chapter 16 sadness

1.6K 64 3
                                    

Tyron POV

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mukha mula sa bintana, at nang tingnan ko ang orasan sa side table ko ay ten o'clock na ng umaga. Nang tingnan ko ang aking tabi ay wala si Melody.

Kaya bumangon ako at nagbihis ng damit dahil nakahubad pa ako, naalala ko pa kung maka ilang ulit kong inangkin ang kanyang katawan kagabi, kung hindi lang siya nagreklamo na pagod na siya hindi ko talaga titigilan ang baby ko na 'yon. I will never get tired of her. Napailing na lang ako sa aking naiisip at napapangiti.

Napansin ko na nakatupi na sa gilid ang mga damit na hinubad ni melody siguro ay nakaligo na siya.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta agad ng kusina dahil malamang ay nagluluto na ito. Pero agad kumunot ang aking noo ng walang melody akong nakita sa kusina. Kaya tinawag ko na siya.

"Baby!" Pumasok ulit ako sa kwarto at sinilip ang banyo. Nakita ko din sa loob ng kwarto ang mga damit na binili namin at ang iba pa niyang damit. Siguro ay lumabas siya at may binili dahil wala ang bag n'ya kaya pumunta ako ng kusina at nagsimula na magluto.

Nagluto na ako ng almusal namin sinamahan ko na din ng pantanghalian dahil malapit na din mag lunch at hindi ko namalayan ang oras. Medyo kinabahan na ako dahil tapos na ako magluto ngunit wala pa rin siya.

Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan kung tumawag ba siya pero wala kahit message man lang. Naisip ko na baka pumasok na ito sa school kaya ito umalis.

Tinawagan ko ang numero niya ngunit naka sampung ulit na ako pero gano'n pa rin hindi makontak ang numero niya. May namumuong takot at pangamba sa aking dibdib ayokong mag-isip ng kung anu-ano kaya kinuha ko ang susi ng kotse at lumabas ng condo. Pumunta ako ng parking lot at sumakay sa kotse.

Hindi ko na pinansin ang suot kong damit dahil isa lang ang nasa isip ko ng mga oras na iyon, ang makita si Melody.

Sa dalawang araw na kasama ko siya iba ang pakiramdam ko weird iyon pero hindi ko na lamang pinansin dahil kasama ko naman siya, pero pakiramdam ko malayo lagi iniisip niya. Alam kong may mali.

Pakiramdam ko kagabi ang huli na naming pagkikita at pagsasama. 'Please no melody don't do this to me.

Kahit sinasabi ng utak ko na pwedeng gawin sa'kin ni Melody iyon ang iwanan ako pero iba pa rin ang sinasabi ng puso ko, ayaw maniwala nito dahil alam kong mahal niya ako at ramdam ko 'yon lalo na ng ibigay niya sa'kin ang sarili niya ng ilang ulit.

Narating ko agad ang university kung saan nag-aaral si Melody. Saktong pagkababa ko ng sasakyan nakita ko ang isa sa mga classmates niya at same course niya.

Bumaba ako ng sasakyan at agad ko itong nilapitan.

"Hi, ahm classmate ka ni Melody right?" Tanong ko sa kanya, tumango ito at kumunot ang kanyang noo at mukhang naguguluhan pa.

"Yeah!"

"Pumasok ba siya ngayon?" Tanong ko ulit sa kanya pero this time medyo nagulat at kumunot lalo ang noo niya.

"Diba ikaw si Tyron yung boyfriend n'ya?" Tanong niya at tumango ako. "Hindi mo ba alam na nag drop out na siya?" This time ako ang nagulat and frustration visible in my face. Dahil sa sinabi niya ang kabang nararamdaman ko kanina ay mas lalong lumala. "Bakit hindi mo alam? Three days ago nagdrop out siya, nagulat nga kaming lahat pati mga prof namin kasi graduating na s'ya." Sabi pa ulit niya pero wala nang pumasok sa isip ko. Tumalikod ako sa kanya at bumalik sa sasakyan. Napasabunot ako sa aking buhok. 'Damn melody what did you do?'

Nanginginig akong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si tita Merlita ang mama ni Melody pero kapareho ng kay melody out of reach din iyon.

Isang tao nalang ang pag-asa ko si Eli. Kaya agad kong tinawagan ang numero niya. Nakakadalawang ring palang ay sinagot na niya ito.

I love you Mr Sungit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon