Melody POV
Nasa biyahe kami ngayon papuntang subic, van ang sinasakyan namin. Bale dalawang van kami. Kasama namin sa van ang pamilya ni Eli, si mama at yaya saling tapos si Tyron at ako. Sa kabilang van naman ay ang pamilya ni Anton at Benjie at ang iba pa.
"Baby are you hungry?" Tanong sa akin ni Tyron na sumulyap pa habang nagmamaneho. Siya kasi ang driver namin katabi niya ako. Tapos sa likod naman si Eli at mike kasama ang anak nila at sa pinaka likod si mama at yaya saling.
Umiling ako sa tanong niya. Hindi kasi ako mapakali dahil sa nangyari sa bahay niya kanina. Iniisip ko kung paano ako makakabawi kay Tyron.
Iniisip ko din kung deserving ba ako sa pagmamahal niya. Napaka buti niya at wala ka ng hahanapin pa. Ika nga kumpleto rekados na siya. Husband material siya. Kaya kapag niyaya niya ako magpakasal syempre oo agad walang patumpik tumpik pa.
Nakatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan ng maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Nang tingnan ko siya ay dinala na niya ito sa kanyang bibig upang halikan.
Kung ganito ang lalaki sino ang hindi maiinlove sa kanya aber. Nababaliw na ang puso ko sa kanya. Dahil sa ginawa niya bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko at kinakapos ako ng hininga. Para akong teenager na kinikilig dahil lang kinindatan ng crush niya. Lintik lang mga bes
"Are you okay?" Tanong niya ulit. Bahagya pang namula ang aking mukha dahil sa kanyang ginawa. Tumango ako sa kanya at nginitian siya. "Bakit hindi ka muna matulog malayo pa naman tayo."
Umiling ako at humaba ang nguso ko. Kagigising ko lang patutulugin na naman niya ako. "Maghapon na nga akong tulog eh, tutulog na naman." Masungit kong sabi sa kanya. Inirapan ko siya dahil naalala ko na naman na pinagod niya ako.
"Para may energy ka mamaya sa gagawin natin." Sabi niya sabay kindat pa, kaya tiningnan ko siya na nanlalaki ang mata. Tumingin pa ako sa likod ng sasakyan kung may nakarinig sa sinabi niya at meron nga dahil parehong nakangisi si Mike at Eli sa amin. Buti na lang busy si mama at yaya saling sa daldalan sa likod at hindi nila narinig ang sinabi ng mokong na ito.
Kinurot ko siya sa tagiliran kaya tumawa lang ang damuho. Damuho talaga
"Ewan ko sayo, manyak ka talaga." Sabi ko sabay irap.
"Hay naku baks ganyan silang magkakaibigan. Kapag nakakwentuhan mo si Abby at Aileen ganyan din ang sasabihin nila." Si Eli na umiiling pa habang nakangiti.
"Girls alam nyo naglalambing lang kaming mga husband nyo sa inyo." Si Mike na kinindatan pa si Eli. Husband? Iniisp ko palang na magiging asawa ko si Tyron parang magkakaheart attack ako.
"May naglalambing bang pinapagod nyo kami?" Si Eli at inirapan pa niya ang asawa niya.
"Bakit kayo napagod? Kami naman ang tumatrabaho sa ibabaw. Hindi ba dapat kami ang mas pagod?" Saad ni Tyron sabay tawa sila ni Mike at dahil sa sinabi niya at pagtawa nila, ay pareho ata kami ni Eli namula ang mukha. Bwiset na lalaking ito.
"Ah ganon! Kay mama ako tatabi mamaya. Bahala ka sa buhay mo." Oh loko kala mo ah nakaganti rin ako sa kanya.
At dahil sa sinabi ko yong tawa niya kanina ay biglang nawala, kaya natawa ako sa kanya dahil sumimangot na siya. "Baby you're not serious aren't you?" Nagpapanic na ang damuho. Oh loko ka ah may alas na ako sayo. Ngiting tagumpay mga bes.
"Nooo!" Sabi ko at pinahaba ko pa yung salitang no. Tumawa naman si Eli at Mike dahil sa sinabi ko.
"Damn baby no! Please no!" Natawa ako sa reaksyon niya. Para kasi siyang nalugi. Parang bata na hindi pinagbigyan ang gusto. Nakabusangot na kasi ng mukha niya.
"Kawawa naman si Tyron melody. Three years yang tigang dahil wala ka." Sabi ni Mike sabay tawa.
"Gusto mo kay Tyron ka tumabi?" Si Eli na tinanong ang asawa kaya lumaki ang mata nito.
"Sorry bro, pero iba ito eh misis to! Kaya mo na yan." Sabi ni Mike kay Tyron na tinapik pa ang balikat nito. Kaya tumawa na lang ako at si Eli.
"Walanghiya kaya! Ilalaglag mo lang pala ako." Sabi naman ni Tyron na umiiling pa.
Maayos ang naging biyahe namin at matiwasay na nakarating sa resthouse. Gabi na din ng makarating kami.
"Baby ko kaninong rest house ito?" Tanong ko kay Tyron habang inililibot ko ang mata sa buong kabahayan. Maganda ito, masarap sa mata ang kulay. Presko ang lugar, dalawang palapag din ito at halong kahoy at semento gawa ang bahay.
Umakyat ako sa taas habang inalalayan ako ni Tyron, hanggang makarating kami sa isang kwarto at binuksan niya ito. Bumungad sa akin ang pinaghalong white and gray color ng dingding pati narin ang kurtina.
Nang ikutin ko ang mata ko ay nakita ko ang isang malaking portrait na drawing ang syle nito. Larawan namin iyon ni Tyron na nasa bandang ulunan ng king size na kama.
Napatakip naman ako ng kamay sa aking mukha. Naluluha akong tumingin kay Tyron at tumango lang siya. Hinila niya ako papalapit sa kanya at inalalayan paupo sa kama.
"Pinagawa ko ito matapos kong magpropose sayo, plano kong iregalo ito sa araw ng graduation mo at araw din ng kasal sana natin." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Plano ko kasi pagkatapos ng graduation mo ay dederetso tayo magpakasal dahil hindi na ako makapaghintay na maging akin ka na ng tuluyan. Pero kahit umalis ka pinagpatuloy ko pa rin ang pagpapagawa ko nito. Kasi ramdam kong babalik ka, o siguro kahit hindi ka bumalik mananatili ito para sayo kasi mahal na mahal kita." Tuluyan ng pumatak ang mga luhang gustong kumawala sa aking mata.
Yumakap ako ng mahigpit kay Tyron at gano'n din siya. "Hush baby, hindi ko sinasabi sayo 'to para paiyakin ka, sinasabi ko sayo 'to dahil gusto kong malaman mo na kahit anong mangyari ay mamahalin kita at maghihintay ako kahit habang buhay pa." Tinitigan niya ako at hinalikan sa noo.
Kinulong niya sa kanyang palad ang aking mukha at sinunggaban ng mapusok na halik. Marahan niyang iginawad sa akin ang matamis niya halik na buong puso kong tinugon.
Bahagya kong ibinuka ang aking bibig para makapasok si Tyron at agad naman nitong ipinasok ang kanyang dila. Naramdaman ko narin na pumasok na sa loob ng aking damit ang mga kamay niya at minamasahe na niya ang aking dibdib.
"Aahhh Tyron!" Ungol sa nakaliliyong init na pinagsasaluhan namin.
Huhubarin na sana niya ang aking damit ng may kumatok sa pinto, kaya napamura na lang si Tyron, natawa pa ako dahil sa inis niya.
"Dude mamaya na yan! Kakain muna tayo mamaya ka na sumisid dyan." Saad ni Benji na tumatawa pa habang kumakatok.
Inayos na namin ang aming mga sarili at nang maayos na ay binuksan na ni Tyron ang pinto. Bumungad sa amin ang nakangisi niyang kaibigan.
"Fuck you!" Inis na sigaw ni Tyron. Tumawa naman ng malakas si Benji kaya umiling na lamang ako.
"Baby lets go." Tumayo na ako at hinawakan na niya ang kamay ko upang lumabas na kami ng kwarto.
Saglit pa akong umikot sa buong rest house, malaki ito dahil may anim itong malalaking kwarto at lahat ay may sariling banyo. Para talaga sa pamilya na magbabakasyon ang style nito.
Matapos naming maikot ang bahay ay pumunta na kami sa kusina kung nasaan ang iba pa naming kasama.
Masaya kaming naghapunan kahit late na ang hapunan namin ay naging okay pa rin. Matapos kumain ay nagkanya kanya na kaming pumasok sa mga sarili naming silid.
Matutulog na rin kami agad dahil bukas daw ay mamamasyal kami at pupunta kami sa hot air balloon festival sa pampanga. Kaya kaylangan naming maaga magising.
At syempre hindi ko rin natiis ang damuho. Bago pa kami matulog ay nakahirit pa sa akin ng two rounds, isa habang naliligo at ang isa bago matulog. Manyak talaga
Mahal ko eh kaya kung yon lang ang paraan para maiparamdam ko sa kanya na mahal ko siya okay lang kahit araw-arawin niya pa. Sherep kaya try nyo.
BINABASA MO ANG
I love you Mr Sungit
Romans(Completed) Highest Rank reached in Tagalog love story category: Rank #1 "Tyron mahal kita since high school pa" Melody Montes masayahin, mabait mabuting anak at mahilig sa musika, lihim na may pagtingin kay Tyron Jay Cuevas, high school pa lang mah...