chapter 23 happiness

2K 67 0
                                        

Melody POV

Nagising ako dahil sa kiliting nararamdaman ko sa aking leeg. Mayroon kasing mainit na bagay na dumadampi at nagbibigay ito ng kiliti at kilabot sa aking katawan. At kahit hindi ko imulat ang mata ko alam ko kung sino ang salarin. Hinahalik halikan lang naman niya ang leeg ko at mukha. Ene be yen

"Hey! Gising na! Ikaw na lang hinihintay namin." At dahil sa sinabi niya ay iminulat ko agad aking mata. Nang tumingin ako sa relo sa side table ko ay alas singko na ng hapon. Napahaba pala ang tulog ko.

Kasalanan kasi ng damuhong ito eh. Ang landi landi kaya ayan napagod ako.

"Bakit hindi mo ako ginising? Nakakainis ka talaga." Sabi ko sa kanya habang nakasimangot ako at tiningnan ko siya ng masama.

"H'wag ka na pong magalit, ang sarap kasi ng tulog mo kaya ayaw ko na gisingin ka." Sabi niya sa akin kaya mas sumimangot pa ako. Inilapit niya ako sa kanya at niyakap niya ako. Nakapatong ang baba niya sa aking balikat at nakapulupot ang kanyang mga braso sa aking baywang. Ayan nanaman siya, lalandiin nanaman ako. At ako naman magpapalandi rin dahil marupok haayyy Tyron.

"Tigilan mo yang pang lalandi mo sa akin Tyron. Naiinis ako sayo! Dahil sa kalandian mo kaya napagod ako." Natawa siya dahil sa sinabi ko. At may gana pa talaga siyang tumawa, damuho talaga.

"Sorry na, namiss lang kita. Three years baby, tatlong taon ang nasayang at sana ngayon asawa na kita at may anak na sana tayo." Sabi niya habang nakayakap pa rin siya sa akin. Parang nanlambot ata ako dahil sa sinabi niya. Wala akong makuhang sagot sa mga binitawan niyang salita. "But don't worry dahil meron naman tayong lifetime para magkasama." Niyakap niya ako ng mahigpit. At gano'n din ang ginawa ko.

Hindi ko man maibalik ang mga nawalang alaala sakin, sisiguraduhin kong magiging masaya ang buhay na bubuuin naming dalawa. Tama siya maalala ko man siya o hindi basta mahal namin ang isat-isa ay magiging masaya kami.

Magkayakap lang kami ni Tyron ng may kumatok sa pinto. Sumagot si Tyron ng come in kaya bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng kasama ko doon sa picture dati. Nakatingin ito sa akin na nangingilid ang luha sa mata.

Tumingin ako kay Tyron na nakangiti sa akin. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at inalalayan niya ako tumayo.

"Baks." Tawag niya sa akin at tuluyan na itong umiyak kaya naiyak na din ako.

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Halos hindi na nga ako makahinga sa sobrang higpit. Humahagulgol na din ito habang nakayakap sakin.

"Sobrang namiss kita baks." Sabi niya habang patuloy parin sa pag-iyak. Hindi ako nagsasalita, hinahagod ko lang ang likod niya para kumalma siya. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan niya ako. Ngumiti siya "Naipaliwanag na ni Tyron sa amin ang lahat kaya okay lang kung wala kang maalala, ang mahalaga bumalik ka sa amin." At dahil sa sinabi niya ay umiyak na ako.

"S-sorry kung hindi ko kayo maalala." Umiiyak kung sabi sa kanya.

"Sshhh baby!" Pagpapatahan ni Tyron sa akin. Niyakap niya ako mula sa likuran.

Medyo kumalma naman ako dahil sa pagyakap ni Tyron sa akin.

"Marupok ka pa rin hanggang ngayon." Sabi ni Eli kaya natawa kaming tatlo habang nagpupunas ng luha. "Masaya ako para sa inyo, at last magkasama na kayo. Kaya bilisan nyo gumawa ng baby kasi ako may pangalawa na." Nanlaki ang mata ni Tyron dahil sa gulat, ako naman ay namula ang mukha, naisip ko kasi na kagagawa lang namin.

"Wow congrats! Sharp shooter talaga ang mokong." Sabi ni Tyron habang nakangiti. "'Yong samin kasi pabuo pa lang." Dagdag pa niya habang nakangisi pa, namula lalo ang mukha ko kaya tumawa sila pareho. Nakurot ko naman si Tyron sa tagiliran dahil sa pagkapahiya.

I love you Mr Sungit Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon