8

4.7K 221 34
                                    

8

Napapatingin na sa kanyang relo si Joe, tinitignan niya kasi ang oras dahil baka mamaya hindi siya umabot sa birthday celebration ni Caven na gaganapin sa Towerex.

Nakasuot pa nga siya ng kanyang chef uniform, kahit Sabado ay kinailangang pumasok ni Joe dahil kinailangan niyang magsupervise dahil wala ang executive chef.

"Men's wear." Doon siya kaagad pumunta nang pumasok siya sa department store. Hindi kasi alam ni Joe ang ireregalo kay Caven. "Ang hirap naman niyang regaluhan, parang lahat meron na siya." Sabi niya sa sarili habang paikot-ikot sa Men's wear section.

Naroong napapatingin siya sa mga coat pero napapalunok naman siya kapag nakikita ang presyo ng mga high quality coat.

"Neck tie?" Mukhang nahanap na rin niya ang pwedeng iregalo kay Caven, tinignan niya ang mga Calvin Klein neck ties na nasa loob ng isang glass display box.

"For your boyfriend Ma'am?" The sales clerk asked.

"Ah, n-no. For a friend."

Ngumiti ang babae at may inilabas na mga neck tie mula sa glass display box, "These ties po are designed and made for the gentlemen."

Tinignan ni Joe ang tatlong disenyo ng neck tie. Matagal tumitig si Joe sa isang kulay grey na mini Oxford square slim silk tie.

Pasimple niyang tinignan ang presyo at natuwa naman siya nang makitang afford naman niya. Tinuro niya ang grey na tie, "This one please. Ahm, may gift bag kayo miss?"

"Yes, Ma'am. What color po ang gusto niyong gamitin?" Ipinakita niya ang klase ng mga CK gift bags.

"Iyong white na lang."

Mabilis na ibinalot ng sales clerk ang binili atsaka siya pinadiretso sa may counter para makapagbayad. Nang iabot sa kanya ang ibinili ay napangiti naman si Joe, "Sana magustuhan niya."

Hindi na siya nagbagal-bagal pa, dali-dali siyang lumabas ng mall para makauwi na kaagad at makapagprepare man lang sa birthday party ni Caven.

Dahil sabi ni Caven ay halos mga pinsan, kaibigan at barkada lang ang nandoon, okay lang ang casual na pananamit.

"Dada, okay na po ba 'tong suot ko?"

Lumabas siya ng kwarto at pinuntahan sa may kusina ang kanyang Dada Joey. Napatingin sa kanya ang kanyang Dada Joey na umiinom ng tubig.

Pinasadahan ng ama ang suot na white top at Aztec print skirt ni Joe.

"Maganda naman anak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Maganda naman anak."

Tinignan ni Joe ang sarili, "Sigurado po kayo?"

Humalukipkip ang kanyang Dada Joey, "Joe, baka nakakalimutan mo kung gaano kaganda ang genes ko, kahit ano pa yang suot mo, maganda ka na."

HRS2: Caught in a Hot Romance with the SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon