chapter 13 sick

1.6K 61 3
                                    

Melody POV

Matapos magpropose ni Tyron naging ay extra sweet siya sa'kin. I feel special everytime na magkasama kami. Mas lalo ko din nararamdaman ang pagmamahal at pag-aalaga niya.

Mabilis din lumipas ang buwan. Ngayon ay fourth year na ako at graduating na. Sobrang excited na ako maka graduate, makapag hanap ng trabaho at makasal kay Tyron.

Sa mga lumipas na buwan medyo napapansin ko din ang madalas na pananakit ng ulo ko at medyo nagiging weird din ang mga moods ko. Daig ko pa ang buntis kung makamood swing.

Next month is Tyron's birthday, so I decided to go to the mall para maghanap ng gift para sa kanya. Busy si Eli kaya wala akong kasama ako lang mag-isa. Pero kanina pa ako paikot-ikot at wala pa rin akong mahanap na gift para sa kanya.

Hanggang sa mapadaan ako sa lingerie section. Bigla naman nag-init ang aking mukha dahil sa naisip kong gift para sa kanya. Pero why not, eh soon to be husband ko naman na siya.

I shook my head while laughing. Nababaliw na ata ako. Nagpatuloy pa ulit ako na mag-ikot at lumipas pa rin ang isang oras na gano'n pa rin, wala pa rin ako mahanap, dahil alam kong lahat ng material na bagay ay meron na siya, kaya hindi ko alam kung ano ang pwede kong ibigay para sa kanya.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung ano ba talaga ang hinahanap ko. Hanggang sa mapagpasyahan kong bumalik sa shop ng mga undies at lingerie. At ang nakakagulat do'n ay binili ko ang isang red lingerie. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at binili ko ito.

Habang nagbabayad na ako ay nakaramdam na naman ako ng pananakit ng ulo. Hinilot ko ang aking nuo upang kahit papaano ay mabawasan ang sakit. Nang matapos akong makapagbayad, ay agad akong lumapit sa guard upang magpatulong na humanap ng taxi na aking sasakyan. Dahil mukhang hindi na talaga maganda ang nararamdaman ko, at iba na rin ang sakit ng ulo ngayon. Hindi ito tulad ng dati. Mas masakit ito at sa palagay ko ay hindi ko ito kakayanin kaya kailangan ko nang umuwi na.

Ngunit hindi pa man nakakarating ang taxi ay napasigaw na ako sa sobrang sakit ng aking ulo. Para itong binibiyak at nanlalabo na rin ang aking mata.

"G-guard. Guard!." Sigaw ko ng mas maramdaman ko pa ang tindi ng pananakit nito. Tumingin naman agad sila sa akin.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" Tanong nung isang guard na mababakas mo sa kanya ang pag-aalala.

"K-kuya please help me ang sakit ng ulo ko, I can't bear it anymore." Sigaw kong pagmamakaawa sa kanila.

Narinig kong nag radio yung isang guard, ngunit dahil sa tindi ng pananakit ng aking ulo ay hindi ko na inintindi ang nasa paligid ko. Pinagpapawisan ako ng malamig at halos magdilim na ang aking paningin.

Sa sobrang sakit ng ulo ko ay napahawak na ako sa braso ng isang guard at tuluyan na akong nabuwal sa pagkakatayo. Naramdaman ko na lang na hindi ako tuluyan bumagsak sa semento dahil nahawakan pala niya ako, tuluyan na rin akong nawalan ng malay.

Nagising ako dahil sa amoy at liwanag ng paligid at ng imulat ko ang mata ko ay bumungad sa'kin ang puting kisame at maliwanag na ilaw. Patay na ba ako? Jusko h'wag naman. Pa'no na ang mama ko? Si Tyron pa'no na? Ni hindi ko pa nga nabibigay sa kanya ang kipay ko, napurnada pa.

Napabalikwas ako ng bangon, naramdaman ko na bahagya pang sumakit ang ulo ko.

Agad akong nilapitan ni mama na kanina pa pala sa tabi ko. Mukhang nandito ako ngayon sa ospital kung saan siya nagtatrabaho. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Anak kumusta pakiramdam mo?"Tanong niya sa'kin.

"Medyo okay na ma, ano po bang nangyari?"

"Sumisigaw ka daw na masakit ang ulo mo, tapos hinimatay ka na. Kaya nagulat ako kanina ng makita kita na ipinasok sa emergency room. What happened anak? Meron ka bang hindi sinasabi kay mama?" Umiling ako, alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin. Siguro ay akala niya na naglilihim ako sa kanya. Wala naman akong sakit. Pwera na lang sa madalas na pananakit ng ulo ko.

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon