chapter 8 serenade

1.7K 91 2
                                    

Tyron POV

Magkahawak kamay kaming pumasok ni Melody sa loob ng cafeteria, nasa likod namin si Eli na kaibigan niya. Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin ang mga kaibigan ko. Agad kong naman nakita sila mike na nakaupo at hinihintay kami. Kumaway sila sa amin. Nang makalapit kami sa mesa, ay nagbatian kami sa isa't-isa ng mga kaibigan ko.

"Hi ladies?" Bati ni Mike kay Melody at Eli.

"This is Melody my girlfriend and this is Eli." Pagpapakilala ko sa kay Melody na nasa tabi ko at kay Eli na nasa likod namin na sumilip na lang at kumaway.

"Mike at your service." Sabay abot ng kamay niya upang makipag kamay kay Melody. Akmang Inabot na din ni Melody ang kamay niya ng mabilis ko itong binawi. Ayaw ko sa lahat ng hahawakan ng kahit sinong lalaki ang pag-aari ko. Matalim akong tumingin sa mga kaibigan ko.

"Possessive." Sabay sabay nilang sabi na may kasama pang tawa.

"Anton." Pagpapakilala ng isa sa mga kaibigan ko. Man in a few words 'yang si Anton. Kaya bibihira mo marinig na magsalita ng mahaba. Sumaludo siya kina Melody at Eli.

"Benjie." Sabi naman nung isa sabay kaway sa kanilang dalawa.

Ngiti at kaway lang din ang isinagot nina Melody at Eli.

Naunang naupo si Eli sa tapat ni Mike sumunod naman tumabi sa kanya si Melody at ako sa kabilang side niya. Habang ang tatlo at nakaupo sa harapan namin.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya. Sandali pa siyang nag-isip at saka sumimangot.

"Kahit ano, ikaw nalang ang bahala." Sagot niya sa akin. Pareho kaming napatingin ng magsalita si Mike, kausap pala nito si Eli.

"Beautiful ano gusto mong kainin? Sagot ko." Tanong ni Mike kay Eli. Nagkatinginan naman kami ni Melody dahil bahagyang namula ang mukha ni Eli. Napailing na lamang ako. Babaero talaga itong si Mike pati kaibigan ni melody pinapaandaran.

"Bahala ka na, salamat." Sagot naman ni Eli sa kanya. Tumayo na kami at naglakad para umorder ng pagkain.

Habang abala ako sa pagpili ng pagkain, ay biglang may pumulupot na kamay sa aking mga braso. Agad akong napatingin dito. Umasim ang mukha ko nang makita na si Tricia iyon kasama ang mga kaibigan niya.

Agad akong naalarma sa ginawa niya kaya tumingin ako sa kinaroroonan ni Melody, 'shit nakatingin siya'. Kahit alam kong wala akong ginagawang kasalanan ay kinakabahan pa rin ako. Ayokong bigyan ng dahilan si Melody na magsisi siya na ako ang minahal niya.

Para akong napapasong tinanggal ang pagkakapulupot ni Tricia sa braso ko. Lumayo din ako as kanya ng bahagya.

"Tyron, sabay tayo kumain." Malambing niyang sabi sa akin. Maganda naman si Tricia 'yon nga lang ay hindi ko gusto ang mga babaeng makapal mag make up. Hindi gaya ng baby ko simple lang walang kolorete sa mukha. 'Damn I love that woman'

"Sorry Tri pero kasabay ko kasing maglunch ang girlfriend ko, excuse ah." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot, tinalikuran ko na siya at kinuha ko na agad ang tray na may lamang pagkain namin. Bumalik na agad ako sa lamesa na kinaroroonan nila.

Nang papalapit ako sa kanya ay nagtama ang aming paningin, ngunit agad siyang umiwas ng tingin sa akin. Eto na nga ba ang sinasabi ko, mukhang sinumpong na ang baby ko.

"Hey! Kain na tayo." Ibinaba ko sa mesa ang tray na dala ko at umupo ako sa tabi niya. Hindi siya kumikibo at sa pagkain lang siya nakatingin. Inayos ko sa harap namin ang mga pagkain na binili ko.

Napansin naman ng mag kasama namin na biglaang pag-iiba ang mood niya.

"Patay tayo d'yan." Pangisi ngising nakatingin si Mike sa amin habang nagsisimula ng kumain.

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon