epilogue

2.3K 103 40
                                    

Tyron POV

"Hubby! Hubby! Nagugutom na kami ni baby!" Malambing na boses ng aking asawa ang nagpagising sa akin.

Nang silipin ko ang kanyang mukha ay bumungad sa akin ang nakasimangot at nanghahaba niyang nguso.

Bumalikwas ako ng bangon at hinalikan agad siya sa labi. Kaya mas lalo pa siyang ngumuso.

Buntis na siya at kabuwanan pa kaya ako ang personal na nag-aalaga sa kanya. Matanda na din kasi si mama kaya ayaw ko iasa sa kanya ang mag-ina ko.

Umupo ako sa kama at kinabig ko siya at niyakap ng mahigpit. Hinaplos ko din ang malaki niyang tiyan.

Kahit malaki ang tiyan niya maganda parin siya. At kahit buntis na siya parang mas lalo akong naaakit sa katawan niya. Ang sexy niya kasing buntis.

"What do you want to eat? Hmm? Anong gustong kainin ng mag-ina ko?" malambing kong tanong sa aking asawa. Fuck kinikilig ako kapag nababanggit ko ang salitang asawa.
Hindi parin ako sanay na asawa ko na siya at magkakaanak na kami.

"Gusto namin ng sardinas at pandesal." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

Kahit kabuwanan na niya ay iba parin ang mga cravings nito. Iba iba din ang mood niya. Kung hindi ko lang alam na buntis siya mapipikon ako pero dahil mahal ko siya hinahayaan ko na lang. Siya ang boss eh. Kaya tiklop ako.

"Seryoso ka iyon ang gusto mong kainin?" Tanong ko at tumango siya.

"Oo gusto namin ni baby iyon. Masarap kaya yon."

"Okay! Magpapabili ako ng pandesal."

Bumaba ako at nag-utos sa aming kasama na bumili ng pandesal. Inihanda ko na din ang gatas at vitamins niya ng bigla kong narinig na sumigaw siya.

"Tyroooonnnnn!!!!!!!!" Sigaw niya kaya natataranta akong umakyat papuntang kwarto namin.

"Baby what happened?" Natataranta kong tanong.

"Hoohh! Manganganak na ako!" Sabi niya na nanlalaki ang mga mata.

Nang tingnan ko ang bed ay basang basa ito. Mukhang pumutok na ang panubigan niya.

"Mama!" Sigaw ko din sa biyenan ko. "Baby let's go." Sabi ko at binuhat ko na siya. Pumasok naman si mama sa kwarto na parang walang nangyayari.

"Bakit ba kayo sigawan ng sigawan?" Tanong niya na relax na relax pa.

"Ma manganganak na po ang asawa ko. Mauna na po kami sa ospital pakisunod po ang mga gamit nila." Sabi ko at hindi na hinintay ang sagot niya.

"Hubby bilis!!!! Masakit na!!!!!!" Sigaw ni melody na lalo kong ikinataranta. Halos hindi ko nga maipasok ang susi sa keyhole ng kotse.

"Fuck wife wait lang! Hinga ng malalim baby!" Sagot ko habang nasa biyahe na kami.

Halos paliparin ko ang aking sasakyan upang makarating kami agad sa ospital. Pinagpapawisan na ako ng malamig lalo na ng tumili pa si melody.

"Wife wait lang malapit na tayo. Konting tiis na lang."

"Anong wait?!!!!" Galit na sigaw niya. Kahit manganganak na may mood swing parin. "Sa susunod h'wag ka ng hihingi ng anak. Puro ka sarap ako ang hirap! Aray ko po!!!!"

Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot dahil sa sinabi niya.

Nang makarating kami ng ospital ay binuhat ko siya agad.

"Please help us manganganak na ang asawa ko." Sabi ko sa kanila at ipinababa ko siya sa stretcher.

Magkahawak kami ng kamay papuntang delivery room. Hanggang sa pinagbawalan na ako sumama. Nakita ko pa siyang ngumiti at nagsalita ng 'I'm okay' dahil ayaw kong pumayag na hindi ako kasama.

Pero naiwan parin ako mag-isa sa labas ng pinto ng delivery room. Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko lalo na nung nakikita ko siyang nahihirapan.

Maya maya ay dumating si mama kasunod sila Eli at Mike.

"Dude okay ka lang? Namumutla ka?" Tanong ni Mike.

"Ganito ba talaga ang pakiramdam? Para kang matatae na ewan." Sabi ko kaya nagtawanan sila. At biglang dumating na din sila Anton at Benjie kasama ang mga asawa nila. Ano bang meron? party? Kumpleto ang cast.

"Kumusta ang pakiramdam dude?" Tanong ni Benjie na nang-aasar pa. Alam kasi nila ang pakiramdam dahil nauna silang magkaroon ng anak kaysa sa akin.

Akala ko noon umaarte lang sila, pero nagkamali ako. Tang na, nakakabakla pero yong takot ko wagas.

Naghintay pa kami ng isang oras at lumabas ang doctor na nakangiti.

"Kumusta po ang mag-ina ko?" Tanong ko.

"So hindi mo pala alam?" Tanong ng doctor. Sapakin ko kaya ito? Magtatanong ba ako kung may alam ako? Nakakagago ang tanong. Ninenerbyos na nga ako. Gusto pa pasuspense.

"Ang alin po?" Tanong ko na sa totoo lang ay kinakabahan na ako. Tumingin ako Kay mama at nakangiti lang siya.

"Mag-iina Tyron! Because you have a two beautiful daughter. Its a twin." Sabi niya at bigla na lang nagdilim ang aking paningin.

Nagising ako dahil sa ingay ng tao sa paligid ko. Iminulat ko ang aking mata at puro puti ang nakita ko.

Patay na ba ako? Ang alam ko nasa ospital ako dahil nanganganak si Melody at kambal......kambal? Fuck kambal ang anak namin.

Bumalikwas ako ng bangon at ganon na lang ang gulat ko dahil pinagkakaguluhan na nila ang kambal ko. Tumayo ako agad at lumapit kay melody at hinalikan siya sa labi.

"How are you feeling?"

"Okay naman. Ikaw kumusta? Hinimatay ka." Sabi niya at nagtawanan ang mga tao sa kwarto.

"Wife masisisi mo ba ako? Binigla mo ako! Hindi mo sinabi na kambal ang anak natin." Sabi ko habang kumakamot sa batok ko.

Kinuha ko ang isa sa mga kambal at naiyak ako, ganito pala ang pakiramdam na maging isang ama.

Iniwan na kami ng mga bisita namin. Buti naman at nakahalata na dahil gusto ko ng masolo ang mag-iina ko. Damn mag-iina ang sarap pakinggan.

"Thank you wife! Thank you for this wonderful gift." Sabi ko.

"Mahal na mahal ko kayong tatlo."Sabi niya kaya hindi na ako nagpigil pa at hinalikan ko na siya sa labi.

"Anong ipapangalan natin sa kanila?" Tanong ko matapos ko siyang halikan.

"Itong hawak ko ay si Mellow Tiana. Ikaw ang magpangalan sa hawak mo."

"At ikaw naman ay si Mallow Tatiana."

"I love you wife!"

"I love you too hubby."

I love you Mr sungit

Kapag nagmahal ka ibigay mo ang buong puso mo, hwag kang magdalawang isip na ipakita at iparamdam sa kanya ito. Upang wala kang pagsisihan kapag dumating ang araw na mawala siya sa buhay mo.

Life is short kaya hwag kang matakot magmahal.

Tyron and Melody book closed.

*************THE END**************

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon