14
"Eh baka fuck buddy turing sa'yo?"
Lalong lumabi si Joe sa tapat ng kanyang phone at suminghot. "Ewan ko MJ!" Kavideocall niya ngayon ang kanyang best friend.
Humagulgol si Joe sa loob ng kanyang kwarto, dalawang araw na ang nakakalipas simula nang pumunta sila ni Caven sa Tanay.
Hindi niya matiis na maglabas ng saloobin sa kanyang kaibigan na si MJ, na nasa America dahil may laban siya.
Humalukipkip si MJ, "Naku, Joe! Bakit kasi di mo pa aminin kay Caven na mahal mo siya? Then ask him if he has future plans with you."
"Eh paano kung hindi nga? At baka si Astra talaga yung balak niyang seryosohin at pakasalan, anong gagawin ko MJ?"
Marahas na huminga si MJ, "Ano pa ba Joe? Then you damn dump him! Hindi mo kailangan ng lalaking hindi sigurado sa'yo, tandaan mo yan Joe! Iyong pills iniinom mo ba?"
Kinuha ni Joe ang huling tissue sa lalagyan at sumingha bago sinagot ang kaibigan, "A-Ang hirap naman, ang hirap pakawalan ni Caven."
She saw her friend's eyes rolled, "Goodness, ang sarap yata talaga ng hayop na 'yan? Anyway, the pills Joe? Are you taking them regularly?"
Tumango si Joe, "Oo."
"Good! You better be. Mahirap na baka mabuntis ka, ayaw ko namang makasal ang best friend ko dahil lang nabuntis."
Magsasalita na sana si Joe nang marinig ang mga yabag papalapit sa kanyang kwarto tapos ay pagkatok sa kanyang pintuan.
"Joe, anak. Maghahapunan na."
"Opo, Dada." Sigaw ni Joe atsaka binalikan ang kaibigan, "MJ, I have to go. Good luck on your next competition!"
Ngumiti si MJ, "Thank you Joe, always know that I'm here."
"Thank you, MJ." Then she ended their call.
Bago lumabas si Joe ay naghilamos muna siya at sinigurong hindi mahahalatang umiyak siya, ayaw niya kasing mag-isip pa ang kanyang Dada Joey.
Normal lang ang inaakto ni Joe habang kasama sa hapag ang kanyang Dada Joey.
"Hindi ba dapat ngayon palang ang balik ninyo ni Caven?"
"Opo. May emergency po kasi si Caven." Sagot naman ni Joe.
Pagkatapos kumain at tulungan sa pagliligpit ang kanyang Dada Joey ay bumalik si Joe sa kwarto, eksakto naman ay nadatnan niyang nagriring ang kanyang phone.
Napangiti naman siya nang mabasa ang pangalan nang tumatawag, dali-dali niyang sinagot iyon. "Hi!"
Nadinig niya ang napakamanly na halakhak ni Caven, "Hi, baby! Missed me?"
Umakyat sa kama niya si Joe at niyakap ang isang unan, "I did. Nakauwi ka na ba?"
"Yeah. Sorry I wasn't able to drive you today."
Nang maalala ang dahilan bakit hindi siya naihahatid-sundo ni Caven ngayon ay nalungkot si Joe. Hindi sila nagkita ni Caven ngayon at kahapon dahil kailangan niyang samahan si Astra.
"Okay lang. Nahiram ko naman kay Dada yung Vios niya."
"Hey, Astra wants to meet you. Two days na lang siya rito sa Manila, so tomorrow I hope I could invite you in my unit? Let's have dinner here with Astra."
Naroong nagbunyi si Joe dahil sa wakas at mawawala na rin sa eksena si Astra, pero napasimangot din siya dahil kailangan niya pang makita ang babae.
BINABASA MO ANG
HRS2: Caught in a Hot Romance with the Savior
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Gaya ng ilang mga kababaihan, isa si Joe sa mga babaeng sobra kung magmahal, pero lintik lang, kung sino pang loyal at marunong magmahal ay ta...