chapter 10 eli and mike

1.6K 72 2
                                    

Melody POV

Months have past, naka graduate na si Tyron at suma cumlaude siya, sobrang proud ako sa kanya. Sa ngayon ay nag-te-train na rin siya sa kompanya nila dahil siya na ang papalit sa lolo niya. Ako naman ay 3rd year college na.

Maraming mga nangyari sa relasyon namin sa mga nakalipas na buwan. Maraming problema ang hinarap namin pareho, pero kahit gano'n ay hindi kami sumuko sa isat-isa. Naniniwala kasi ako na if there's a respect, trust and love, no matter what happen ay hindi kami maghihiwalay at mas titibay ang aming relasyon.

Sa mga lumipas din na buwan, mas nakilala ko pa ng husto ang masungit at supladong si Tyron. Ang kakaibang ugali niya, ang pagiging clingy niya sa akin. Marami akong natuklasan sa kanya. At masasabi ko na mas lalo ko siyang minahal.

Nakilala ko rin ang lolo niya nung araw ng graduation niya. Mabait ito at nakasundo ko agad. Si mama naman ay sobrang suportado ang relasyon namin at laging may word of wisdom para sa amin.

Kahit busy siya sa company nila, hindi pa rin nawawalan ng time si Tyron sa akin. Siya ang parating sumusundo sa akin t'wing pagkatapos ng klase ko. Hindi rin siya nakakalimot na I date ako parati. Lalo na kapag maluwag ang schedule niya. Madalas din ay nag-a-out of town kami kasama si Eli at mga kaibigan niya. Gusto kasi niya na parati akong paglaanan ng oras. Nagbiro pa nga siya na baka kapag nawalan siya ng oras sa akin ay ipagpalit ko siya. Na kahit kailan ay malabong mangyari.

Next week ay first year anniversary na namin ni Tyron, pero mukhang hindi niya naalala dahil sobrang busy siya. Wala kasi siyang nababanggit sa t'wing susunduin niya ako. Kung may plano ba siya, dahil ayaw ko naman na ipilit sa kanya lalo na kung abala siya. Naiintindihan ko naman siya, 'yon nga lang ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi magtampo at malungkot.

Nasa cafeteria kami ngayon ni Eli dahil katatapos lang ng two subjects namin. Balak namin na magmeryenda. Ngunit napansin ko agad ang pagiging matamlay ni Eli. May problema din kaya siya. Hindi naman siya nagsasabi sa akin.

"May gusto ka bang ikwento baks?" Tanong ko. Umiling agad siya at ngumiti. Ngunit kapansin pansin ang lungkot sa mata niya.

"Ikaw bakit ba kanina ka pa wala sa mood? Hindi maipinta 'yang mukha mo!" Puna ni Eli sa akin, ako naman ang napasimangot at nakapangalumbaba sa ibabaw ng mesa. Kung makapuna akala mo ako lang ang nakasimangot. Inirapan ko siya.

"Si Tyron kasi.." Inis kong sabi.

"Oh ano naman problema sa jowa mo? May problema ka pa talaga sa kanya? Ang bait na kaya non tapos faithful pa, hindi katulad ni Mike sarap ipakain sa lion.." Ay may hugot siya. Confirm may problema nga si bakla.

Ngumuso ako sa kanya at ewan ko ba pero naiiyak na talaga ako dahil sa nararamdaman ko. "Mukha kasing hindi niya naalala ang first anniversary namin.."

"Imposible 'yon bakla! Si Tyron pa ba? Kung si Mike pa 'yan baka maniwala pa ako, kaso hindi di'ba?" Galit niyang sabi sa akin sabay irap pa.

"Bakit ba kanina ka pa galit na galit kay Mike? May problema na naman ba kayo?" Itong si Eli ako nag-e-emote mukhang sasabayan pa niya ako.

"Wala!" Umiwas siya ng tingin sa akin at nahalata ko na medyo namumula na ang mata niya. Kanina ko pa rin napapansin na mugto ang mata niya. "Wait mo lang kasi, baka may surprise 'yon.."

"Ikaw..! Bakit ganyan ang mata mo? Umiyak ka ba?" Tanong ko sa kanya kasi hindi na ako makatiis. Kahit ganyan na masayahin si Eli ay alam na alam ko kapag may problema siya. Hindi siya makatingin sa mga mata ko.

Hindi siya sumagot narinig ko nalang ang mahina niyang hikbi. 'Gosh may problema nga si bakla at mukhang mas malala ata sa problema ko'

"N-nahuli ko si Mike sa condo niya---may katabing babae sa kama pareho silang nakahubad.." Sagot niya sakin habang nakayuko at umiiyak. Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko kasi nagulat ako. Imposible na mangyari iyon, dahil alam namin kung gaano kamahal ni Mike si Eli.

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon