chapter 7 boyfriend/girlfriend

1.9K 90 0
                                    

Melody POV

Maaga pa lang ay gising na ako upang pumasok. Pa'no bang hindi mga bes eh excited lang naman ako makita ang boyfriend ko. 'Ayiieee' Matapos niya akong ihatid last night ay sinabi niya na susunduin niya ako. Kaya heto para akong bulate na nilagyan ng asin sa sobrang kilig at pagka sabik na makita siya.

Matapos kong kumain ng almusal ay agad akong naligo at nagsuot ng aking uniform, white long sleeves na nakatupi hanggang siko, may navy blue handkerchief sa kwelyo at navy blue pencilcut skirt na one inch above the knee at 2 inches black shoes ang suot ko. May subject kasi na required na naka uniform kami pero madalas ay naka civilian lang ako. Hindi kasi ako sanay ng nakapalda. Hindi ako komportable.

Matapos akong mag ayos sa sarili ay bumaba na ako ng hagdan at pumunta sa sala. Doon ko na lamang siya hihintayin, total ay nagtext naman na ito na on the way na raw siya kaya maghihintay na ako. Hindi naman nagtagal ay nakarinig na ako ng busina sa harap ng bahay namin. Lalabas na sana ako ng bahay nang biglang pumasok si mama na kagagaling lang sa trabaho. Agad akong nagmano sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.

"Oh anak papasok ka na? Kumain ka na ba?" Tanong ni mama sa akin. Tango lang ang isinagot ko sa kanya.

"Kanino bang sasakyan ang nasa labas anak?" Tanong niya ulet, pa'no ko ba sasabihin kay mama na may nobyo na ako, ayaw ko din naman maglihim sa kanya. Nag-iisip ako kung pa'no ko sasabihin kay mama at ipapakilala sa kanya si Tyron ng hindi ko namalayan na nakapasok na pala siya sa loob at pinapasok na ni mama. 'Anak ng pating'

"Good morning po tita." Bati niya kay mama.

"Good morning din iho." Nakangiting bati naman ni mama, tumingin siya sa akin, 'yong tingin niya na naghihintay na magsalita ako at ipakilala kung sino si Tyron.

"Ma si Tyron po-- 'b-boyfriend ko po." Sabay yuko kasi hindi ko alam kung ano ang iniisip ni mama. Kung galit ba siya dahil may boyfriend na ako.

"Siya ba iyong cru--" agad kong pinutol ang sasabihin ni mama, dahil balak lang naman niya akong ibuko sa harap ni Tyron.

"Ma! Oo siya iyon. Kaya h'wag ka ng maingay ma." Grabe talaga nanay ko, wala man lang pasabi. Ano nalang iisipin ni Tyron na patay na patay ako sa kanya. 'Bakit hindi ba?'. Pakiramdam ko umakyat lahat sa mukha ko ang dugo sa katawan ko. At alam kong namumula ako sa mga oras na iyon.

"Kumusta iho? Ikaw na bahala sa anak ko kapag wala ako ah!" Bilin niya kay Tyron. ano ba tong nanay ko ipinamimigay na ako. "Sana lang ay mapagtiyagaan mo ang ugali n'yan." Pagbibiro ni mama habang nakangiti. Si Tyron naman ay nakangiti din na para bang nanalo ata ng lotto.

"Mama naman eh!" Sabay silang natawa dahil sa pagbusangot ko at pagrereklamo.

"H'wag po kayong mag-alala tita, aalagaan ko po si Melody, mahal na mahal ko po ang anak niyo." Isang malapad na ngiti ang ibigay ni mama sa kanya. Tinapik pa ni mama ang balikat ni Tyron. Kung mag-usap sila parang wala ako sa harapan nila. Keshe nemen, beket be kenekeleg eke'

"Salamat kung ganon, 'oh siya lumakad na kayo at baka mahuli pa kayo sa klase." Nagpaalam na kami kay mama, humalik ako sa pisngi niya at siya naman ay nagmano.

Sumakay kami agad sa kotse at pinaandar na niya ito. Habang nasa binyahe kami ay napapansin ko ang mga ngiti niya na hindi mawala wala sa kanyang labi. 'Ano kaya iniisip ng mokong na ito?'

"Ano nginingiti-ngiti mo d'yan?" Tanong ko sa kanya, hindi na ako nakatiis kaya nagtanong na ako sa kanya. Para na kasi siyang baliw dahil sa pagngiti.

"Wala naman, hindi lang halata na patay na patay ka sa akin." Pang-aasar niya sa akin habang nakangisi pa. 'Aba't ang kapal din nga nito ano'.

"Wow taas ng confidence natin ah!Babaan kaya natin Tyron! Bakit ako lang ba?" Inis kong saad sa kanya. Inirapan ko siya dahil tumawa lang ito ng mahina. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. Sa labas ng bintana ako tumingin upang itago ang pamumula ng aking mukha.

Ang mokong tumatawa pa, tuwang-tuwa sa pang-aasar sa akin. Naramdaman ko na tumigil siya sa pagtawa at kinuha niya ang aking isang kamay, hinalikan niya ang likod ng aking palad.

"You dont know how much i love you, no words can explain." Agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya, nakita kong nakatingin din pala siya sa akin. Ewan ko ba, pero kapag lagi siyang ganito mukhang lalong lalalim ang pagmamahal ko sa kanya.

Nang makarating kami sa university, ay agad siyang huminto sa parking lot. Sabay kaming pumasok ng gate habang magkasalikop ang aming mga kamay. Natanaw ko si Eli na nakatingin sa kamay namin na magkahawak at gano'n na lamang ang panlalaki ng mata nito.

"Hi baks." Nakangiting bati ko sa kanya, habang siya naman ay palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Tyron. Nagtataka siguro siya kung bakit magkasama kami ni Tyron.

"Ano yan?" Turo niya sa mga kamay namin. "Nawala lang ako ng isang araw may ganyan na!" Hindi makapaniwalang sabi niya sa amin. Alam kong masaya si Eli para sa akin, dahil siya ang number one supporters ko pagdating kay Tyron. Sinabihan ko na lamang siya na ikekwento ko na lang sa kanya ang lahat.

Matapos ko silang ipakilala sa isa't-isa ay inihatid na ako ni Tyron sa classroom namin. Nagbilin pa si Eli kay Tyron na h'wag daw ako sasaktan, dahil sa kanya daw siya mananagot. Akala mo ang laking babae kung makapagbanta.

Papasok na sana ako sa loob ng classroom ng makita kong seryosong nakatitig si Tyron sa akin.

"B-bakit?" Shocks bakit ba ako nauutal? Umiling siya at ngumiti.

"Sunduin kita mamayang lunch break ah, sabay tayong maglunch." Tumango ako, niyakap niya ako at hinalikan sa aking ulo. Hindi mo aakalain na ang suplado at walang pakialam na si Tyron ay ganito kalambing.

"Oy love birds tama na yan, nand'yan na yung prof.." Nakangiting saway sa amin ni Eli. Nakasilip pala ito sa pinto ng classroom. Eto talagang si Eli istorbo kahit kailan.

"See you later, I love you." Malambing na sabi ni Tyron sa akin. Muli niya akong binigyan ng magaan na halik sa nuo.

"I love you too. Bye."

Pumasok na ako sa loob at umupo sa tabi ni Eli. Minsan hindi talaga maiiwasan ang mga kaklase na tsismosa. Mga nag-aabang upang may mapag-usapan sila.

"Melody diba si Tyron Jay Cuevas 'yon?" Tumango nalang ako sa tanong ng isang kaklase ko.

"Oo bakit? Boyfriend ni Melody 'yon." Mataray na sagot ni Eli sa kanila. Itong babaeng 'to ang sarap kutusan, kailangan bang ibroadcast niya. Siniko ko siya para tumahimik na. Sakto naman na dumating na ang professor namin.

Nagsimula nang mag-lesson ang prof namin, pero ewan ko ba dahil sobra akong ganado mag-aral ngayon. Dahil siguro kay Tyron, he's my inspiration. Mag-aaral ako ng maigi para maging proud siya sa akin, sila ni mama.

Nang matapos ang ikalawang subject, ay lumabas na prof namin at ako naman ay iniligpit ang gamit ko na nakakalat sa aking mesa. Abala ako Sana aking ginagawa nang kalabitin ako ni Eli. Napatingin ako sa kanya at ngumuso siya sa bandang gawi ng pintuan. Agad akong humarap doon at nakita ko ang lalaking nakasandal sa hamba ng pinto na walang mababakas na kahit anong emosyon. Napaka seryoso ng mukha nito, pero napaka gwapo niya sa suot niyang black slacks pants at white polo shirt. Bumagay din sa kanya ang medyo magulo nitong buhok. Mayroong din itong sukbit na black bagpack sa likod. Shocks ang hot at yummy.

Nang magtama ang aming mga mata ay kusang lumabas ang pinong ngiti sa kanyang natural na mapupulang labi. Kaya napangiti na din ako.

"Marunong din pala ngumiti yan noh?" Nakangiting saad ni Eli, hindi ko nakita ang reaksyon niya dahil abala na ulit ako sa pagliligpit ng gamit ko.

Napaka swerte ko kasi hindi nasayang ang paghihintay ko na mapansin at mahalin din niya ako. I love Tyron so much, he's my treasure, at gagawin ko lahat para maging masaya siya. Sisiguraduhin ko na hindi siya magsisisi na minahal niya ako.


I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon