen ko. Oh diba gf lang ang peg.
Papikit na sana ako ng biglang umilaw ang cellphone ko at tumunog ito, tiningnan ko kung sino ang nag text sa akin. Literal na lumundag ang puso ko palabas ng ribcage ko ng mabasa ko kung sino ang nagpadala ng mensahe.
*baby ko❤: don't you dare try to date him."
Impit akong napatili habang nagpapagulong gulong sa aking kama. Sa palagay ko mukhang magiging sweet talaga ang dreams ko. Dahil makakatulog lang naman ako ng may ngiti sa aking mga labi.
😂😂bakit ba kinikilig ako
![](https://img.wattpad.com/cover/234311757-288-k804256.jpg)
BINABASA MO ANG
I love you Mr Sungit
Romance(Completed) Highest Rank reached in Tagalog love story category: Rank #1 "Tyron mahal kita since high school pa" Melody Montes masayahin, mabait mabuting anak at mahilig sa musika, lihim na may pagtingin kay Tyron Jay Cuevas, high school pa lang mah...