chapter 12 wedding proposal

1.6K 65 6
                                    

Melody POV

Hinawakan niya ang aking mga kamay at napatingin ako sa kanya. Tumitig ako sa kanyang mga mata, mababakas dito ang saya, pangamba at pagmamahal. Kaya naguluhan ako at kinakabahan. Makikipaghiwalay ba sa'kin ang mokong na'to? Bakit parang kinakabahan din siya? Kahit natatakot ako ay minabuti ko ang makinig sa mga sasabihin niya.

"Baby, you know how much I love you right? At gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang... Ahm! Ngayon lang ako naging sigurado sa buong buhay ko at iyon ay dahil sayo." Tumayo siya at lumuhod sa harapan ko. Napatakip ako ng aking mga kamay sa aking bibig dahil sa gulat ng kanyang ginawa. Hindi ako prepared para dito jusko. "Do you accept this man kneeling in front of you and spend your life with me? I love you baby at hindi ko kakayanin kung hindi ikaw ang makakasama ko habang buhay. Please say yes and be my wife." Wala akong nagawa kun'di umiyak dahil sa saya, may inilabas siyang red velvet box at binuksan niya ito. Then I saw a white gold heart shaped diamond ring.

Umiiyak lang ako at hinihintay niya ang aking sagot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umiiyak lang ako at hinihintay niya ang aking sagot. At syempre gusto ko, and I answer it. "you don't have to say please kasi kahit hindi ka pa nagtatanong yes na agad." Sabi ko sa kanya at sabay kami natawa sa sagot ko. Tumayo siya at itinayo na din niya ako. Isinuot niya ang singsing sa aking daliri at hinalikan ang aking kamay, niyakap niya ako ng mahigpit at ginantihan ko din ang kanyang mga yakap.

Nakarinig kami ng palakpakan sa di kalayuan at nakita ko ang aming mga kaibigan kasama ang mama ko at lolo ni Tyron. God pati pala sila kasama sa planong ito.

Humiwalay siya ng yakap sa akin, nakita ko sina Eli at mama na palapit sa akin, si Tyron naman ay lumapit sa mga kaibigan niya at yumakap sa lolo niya.

"Congrats baks, I'm so happy for you." Ani Eli sabay yakap sa akin. Matapos niyang yumakap humarap ako kay mama na may luha sa mata. Sa kanya talaga ako nagmana eh, madrama masyado. Niyakap niya ako at gano'n din ako sa kanya.

"Masaya ako para sayo anak." Sabi niya sa'kin ng humiwalay sa pagkakayakap, tiningnan niya ako ng buong puso. "Nagpapasalamat din ako sa panginoon dahil nakatagpo ka ng lalaking magmamahal sayo ng totoo." Umiiyak kaming dalawa habang nagsasalita siya. Oh diba parang teleserye lang, 'yong eksenang pang drama lang ganon. Pinunasan ko ng aking mga kamay ang kanyang luha.

"Thank you mama, sobrang saya ko po. Pero h'wag ka pong mag-alala magtatapos muna ako bago kami magpakasal ni Tyron." Tumango siya at ngumiti. Kung panaginip man ito sana hindi ay na ako magising. Sobrang saya ko no words can explain kung gaano ako kasaya.

"Alam ko anak, dahil iyon din ang gusto ni Tyron. Nanigurado lang ang nobyo mo." Tumawa si mama at ganon din si Eli. Loko 'yon ah umiral na naman ang pagiging possessive niya, ganda ko teh.

Habang nagtatawanan at nagkekwentuhan kami nila mama at Eli naramdaman ko na lang na may matitipunong braso ang yumakap sa aking beywang mula sa likuran at sa amoy palang ng pabango ay kilala ko na kung sino iyon. Grabe siya oh nakakahiya kay mama, pero masherep ang yakap niya.

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon