9

4.6K 210 32
                                    

9

"Ano?!"

Napabangon si Caven sa kanyang higaan nang marinig ang masamang balita mula sa taong kausap niya sa kabilang linya.

Umalis sa kama niya si Caven at nagpalakad-lakad sa tapat ng kama. "Are you sure, Sigrid?"

Dinig niya ang paghikbi ni Sigrid sa kabilang linya, "Yes. Nasa ospital si Zander ngayon sa Bataan, n-namatay daw sa pagsabog si K-Kandisse."

Napahilamos sa kanyang mukha si Caven at nagimbal sa sinabi ng kausap, "Fuck. How did this happen?"

Hindi lubusang maisip ni Caven na ganoon na kalala ang pinagdadaanan ng kanyang best friend na si Zander, ang kanyang kaibigan na doktor din sa Foillan-Griffin.

"I really don't know the story Caven, basta itinawag lang sa akin ni Tita Dorina na nasa ospital daw si Zander at nagwawala dahil sa pagkamatay ni Kandisse at n-ng ... anak nila."

Napabuga na lamang ng hangin si Caven at napalunok ng ilang beses. "Zander will be really depressed, shit. He's madly in love with Kandisse."

"I know. Let's be there for him, Caven. He needs us, he needs you too. Pauwi na rin si Ivan from Michigan."

"Okay Sigrid. Magpahinga ka na. Ako na muna ang pupunta sa Bataan."

Nang matapos ang tawag ni Sigrid ay dali-daling pumunta sa may walk-in closet niya si Caven para makapagpalit ng damit.

Sa kanyang pagdating sa ospital kung saan nandoon si Zander ay awang-awa siya sa kaibigan. Nakita niya ang pagwawala at paghihinagpis ng kaibigan.

Nasaksihan ni Caven ang miserableng kaibigan hanggang sa makabalik na sa Maynila ay tulala ang kaibigan at palaging umiiyak.

"He got suspended." Malungkot na ibinalita iyon ni Ivan nang magtipon sila sa may staff lounge.

Napailing si Caven, "He is mentally and psychologically unstable."

Bumuntong-hininga naman sa tabi niya si Sigrid, "Inuwi muna siya sa Casa. Gabi-gabi tumatawag si Tita Dorina sa akin, umiiyak dahil daw laging naglalasing si Zander at sinasaktan ang sarili niya. Sa tingin ko, self-blame ang ginagawa niya."

"That's a damn emotional abuse." Ivan muttered, with frustration written all over his face. "He won't even fucking face me."

"He must be scared of you Ivan." Sabi ni Caven habang nakatitig sa cup na hawak-hawak. "Alam naman nating sinabihan mo noon si Zander na hindi niya dapat pabayaan si Kandisse. Wala siyang mukhang maihaharap sa'yo."

"What?" Ivan's brows met at the center. "That's bullshit! He got manipulated. Puta! Ako rin naman malilinlang ni Dr. Ross! Who would have thought that she is a damn criminal?!"

Silang dalawa ni Sigrid ay napatango nang maalala nila ang magaling na psychiatrist nilang si Dr. Arianna Ross. It became an issue that the medical center needed to resolve. How could a criminal entered a very prestigious international medical center?

"I'm going to see him again. Zander needs saving." Determinadong wika ni Ivan at natahimik na lamang sina Caven at Sigrid.

Pabalik na sa kanyang clinic office si Caven nang may marinig siyang komosyon sa may bandang Orthopedics Department.

"Where is he?! They said he's the best that this fucking hospital got!" Malakas na sigaw ng lalaki na may katangkaran at hawak-hawak ng mga guwardiya.

"Mr. D' Matteo, Dr. Zander Menendez is suspended so he cannot see you. Please calm down." Ang department head na ang kumakausap sa nagwawalang lalaki.

HRS2: Caught in a Hot Romance with the SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon