chapter 5 song

1.9K 89 3
                                    

Melody POV

Mabilis lumipas ang dalawang linggo. Maayos naman ang result ng mga exam ko. Tumawag din ang stepmother ko para ipaalam na bumubuti na daw ang lagay ng daddy ko.

Nakausap ko pa si daddy kahit medyo hirap magsalita at least nag reresponse ang body niya sa mga medication niya. Maganda na rin siguro na nasa America siya.

Patuloy pa rin akong nagbibigay ng letter sa kanya, at gano'n pa rin hindi pa rin niya ako pinapansin sa campus.

Nung gabi na magtext siya akala ko may bunga na ang magpapacute ko sa kanya kaso waley pa rin. Minsan ang sarap din ipang bala sa canyon si Tyron, grabe ka manhind. Hindi ko alam kung manhid ba talaga siya o ako lang itong umaasa na magugustuhan din niya ako.

Katulad ng nakagawian ko araw-araw pagkatapos ng klase ko ay tatambay ako sa ilalim ng puno sa loob ng campus at magpapahangin. Madalas dala ko din ang gitara ko at nagsusulat ng kanta. Ito kasi ang hilig ko.

Nakasandal ako sa puno habang tumitipa ng gitara ng biglang tumunog ang cellphone ko. Rumehistro ang pangalan ni Tita Alma na stepmother ko. Agad ko itong sinagot dahil baka importante ang sasabihin niya. Baka mamaya ay may nangyaring masama sa daddy ko.

"Hello."

"Hello! Melody gusto ka daw makausap ng daddy mo." Sagot ni Tita sa kabilang linya. Dahil sa sinabi niya ay nakahinga ako ng maluwag.

"Hello daddy!" Nanginginig ang aking boses, napapakagat pa ako ng labi upang pigilan ang mapahikbi.

"Hi princess! How are you?" Naiyak ako ng tinawag ako ni daddy na princess, kasi iyon ang endearment niya sa akin kahit nung bata pa ako.

"I'm fine daddy yow! How about you?" Pilit kong pinasigla ang boses ko kasi ayaw kong maririnig niya ako na umiiyak. Daddy's girl ako kaya nung ipagpalit niya kami sa iba ay matagal ko siyang hindi kinausap dahil sobra akong nasaktan sa ginawa niya.

"I'm definitely fine my baby, don't worry to much. Tumawag ako cause I really miss you baby." Halata sa boses niya na hindi pa siya okay pero ayaw niya siguro na mag-alala pa ako kaya gano'n ang sinasabi niya.

"O-ow! Thats great, pagaling ka daddy para makasama kita sa bakasyon, miss you too daddy." Five years na ng maghiwalay sila ni mama, at iyon din ang panahon ng iwan niya kami. Kaya five years na din ng hindi ko siya nakakasama ng matagal at nakakabonding ng matagal. Simula ng iwan niya kami parang nagkaroon ng pader sa aming mag-ama. Napatawad ko man siya pero hindi na namin maibalik ang dati, dahil siguro hindi na kami ang priority niya. Dahil may iba na siyang pamilya at tanggap na namin 'yon.

Matapos ang kumustahan at paglalambing ni daddy ay nagpaalam na rin ito dahil magpapahinga pa raw ito at bawal siya mapagod.

Ako naman ay nanatili sa ilalim ng puno at nagpalipas ng oras.

Tyron POV

Dalawang subject lang ang klase ko ngayon kaya pagkatapos ng klase ay sinilip ko kung nasa paborito kong tambayan si Melody at hindi nga ako nagkamali, naroon siya at may kausap sa cellphone niya.

Namumula ang mata at ilong niya habang humihikbi hikbi pa. Fuck I really hate when i see her crying, 'yon talaga ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong iparamdam sa kanya na nandito lang ako pero pa'no. Kung duwag ako, duwag akong sumubok, duwag ako maiwan, duwag akong masaktan at duwag ako magmahal. Takot ako sa lahat ng bagay na pwedeng makasakit sa akin.

Takot akong sumugal dahil alam kong walang permanente sa mundo. Merong aalis at meron darating. Sa nararamdaman ko kay melody sobra ang takot ko dahil I fell in love with her fast and hard. Kaya hindi ko alam kong saan patungo ang feelings ko para sa kanya. Kung saan ako dadalhin ng pagmamahal ko.

Kaya takot akong I risk iyon kahit alam ko na may pagtingin din siya sa akin. Gusto ko manatili na lang na ganito ang sitwasyon namin, mas madali at walang masasaktan.

Sandaling natahimik siya at mukhang tumigil na rin siya sa kanyang pag-iyak. Akmang isusuot ko ang head seat sa aking tainga, nang marinig ko ang strum ng kanyang gitara. Nanatili akong nakinig sa kanyang ginagawa. Hanggang nagsimula siyang tugtugin ang gitara. Halos kapusin ako ng hininga ng marinig ko siyang kumanta. Pumikit ako at sumandal sa puno.

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try

Napaka lambing ng kanyang boses. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang kinakanta. Parang boses ng anghel.

Nagyon ko lang siya narinig kumanta. Oo nakikita ko siyang laging may dalang gitara pero this is the first time that I heard her sing.

Baby, you don't have to worry
'Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
They don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway

Para akong dinuduyan sa boses niya. And I like it, no scratched that, I love it.

Boy, I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life

At sa mga oras na ito realization hit me, I love her and I think I don't wanna lose her, I want her. Tama na ang panahon na pagiging duwag. I will deal with it. Bahala na si batman o si superman. O kahit sino man.

'Cause in a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go 'round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song

Tumayo ako at lumipat sa tabi niya, hindi niya napapansin na magkatabi na kaming dalawa dahil nakapikit siya habang kumakanta. She's beautiful, her angelic face, her lips damn I want to kiss her.

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye

Let me hear you sing it


Pagkatapos niyang kumanta isinandal ko sa balikat niya ang ulo ko, saktong pagmulat ng kanyang mga mata. Natigilan siya at nagulat sa ginawa ko. Napatigil siya na para bang naestatwa.

Akmang gagalaw siya nang magsalita ako at ramdam kong natulos siya sa kinauupuan niya.

"Stay baby ko! Kahit sandali lang." Sabi ko sa kanya, hindi nga niya inalis ang ulo ko sa balikat niya at nanatili lamang siya sa kanyang pwesto.

"T-tyron." Bulong niya sa pangalan ko.

Lumakas ang kabog ng aking dibdib ng banggitin niya ang aking pangalan.

Nanatiling gano'n ang pwesto naming dalawa ng ilang minuto, pareho kaming tahimik at walang nagsasalita. Pero ramdam ko ang kaba at naririnig ko ang mabilis na tibok ng puso niya tulad din ng sa akin.

Binasag ko ang katahimikan naming dalawa.

"Do you really love me?" Tanong ko sa kanya. Alam ko masyado akong naging straight forward sa pagtatanong sa kanya pero fuck wala na akong pakialam, kailangan ko ng malaman dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko.

Susugal na ako, kung siya naman ang maari kong mapalanunan. Hindi na ako matatakot kung kasama ko naman siyang haharap sa lahat ng pagsubok. Magmamahal ako kung siya naman ang mamahalin ko.

"T-tyron, oo mahal kita since high school pa." At dahil sa sinabi niya iniangat ko ang aking ulo at tumingin sa mga mata niya.

Yong kinikilig ako habang sinusulat ko to
Hayy sarap mainlove

Ctto sa may ari ng video

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon