chapter 20 suffer and tears

1.8K 67 2
                                    

Tyron POV

Titig na titig ako sa babaeng natutulog sa kama na nasa tabi ko. Wala akong gustong gawin sa mga oras na'to kung hindi ang titigan siya.

Nang malaman ko lahat ang pinangdaanan niya parang sinakal ang puso ko sa sobrang sakit. At ang masakit pa d'on ay ang katotohanang wala ako sa tabi niya ng mga oras na kaylangan niya ako.

Ang worst pa ay nagalit ako sa kanya. At wala man lang akong alam sa mga nangyayari sa kanya. Buti na lang at naging survivor siya ng sakit na y'on dahil kung nagkataon habang buhay kong hindi mapapatawad ang sarili ko dahil wala akong kwentang fiancé sa kanya.

Hinaplos ko ng marahan ang kanyang pisngi. Mukha siyang anghel habang natutulog. At hindi ako makapaniwala na nasa tabi ko na ulit ang babaeng pinakamamahal ko. At ipinapangako ko na hindi na ako makapapayag na magkahiwalay pa kami. Kaya kaylangan kong kumilos agad at nang maikasal na kami o buntisin ko na lang kaya para wala ng kawala talaga.

Napapangiti na lamang ako kapag naiisip kong magbubuntis siya sa aming anak. At hindi na ako makapaghintay na makasal kami. Kung kinakailangang itali ko siya sa bewang ko gagawin ko. H'wag lang siya mawala ulit ng hindi ko alam. Dahil hell ang buhay ko sa nakalipas na tatlong taon.

Dahan dahan akong umalis sa kama at kinuha ko ang mga sulat at cellphone na ibinigay sa akin ng mama ni melody.

Umupo ako sa sofa at binuksan ko ang isa sa mga sulat ni melody.

Baby tyron ko,

              Kumusta ka na baby ko, nandito parin ako sa ospital. Alam mo sobrang lungkot ko dito kasi namimiss na kita. Patawarin mo ako Ty kung hindi ako nagpaalam sayo. Ayoko kasi masaktan ka ng dahil sa'kin. Mahal na mahal kita tyron sana mapatawad mo ako.

                                                 Love,
                                        Melody baby mo

Sumasakit ang puso ko sa mga nabasa ko. Nangilid ang aking luha. Binuksan ko pa yung isang letter niya.

Baby ko tyron,

                  Tyron hindi ko na kaya, miss na miss na kita. Ayoko na dito, gusto ko ng umuwi. Pakiramdam ko pahina na ako ng pahina. Nagsisisi ako kung bakit umalis pa ako. Sana hindi na lang kita iniwan pa. Sana kahit mamatay ako at least masaya ako dahil mamamatay ako na kasama kita. Hindi katulad dito, sobrang akong nalulungkot ng wala ka. Ang sakit Ty, ang sakit ng mga ginagawa nila sakin. Gusto ko ng sumuko, ayoko na dahil nahihirapan na ako. Pero iniisip ko na paano ka kapag hindi ako bumalik, alam kong maghihintay ka. Patawad tyron kung nagiging mahina ako. Ikaw kasi ang lakas ko. Mahal na mahal kita tandaan mo.

                                                  Love,

                                         Melody baby mo

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon