chapter 22 old memories

1.7K 77 0
                                    

May light spg ulit ito bahala na kayo😂😂 light lang nemen. Kaya pasensiya na kayo😂😂 patnubay ulit ay kailangan.

Melody POV

Pagkatapos niya akong pakainin at painumin ng gamot ay nagpaalam na si Tyron. Papasok daw muna siya sa opisina at tatapusin daw muna niya ang mga dapat tapusin dahil magbabakasyon daw kami kasama si mama at mga kaibigan namin.

Excited na ako makilala ang mga kaibigan na sinasabi ni Tyron. Lalo na yong ikinekwento niyang best friend ko na si Eli.

Sana makasundo ko sila. At sana magustuhan pa rin nila ako kahit hindi ko sila naaalala.

Nageempake na ako ng mga damit na dadalhin ko para sa bakasyon ng may mahagip ang aking mata na maliit na box. Ganon na lamang ang gulat ko ng makita ang isang white gold ring na may heart shape na bato. Napatakip ako sa aking bibig at nag-uunahan na naman lumabas ang luha sa aking mata.

"Melody anak! Ana--." Si mama na kakapasok lang sa loob ng aking kwarto at nakatingin din sa hawak kong singsing.

Lumapit siya sakin at ngumiti. "Yan ang singsing nung magpropose siya sayo. 'Yong araw na yon ay makikita kong sobrang saya mo anak." Sabi niya habang hinahaplos ang aking buhok. "First year anniversary nyo at kasabay non ay nagpropose siya sayo. Masayang masaya ka non lalo na si Tyron dahil nag yes ka sa kanya."

Umiiyak lang ako habang nakatingin sa singsing. Gusto kong maalala 'yon, lalo na yong masasayang araw na magkasama kami.

"Gusto kong maalala ma, ayoko ng ganito." Umiiyak lang ako dahil wala akong magawa. Gusto kong mabalik lahat pero paano.

"Anak mahal ka namin kaya kahit hindi mo maalala ang lahat ay handa kaming magbigay sayo ng mga bagong alaala. Yong masasayang alaala. Kaya kahit hindi na bumalik ay nandito kami para mahalin ka melody." Yumakap ako kay mama habang umiyak lang ng umiyak.

Maya-maya ay tumayo si mama at may kinuha siyang dalawang book. Iniabot niya sakin at tiningnan ko siya.

"Mabuti na lang at masipag ka kumuha ng litrato noon. Tahan na anak, tandaan mo mahal na mahal ka namin kahit bumalik man o hindi ang mga alaala mo." Hinalikan ako ni mama sa noo at lumabas na siya sa kwarto. Isinarado na rin niya ang pinto at naiwan akong mag-isa.

Binuksan ko ang isang parang book or journal na ang sabi ni mama ay ako ang gumawa. Inuna ko yong may nakasulat na my friends.

Sa unang pahina ay makikita ang larawan ko kasama ang isang babae na halos kasing edad ko na. May nakasulat na my bff Elizabeth. Nakasulat din doon kung paano kami naging magkaibigan. Sa sumunod na pahina ay larawan ng mga lalaki na kasama kami ni Tyron at ni Eli, nakalagay din doon ang mga pangalan at kung saan kami pumunta sa picture na iyon. May mga date at time rin. Para itong diary na may mga larawan. Marami pa akong nakitang mga larawan na kasama ko sila pati na rin yung larawan nong araw na nag propose si Tyron.

Matapos ko doon ay yung isang book naman ang isinunod. May title itong my life, nang buksan ko ang unang pahina ay larawan ko at ni Tyron na nakatagilid ang bumungad sakin. Mukhang high school pa kami dito, at hindi nga ako nagkamali dahil nakasulat doon kung saan at kailan iyon kinuhanan. Matagal ko na palang mahal si Tyron. Nangilid na naman ang aking mga luha. Binuksan ko pa ulit ang mga pahina at marami pa akong nakitang larawan namin ni Tyron na puro masasaya. May larawan din doon na mga kamay na magkahawak at suot ang singsing na nakita ko kanina. May nakasulat pa doon na soon to be Mrs Tyron Jay Cuevas.

Hindi ko na napigilan pa ang humagulgol. Masaya ako pero masakit para sa akin dahil hindi ko maalala ang mga mamasayang sandali na kasama ko siya. Kahit 'yon lang sana ay nanatali sa utak ko pero hindi. Umiyak lang ako ng umiyak ng biglang tumunog ang cellphone ko. At nang makita ko kung sino ang tumatawag ay lalo ako naiyak. Si Tyron kasi 'yon kaya hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Pero sa huli ay sinagot ko din.

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon