SIMULA
Malalim na ang gabi sa ka-Maynilaan, ngunit ganoon pa rin ang dami ng mga taong nasa paligid dahil sa Biyernes ngayon at lahat ay may kanya-kanyang gimik.
Napabuntong hininga si Joe habang pinagmamasdan sa bintana ng sasakyan ang mga kaedaran niyang pormang-porma, mayaman at masayang nagtatawanan pagkalabas sa isang high-end na bar.
"TGIF, sana all." Iyon na lamang ang nasabi niya at pinagpatuloy ang panonood.
Ilang sandali pa ay naputol ang pagmamasid niya sa mga tao nang tumunog ang kanyang phone na nakalagay sa isang phone holder.
Napangiti siya nang makita kung sino ang tumatawag, kaya dali-dali niyang sinagot iyon, "Dada!"
Nadinig niya ang mahinang pagtawa ng ama, "Joe, anak. Hindi ka pa ba uuwi? Tingin ko ay wala ka ng pasahero niyan."
"Mukha nga po Dada." Napatingin siyang muli sa bintana. "Uuwi na ho siguro ako niyan. Magpahinga na po kayo at wag niyo na akong hintayin Dada."
"Mag-iingat ka Joevannia Khlaire." Napasimangot si Joe nang marinig ang buo niyang pangalan.
"Opo, Dada. I love you!" Malambing na wika niya.
"I love you too, hija."
Ibinalik niya ang cell phone sa phone holder at binuhay ang makina ng sasakyan. Habang paalis siya sa parking sa tapat ng isang magandang bar ay nakareceive siya ng notification sa Grab app.
Napangisi siya nang makitang may isang pasahero siya, agad-agad niyang inayos ang transaction. "Ivan Marco. Barman's." Basa niya sa pangalan ng pasahero at ang lugar kung saan niya susunduin ang pasahero. "Tunog mayaman ang pangalan." Komento niya at ganadong tinahak ang daan papunta sa Barman's.
Labing-limang minuto lang naman ang kanyang biyahe nang matapat siya sa isang residential building na may katabing isang pub. Di maiwasang mamangha ni Joe, "Pangmayaman." Wika niya.
Nahagip ng mga mata ni Joe ang dalawang lalaki sa tapat ng Barman's. Napailing si Joe nang makita ang isang lalaki na akay-akay ng isang matangkad na lalaki, lasing na lasing na siguro at siya marahil si Ivan Marco, ang dapat niyang ihatid.
Inayos ni Joe sa pagkakaponytail ang buhok bago lumabas at nilapitan ang dalawang lalaki. Natigilan sa paglapit si Joe nang masilayan niya sa malapitan ang lalaking akay-akay ang lasing na lalaki.
Ang gwapo naman! Ang linis tignan!
Lalong gumwapo ang lalaki nang ngumiti siya, "Hi! Ikaw ba si Joe?"
Natigil sa pagtitig si Joe sa lalaki, "Ah, opo Sir. Ako po iyong Grab driver."
"Great." Napalingon ang lalaki sa akay-akay niya na kulang na lang ay humandusay sa lupa. "He's the passenger. I need your help, please."
"Sure po." Dali-dali siyang lumapit at isinampay sa isang balikat ang braso ng lalaki. Napasinghap si Joe nang di sinasadyang dumikit ang labi at ilong ng lasing na lalaki sa kanyang leeg.
"Mmm. Sweet neck." Mahina at medyo bulol na wika ng lalaki na siyang nagpatindig sa balahibo ni Joe.
Nilingon niya ang lasing na lalaki para sana matalim na titigan pero hindi niya iyon nagawa dahil nasilayan niya ang mukha ng lalaki na mukhang patulog na.
Ang gwapo din! Para siyang isang Hollywood hunk!
Pakiramdam ni Joe ay sobrang swerte niya dahil uuwi na lang siya ay makakasilay pa siya ng sobrang gwapong mga lalaki.
Oops! Magtigil ka Joe! May boyfriend ka! Shut up!
"Whew!" Napasipol ang isang lalaki nang maipasok na nila ang lasing na lalaki sa loob ng Vios.
BINABASA MO ANG
HRS2: Caught in a Hot Romance with the Savior
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Gaya ng ilang mga kababaihan, isa si Joe sa mga babaeng sobra kung magmahal, pero lintik lang, kung sino pang loyal at marunong magmahal ay ta...