chapter 2 letter

2.4K 96 1
                                    

Melody POV

Kinabukasan ay gano'n ulet ang routine ko, maaga papasok at maghihintay sa harap ng gate kasama si Eli.

Nang matapos ang klase ko ay pumunta ako ng cafeteria para hintayin si Eli dahil sabay kami kakain ng lunch.

Pagkarating ko sa cafeteria ay umupo agad ako sa bakanteng upuan upang hintayin si Eli. Maya maya ay dumating na siya at umupo sa tabi ko.

"Kumusta bakla? Nagtext ka ba sa kanya?" Tanong niya sa akin nang makaupo na siya.

Humaba ang aking nguso at yumuko ako. "Oo bakla, 'kaso hindi na siya nagreply."

Ewan ko ba talagang apektado ako sa hindi niya pagsagot sa mensahe ko. Para kasing wala talaga akong pag-asa sa kanya.

Bumuntong hininga ako at malungkot na tumingin kay Eli.

"Nagpakilala ka naman ba bakla?" Tanong sa akin ni Eli na sinagot ko sa pamamagitan ng pag-iling.

"Hindi, 'nahihiya ako eh." Napatampal sa noo si Eli dahil sa sinabi ko.

"Kaya naman pala eh! Hindi talaga magrereply yon, dapat nagpakilala ka bakla."

"Anong sasabihin ko? Na 'hello Tyron ako si Melody 'yong matagal ng may gusto sayo at lihim na pinagpapantasyahan ka' gano'n ba?" Sarkastiko kong sagot sa kanya. Inirapan ko siya dahil sa inis.

"Naku baks kung ganyan ka, graduate na si Tyron hindi pa rin niya alam na may gusto ka at in love ka sa kanya." panenermon sa akin ni Eli.

Kung makapagsalita talaga 'to akala mo madali lang mag voice out ng feelings. Hindi ako sumagot sa kanya at siya naman ay tumayo para bumili ng pagkain namin. Nang makabalik siya ay inilapag niya ang tray at inilagay sa harapan ko ang pagkain.

"Sa panahon ngayon hindi na uso si maria clara baks." Sabi niya habang inaayos ang iba pang pagkain sa mesa.

"Nadala mo ba yung letter na ginawa mo para sa kanya?" Tanong niya ulit habang sumusubo ng pagkain.

"Oo bakit?" Naka busangot kong sagot.

"May naisip na akong paraan para maibigay mo yan sa kanya." Ganyan si Eli kahit bully sa akin yan suportado naman niya ang kabaliwan ko kay Tyron. Hindi niya talaga ako kayang tiisin.

"Pa'no?" Kunot noo ko siyang tiningnan at ngumiti lamang ito.

"Basta bilisan mo kumain d'yan at ibibigay natin sa kanya yan."

PAGKATAPOS namin kumain ay pumunta kami sa building kung nasaan ang locker ng mga lalaki. Mukhang alam ko na kung ano plano ng baliw na'to.

"Halika na bilisan mo." Bulong ni Eli sa akin habang sumisilip silip sa paligid. Para tuloy kaming magnanakaw dahil sa ginagawa namin.

"Baka may makakita sa atin dito." Kinakabahan talaga ako sa plano ni Eli, baka kasi meron dumating at makakita sa amin.

"Ito na bakla, 'diba ito ang locker ni Tyron?" Napatingin ako sa itinuturo niya.

Parang tumalon naman ang puso ko nang makita ko ang locker ni Tyron. Bakit ba kahit simpleng mga bagay na may kinalaman sa kanya ganito ang nararamdaman ko?

"Ipasok mo na sa bandang ilalim para lumusot sa loob ng locker niya." Utos ni Eli sa akin.

Ginawa ko ang sinabi niya, pero bago ko ipasok ang sulat ay hinalikan ko muna ang sulat at umaasang mapapansin din niya ako. Pagkatapos namin gawin 'yon ay umalis agad kami sa lugar na 'yon, dahil talagang sobra na ang kaba ng dibdib ko. Piping dasal at umaasa na sana mapansin din niya ako. Na sana ay may matugon ang nararamdaman ko para sa kanya.

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon