chapter 19 reunited

1.8K 67 3
                                    

Melody POV

"S-sorry s-sorry kung may kasalanan ako sayo." Sabi ko kay Tyron. Bakit kahit hindi ko siya kilala at naalala ay malapit at maagan ang loob ko sa kanya.

Bakit kasi hindi ko siya maalala? Bakit nagkaroon pa ako ng ganitong sakit?

Parang may kung ano sa puso ko na parang nagsasabi na ayoko makitang nasasaktan at nahihirapan siya.

Bakit kilalang kilala siya ng puso ko at ng buong pagkatao ko. Gano'n ko ba siya kamahal para maging ganito ang nararamdaman ko.

Tinawid niya ang pagitan naming dalawa at niyakap niya ako ng mahigpit. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg at naramdaman ko na lang na may basa sa aking leeg. Yumuyugyog din ang balikat niya. Umiiyak siya ng dahil sa'kin.

Narinig ko lahat ang pinag-usapan nila at nakita ko kung paano siya umiyak at nasaktan ng dahil sa'kin. Narinig ko sa boses niya na puno ng hinanakit ng umalis ako at walang man lang paalam. Damang dama ko ang sakit sa bawat hagulgol niya.

At nasasaktan ako dahil sa nakikita ko. Dahil sa paghihirap niya ng dahil sa'kin. Kaya ba wala siya ng magising ako sa coma? Kaya ba parang may kulang sa puso ko nung wala siya. Siya ba ang kulang?

"Sorry sorry!" Iyak lang ako ng iyak habang yakap niya ako.

"No baby no no!" Umiiling na sabi niya at hinawakan niya ako sa mukha at pinunasan ang aking mga luha.

Bakit ganito siya sa'kin? Bakit kahit malaki ang kasalanan ko ay ganito pa rin siya? Tumingin ako sa kanyang mga mata na puno ng pagmamahal na nakatingin sa'kin, Kahit puno ng luha ay hindi maaalis ang pananabik dito.

"Magsisimula tayo muli ok? And this time no more secrets. Ok lang kahit wala kang maalala, ok lang kung nawala ang memory mo sa'kin, gagawa na lang tayo ng mga bagong memory 'yong mas masaya, hayaan mo akong alagaan kita baby ko please." Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ako. Kahit hindi ko siya matandaan, ay may parte sa puso ko na gusto ko siyang makasama. May parte sa puso ko na masaya dahil sa sinabi niya. At oo payag ako magsimula muli. Dahil simula ng gumaling ako at magising ay hinahanap ko na ang kulang sa pagkatao ko. At alam kong siya ang kulang na 'yon.

Lalo na ng ipakita sa'kin ni mama ang larawan niya. May kakaiba akong naramdaman ng makita ko iyon. May saya sa puso ng makita iyon.

Kaya nung makita ko siya sa harap ng bahay namin ay may saya akong naramdaman kahit hindi ko pa siya kilala. Nakilala ko lang siya sa mga kwento ni mama. Walang inilihim si mama sa'kin, sinabi niya lahat ang dapat kong malaman, lalo na ng malaman namin sa doctor na maaring hindi na bumalik pa ang mga nawalang memorya ko.

Maari daw na mapanigipan ko na lamang ito pero hindi na ito babalik pa. Kaya siguro lagi ko siya napapanaginipan lalo na nung nasa coma stage pa ako. Siguro ay dahil siya ang nilalaman ng puso ko. At marahil kahit hindi siya kilala ng utak ko ay kilalang kilala naman siya ng puso ko.

Tumango ako sa kanyang sinabi. Tumingin ako kay mama na masayang nakangiti sa'min. At pinupusan din ang kanyang mga luha sa mukha.

Alam kong masaya siya para sakin. At gusto kong maging masaya kasama ng mga taong nagmamahal sa'kin.

Tumingin ulit ako sa kanya. Buong puso niya akong nginitian. At muli ay nakaramdaman ako ng pagbilis ng tibok ng aking puso.

"Oh siya tama na yang drama at kumain na tayo." Si mama na nakangiti. Itong si mama panira ng emote wala pa ngang kiss

Inalalayan niya ako umupo at pinunasan niya ang mga luha niya at ganon din ang sa akin. Tinulungan niya si mama maghanda sa hapag.

Nalaman ko din na lumipat siya sa tapat ng bahay namin para malaman daw niya kung bumalik na ako. Ang ganda ko bes

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon