chapter 17 pain and agony

1.6K 66 2
                                    

Tyron POV

Nagising ako na puro puti ang paligid ko. Inikot ko ang aking mata at nakita ko si Benjie at anton na natutulog sa couch malapit sa higaan ko. Mukhang nasa hospital ako ngayon.

Patayo na ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Eli at Mike. Agad silang lumapit sa'kin nang makita nila akong gising at paupo na sa kama. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala at awa.

"Man!" Tawag ni Mike sa'kin "nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin?" Tanong niya at umiling lang ako.

Ang totoo gusto ko lang umuwi. Akala ko panaginip ang lahat pero hindi pala. Dahil ang katotohanang pilit kong ayaw tanggapin ay nasa mukha ko na. Wala na siya iniwan niya ako at wala man lang akong alam kung bakit.

"I need water." Sagot ko at binigyan nila ako ng bottled of water.

"Kailangan mong kumain, 'yan ang bilin ng doctor once na nagising ka." Si Mike

"Ilang oras na ba akong tulog?" Tanong ko sa kanila

"Anong oras? Two days kang tulog." Si Benjie na nagising na pala at lumapit na rin sa'kin.

Nagulat ako sa sinabi nila at tiningnan ko si Mike kung totoo ba ang sinasabi nila.

"Yeah, at overdose in alcohol ang findings ng doctor tapos wala ka pang kinain maghapon." Si Mike

Hindi ako nagsalita at humiga na ulit ako. At dahil naalala ko na naman lahat ay bumalik din lahat ng sakit. Itinakip ko sa aking mata ang isang braso dahil ayokong makita nila akong umiiyak.

"Tyron, alam naming masakit ang nararamdaman mo at wala kaming matulong sayo kun'di ang damayan ka." Si Eli na nanginginig ang boses niya at pilit na nagsasalita. "Alam kong mahal na mahal ka ni Melody at saksi ako kung gaano ka niya kamahal, siguro ay may dahilan siya kung bakit bigla siyang umalis at iniwan tayo lalo na ikaw."

"Kaya mo yan dude! Nandito kami, tutulungan ka namin. Kapag bumalik siya humingi ka ng paliwanang sa kanya." Si Anton

"Iwanan n'yo muna ako gusto kong mapag-isa."

Naramdaman ko na naglakad sila at may nagbukas sara ng pinto sinyales na umalis na sila.

Paglabas nila ng kwarto ay inilabas ko lahat sa pag-iyak ang aking nararamdaman. Paliwanag? Sa palagay ko paano ako hihingi ng paliwanag sa kanya kung hindi ko nga alam kung babalik pa ba siya.

Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa ng wala siya. Paano ko itutuloy ang buhay ko ng hindi ko siya kasama gayong lahat ng pangarap ko ay nandon siya.

Masakit maiwan lalo na at marami akong tanong na alam kong siya lang ang kasagutan. Kahit masakit ay kailangan kong magpatuloy dahil kailangan pa ako ng lolo ko.

Pipilitin kong mamuhay ng normal kahit alam kong mahihirapan ako at kahit alam kong may kulang sa pagkatao ko dahil nang umalis siya ay dinala n'ya na rin ang puso ko at hindi ko alam kung babalik pa ba ito.

Melody POV

One week na kami dito sa amerika at simula ng dumating kami dito ay naconfine na ako sa ospital dahil kailangan nilang ihanda ang aking katawan sa operation.

Sobrang miss na miss ko na si Tyron. 'Ano kayang ginagawa niya? Namimiss din kaya niya ako?

Pinagbawalan nila ako gumamit ng gadgets dahil kaylangan ko daw maging handa. Dahil hindi biro ang operasyon na gagawin sa'kin.

Nung mga nakaraang araw pabalik balik din si tita alma ang step mother ko at kinukumusta ako. Hindi pa nga din alam ng papa ko ang kalagayan ko dahil mahina pa ang puso nito dahil kagagaling lang din sa isang bypass operation at hindi pwedeng biglain.

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon