chapter 25 propasal and wedding

1.8K 68 1
                                    

Melody POV

Maaga kami nagising ng mga babae dahil aalis nga daw, kaya ito busy kaming magluto ng almusal habang tulog pa ang mga lalaki. Habang nag peprepare kami ng almusal ay nagkekwentuhan din kami.

Kaya pala wala pang anak si Benjie at Aileen dahil ilang buwan pa lang silang kasal. Nung mawala daw ako ay maraming nagbago lalo na raw sa ugali ni Tyron non. Lagi raw mainit ang ulo at simula non ay hindi na nila nakitang ngumiti. Kaya masaya daw sila lalo na si Mike na best friend nito dahil masaya na ulit si Tyron.

Habang abala ako sa pagluluto ng ham ay nagulat na lang ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran. At kahit hindi ko lingunin ay alam ko kung sino siya dahil sa pabango niyang gamit.

"Good morning baby." Saad ni Tyron sabay halik sa aking pisngi. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at panaka nakang hinahalikan at inaamoy ang aking leeg.

"Good morning din! How's your sleep?" Tanong ko sa kanya. Naramdaman ko na hinimas na niya ang aking tiyan.

"Good of course, dahil katabi kita."

Matapos akong magluto ay kinuha ko na ang niluto ko at inilagay sa mesa. Humarap ako sa kanya at napansin kong bagong paligo na pala siya. Ikinulong ko sa aking palad ang kanyang mukha at dinampian ko ng tatlong malilit na halik ang kanyang labi.

"Oy love birds kumain na muna tayo bago kayo maglampungan dyan." Ani ni Eli, tinawanan naman kami ng iba. Present na rin sa mesa ang mga asawa nila.

"Mama what's lampungan?" Tanong ni mikee sa ina niya. Loko ka ipaliwanag mo ng maayos yan.

"Babe ayusin mo paliwanag dyan sa anak natin." Sabi naman ni Mike na parang namumutla na, kaya natawa kaming lahat.

"Baby lampungan means labing labing." Natatawang paliwanag ni Eli at tinawanan din ng iba. Umiling na lang si Tyron. Napatampal ako sa aking noo dahil sa walang kwenta niyang paliwanag.

Lumapit ako kay mikee. "Baby that word is only for the adult not for the baby like you. Kaya kapag nag-uusap ang matatanda h'wag kang basta basta sasali okay?" Sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya.

"Okay po ninang." Sagot naman niya.

Kumain na kami at nagsimulang mag-ayos para sa pag-alis. Nang maging ready na kaming lahat ay umalis na rin kami.

Nagsimba muna kami bago tumuloy sa pakay namin. Namasyal kami around subic at pampanga, hanggang hapon na nang dumating kami sa hot air balloon festival. Sumakay ang mga kasama namin para maranasan daw nila sumakay doon. Mukha ngang exciting kaya sinabi ko kay Tyron na sumakay din kami.

Sabi ni Tyron mga seven daw ng gabi kami sasakay dahil may fireworks display para maganda. Sumakay ang lahat, at lahat kami ay nag enjoy.

Pero nagtaka ako dahil kami ni Tyron ay nanatili lang na nakasakay. Hawak niya ang aking kamay at humarap siya sa akin.

"Baby! Alam kong wala kang maalala, wala kang matandaan sa lahat about sa past mo. Pero importante pa ba iyon.? Kung ako ang tatanungin hindi na. Dahil importante ay iyong nandito ka ang makasama ka." Nagulat ako dahil bigla siyang lumuhod at napaiyak ako dahil sa kanyang ginawa. "Hindi ko maipapangako na magiging perpekto akong asawa pero sisiguraduhin kong magiging masaya ang aking magiging asawa at ikaw iyon. Melody Montes for the second time please take this man kneeling down and ask to you to be my wife. Will you marry me baby?"

Lumuluha akong tumatango kaya tumayo na siya at niyakap ako. "Nakalimutan mo yong singsing ko." Sabi ko sa kanya habang umiiyak.

"Masyado kang mainipin wife." Sabi niya kaya namula ako sa itinawag niya. Isinuot niya ang singsing at mabilis akong hinalikan. Tapos ay tumingin siya sa ibaba at sumigaw na siya ng 'I love you melody' kaya nagpalakpakan ang mga tao sa baba. Habang ako nahihiya sa pinaggagawa niya.

Tinapos muna namin ang fireworks display saka kami nagkayayaan umuwi. Kahit pagod ay sulit naman dahil masaya.

Nakatulog ako ng may ngiti sa labi at yakap ni tyron buong magdamag.

Nagising ako ng wala na si Tyron sa aking tabi. Kaya bumangon ako at naligo. Matapos kong maligo ay nagulat ako ng makita ang isang simple but elegant white long gown na nasa kama. May partner din itong white sandals.

Tiningnan ko ito at nakita ko ang note na katabi nito.

Baby wear this I love you

Isinuot ko ang gown at naglagay ng kaunting make up para bumagay naman sa suot ko.

Nang lumabas ako ay nagulat ako ng makitang nakangiti si mama at nakasuot din ito ng puting damit. May iniabot siya sa akin na bouquet of white roses.

Kahit nagtataka ay nagpahila na lang ako sa kanila. Gano'n na lamang ang gulat ko ng makita ang paligid nakaputi silang lahat at nakangiti sa akin.

"M-mama a-ano pong nangyayari?" Tanong ko.

"Kasal mo ngayon anak."

"N-ngayon po? As in now na?" Natawa si mama sa reaksyon ko. Bakit hindi ikaw ba naman ang gulatin.

"Melody gusto ni mama maging masaya ka at alam kong magiging masaya ka kay Tyron. At masaya din ako para sayo anak." Sabi niya habang umiiyak.

"Huwag kang umiyak ma papangit ka. At saka sino ba ikakasal ikaw o ako? Ikaw kasi ang nagmomoment eh." Sabi ko kaya natawa siya.

Sa totoo lang naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang, hindi kasi nakakaganda ang pag-iyak.

"Bes ready ka na? Naiinip na ang groom mo!" Si Eli.

"Hayaan mo siya maghintay. May moment pa kaming mag-ina."

"Halika na at baka magback out ang groom mo." Panakot ni mama sa akin.

"Hindi niya gagawin 'yon ma patay na patay sa akin 'yon eh." Sabi ko, kaya natawa kami.

Nagsimula nang maglakad ang kasali sa entourage. At nang ako na ang maglalakad kasama si mama, napako ang tingin ko sa lalaking pinaka gwapo sa paningin ko. At malamang magiging asawa ko kaya 'to.

Nagtama ang aming paningin, parang may isip ang mga mata namin dahil kusang tumulo ang luha sa aming mga mata. Umiiyak kami habang nagtititigan sa isat-isa.

Nang makarating ako sa tabi niya ay nagsalita si mama.

"Tyron anak alagaan mo at pakamahalin si Melody. Iyon lang ang tangi kong hiling." Sabi ni mama sa kanya.

"Makakaasa po kayo mama." Sagot naman niya at yumakap siya kay mama.

Nagsimula ng maayos ang kasal, hanggang sa sabihin na namin ang mga vow namin para sa isat isa. Si Tyron ang nagsimulang magsalita.

"I Tyron Jay Cuevas, take Melody Montes to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, i vow to stay in your arms as long as god let me, and I vow to love you till eternity. This is my solemn vow." Sabi niya habang umiiyak kami pareho.

"I love you baby!" Pahabol pa niya. Kaya ngumiti ako at ako naman ang magsasabi ng vow. Tumingin ako sa mga mata niya.

"I Melody Montes, take Tyron Jay Cuevas to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, I vow to stay in your arms as long as god let me, and I vow to love you till eternity. This is my solemn vow."

"I love you too."

"By the power vested in me I now pronounce you husband and wife, you may now kiss your bride." Sabi ni father at hinalikan agad ako ni Tyron. Atat lang

Masayang natapos ang aming kasal. Sa wakas ako na si mrs Melody Montes Cuevas. Nak ng tinapa ang gandang pakinggan.

At syempre hindi ko na isasalaysay pa ang kasunod nawili kayo. Honeymoon na ito gusto nyo ikwento ko pa. Pwede bang sa amin na lang kung paano ako niratrat ni Tyron at hindi pinagpahina magdamag. Hindi ko sasabihin na naka ilan kami hanggang umaga. At hindi ko sasabihin na parehong tumirik ang mga mata namin.

I love you my Tyron, my husband, my Mr sungit.

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon