chapter 18 longing

1.7K 75 4
                                    

After 3 years

Tyron POV

Nagising ako dahil sa tunong ng aking cellphone na nasa side table. Agad ko itong sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello."

"Hello sir, remind ko lang po ang luncheon meeting nyo kay mister Dela Peña." Si Alice ang secretary ko.

"Fuck!" Mura ko at napahawak ako sa aking ulo, dahil sa hangover. "Ok Alice thank you." Ibinaba ko na ang tawag at lumabas sa kwarto. Sumilip muna ako sa tapat ng bahay kung may tao na ba o wala. Pero ganon pa rin nakasarado pa rin ito.

Oo tama kayo lumipat ako ng bahay sa tapat ng bahay nila Melody. Nung malaman kong ibinebenta ito ay binili ko agad dahil umaasa pa rin ako na babalik sila, na babalikan niya ako.

Uminom ako ng gamot para sa sakit ng ulo at nagtimpla ng kape. Binasa ko ang mga ilang messages na natanggap ko, puro mga message ng babae na inaaya ako, dahil ibinibigay ng mga kaibigan ko ang numero ko. Maghanap na daw ako ng iba dahil tatlong taon na ang lumipas at kailangan ko ng magmove on.

Siguro makakapag move on lang ako kapag nakausap ko siya at kapag narinig ko mula sa kanya na hindi na niya ako mahal. Dahil aminin ko man o hindi ay mahal na mahal ko pa rin siya at naghihintay pa rin ako sa kanya. Umaasa na babalikan niya ako.

Its been fucking three years at ang pagmamahal ko sa kanya ay di man lang nabawasan. Sobra akong nangungulila sa kanya at nagdarasal na sana ay bumalik siya.

Matapos ko magkape ay naligo na ako at nagbihis. Hindi na ako nag-almusal at sa opisina na lang ako kakain.

Pero bago ako sumakay sa kotse ko ay nahagip ng mata ko ang babaeng palabas sa kabilang gate. Maiksi ang buhok nito, maputi at maganda ang hubog ng katawan.

Nakatalikod ito sa akin at abala sa paglilinis ng harap ng bahay nila.

Biglang kumabog aking dibdib at bumilis ang tibok ng aking puso. Kahit nakatalikod siya ay kilala siya ng aking puso.

Iisang tao lang naman ang may ganitong epekto sa akin. Siya lang ang may kayang pabaliwin ako ng ganito.

Unti unti akong lumakad papalapit sa kanya habang hindi inaalis ang tingin, at nang medyo malapit na ako ay humarap siya. Nagtama ang aming mga mata pero walang mababakas na ano mang emosyon bukod sa pagkalito. Kumunot ang aking noo at tumaas ang kanyang kilay.

"S-Sino po sila? May kaylangan po ba kayo? Bumalik na lang po kayo mamaya kasi wala si mama." Sabi niya, halatang gulat pa siya at hindi siya makatingin ng diretso sa aking mata. Damn what was that?

Tumango na lamang ako dahil sa pagkatulala. Umurong ang aking dila, dahil sa pangyayari. Bakit parang hindi niya ako kilala? Marami akong gustong itanong sa kanya. Yung galit na nararamdaman ko ng iwanan niya ako ay napalitan ng pananabik. Gusto ko siyang yakapin at ikulong sa aking mga bisig. Gusto ko siyang halikan hanggang kapusin kami ng hininga. Pero paano?

Ang nakapagtataka pa ay parang hindi niya ako kilala kung makipag usap siya sa'kin. At umiiwas siya ng tingin sa akin. May iba sa pakikipag titigan niya sa akin. Hindi tulad ng dati.

Lahat ng tanong ko ay alam kong masasagot kapag nagkausap kami ni tita ang mama niya.

Kahit mahirap ay humakbang ako palayo sa kanya. Kaylangan kong pakalmahin ang aking sarili. Hindi pwedeng pangunahan ako ng aking emosyon. Dahil nandito na siya hindi na ako papayag na mawala pa siyang muli. Kung kinakailangang itali ko na siya sa'kin gagawin ko.

Ewan ko ba pero hindi man lamang ako nakapagsalita. Ni wala man lang lumabas as aking bibig. Gusto kong magalit at sigawan siya pero hindi ko magawa.

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon