3
Puyat.
Iyan ang naging epekto nang ginawa ni Caven sa kanya kagabi. Alas sais ng umaga ay nagising na si Joe, kaninang alas tres na ng madaling araw siya nakatulog.
Paano ba siya makakatulog kung may naganap na indirect kiss sa pagitan nilang dalawa ni Caven?
"Ugh!" Ginulo-gulo niya ang buhok habang papasok sa banyo. "Hindi Joe. Wag bigyan ng meaning, diyan ka nadadali eh!" Pagpapaalala niya sa sarili.
Hanggang sa pagsisipilyo ay pinagsasabihan niya ang sarili. "Pagod ka na Joe di ba? Pagod na tayong makipagrelasyon na walang patutunguhan."
Inihanda ni Joe ang sarili. Nagsuot siya ng isang kupas na pantalon at isang malaking black t-shirt na tanging ang harap ng hem lang ang nakatuck in.
Paglabas niya sa kanyang kwarto ay napatingin si Joe sa kabilang kwarto. Pinakiramdam niya kung may mga pagyabag sa loob pero tahimik lamang. Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan para malaman kung mahimbing pa rin sa tulog si Caven.
Pagkakita niya sa loob ay maayos nang nakaligpit ang higaan at wala rin si Caven.
"Umalis na siya?"
Eh bakit parang disappointed ka?!
Pumunta si Joe sa second floor para makapag-almusal. Nadatnan niyang wala ring tao sa may dining area pero may food cover na nasa gitna ng lamesa.
Binuksan ni Joe iyon at nakita ang nakahandang champorado na mukhang mainit-init pa.
"Good morning."
"Ay!" Nahulog ni Joe ang hawak-hawak na food cover at napalingon sa likuran niya. Nasa harapan niya si Caven na nakasuot na ng polo shirt at maong na pantalon. "Nandito ka pa?"
Tumango naman si Caven, "Your Dada made champorado."
"Ah, oo nga." Umupo naman si Joe atsaka sinimulang kainin ang masarap na champorado. Napapikit si Joe dahil sobrang sarap nang inilutong champorado ng kanyang Dada Joey. "Mmm! The best talaga si Dada!" Hindi niya napigilang sabihin iyon kahit pa nakaupo sa tapat niya si Caven at tuwang-tuwa na pinapanood siya.
Maingat na nilulon ni Joe ang kinakain bago muling nagsalita, "Ikaw, kumain ka na ba?"
"Had some coffee with your Dada." Sagot naman ni Caven.
Itinuro ni Joe ang mangkok na may lamang champorado, "Hindi ka ba kumakain ng champorado?"
Umiling si Caven, "Barely. As much as possible, I avoid too much sugar intake."
Napanguso naman si Joe, "Health conscious talaga kapag doktor." Wika niya at pinagpatuloy ang pagkain ng almusal.
"You can say that."
"Ahm, panonoorin mo talaga akong kumain, Caven?" Nakaramdam ng hiya si Joe sa pagkain ng kanyang almusal dahil sa lalaking nakangiting pinagmamasdan siya.
Humalakhak si Caven at tumayo na, "I'm sorry. Hinintay talaga kitang magising."
"Huh? Bakit?"
"I just want to say thank you for inviting me here in your house."
Ngumiti naman si Joe, "Wala 'yun. Thank you din ulit sa pagtulong sa akin kagabi." Pasasalamat naman niya.
Akala niya ay aalis na ang lalaki dahil nakapagpasalamat na rin naman sila sa isa't isa. Pero nanatiling nakatayo sa tapat niya si Caven. "Ah, may kailangan ka pa ba?" Tanong ni Joe.
Nagtaka siya nang ilabas ni Caven ang phone at ipinatong iyon sa tapat ni Joe. "I need your contact number."
Natigilan naman si Joe at pinakatitigan si Caven, tinitignan kung seryoso ba ang lalaki sa sinasabi niya. "B-Bakit?"
BINABASA MO ANG
HRS2: Caught in a Hot Romance with the Savior
Storie d'amoreWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Gaya ng ilang mga kababaihan, isa si Joe sa mga babaeng sobra kung magmahal, pero lintik lang, kung sino pang loyal at marunong magmahal ay ta...