17 (SPG)
"Ano ba yung sasabihin ninyo? Kinakabahan ako, umagang-umaga."
Naramdaman ni Joe ang paghawak ni Caven sa kanyang kamay. Tumingala si Joe at nilingon ang lalaking katabi, nakangiti si Caven sa kanya atsaka tumango.
"Dada." Tawag ni Joe sa kanyang ama.
"Ano 'yun Joe anak?" Seryosong tanong naman ng ama habang palipat-lipat ng titig kay Joe at kay Caven.
Napahawak sa tiyan niya si Joe at malalakas ang tibok ng kanyang puso, "Buntis po ako, Dada. Magdadalawang buwan na po."
Taimtim na nakatitig si Dada Joey kay Joe, "At si Caven ang ama, ganun ba?"
Tumango naman si Joe.
"Yes, Tito. I'm the father of the baby." Nabaling ang titig ni Dada Joey kay Caven. "I will ma-
Hindi pinatapos ni Joe si Caven at dali-dali siyang nagsalita, "Pananagutan po ni Caven yung baby. Napag-usapan naman po namin na he will support the baby financially, kaya wala po kayong dapat ipag-alala, Dada."
Sa gilid ng mga mata niya ay kita ni Joe ang gulat na reaksyon ni Caven, binawi rin ni Joe ang kamay mula kay Caven atsaka nilingon ang katabi.
Nginitian ni Joe si Caven na salubong ang kilay, dahil sa pagsisinungaling ni Joe. "You don't have to marry me, right? Kasi, susuportahan mo naman iyong anak natin."
"Vanna, what are you-
"Hindi kayo magpapakasal?"
Ang tingin nina Joe at Caven ay nabaling sa Dada Joey niya.
Akmang ibubukang muli ni Caven ang kanyang bibig pero inunahan ulit ni Joe ang binata, "Hindi po. Hindi kami magpapakasal. Pero aakuin naman po ni Caven yung bata, Dada." Nilingon ni Joe si Caven na halatang hindi gusto ang mga sinasabi ni Joe. "Di ba, Caven?"
Hindi sumagot si Caven at titig na titig lamang kay Joe. Dahil hindi kaya ni Joe ang titig na iyon ay hinarap niya ang kanyang Dada Joey, nagulat si Joe nang makitang malungkot na nakatingin ang Dada Joey niya sa kanya.
"Kung iyan ang desisyon ninyo, walang problema sa akin. Ang mahalaga ay tatanggapin ni Caven ang responsibilidad niya sa bata."
Ngumiti si Joe. "Opo, Dada."
"Maiwan ko muna kayo dito sa taas, kailangan kong buksan iyong flower shop. Naghanda na ako ng almusal, kumain na kayo." Hinalikan siya sa pisngi ng kanyang Dada Joey habang tinapik naman ang balikat ni Caven.
Nang makaalis ang kanyang Dada Joey ay dali-daling pumasok si Joe sa kwarto niya, akmang isasara na niya iyon pero humarang ang braso ni Caven.
Nanlaki ang mga mata ni Joe nang makita ang naipit na braso ni Caven. "C-Caven! Ano ba?!" Binuksan niya ulit ang pinto.
"What the hell was that Vanna?!"
Nakaramdam ng takot si Joe nang makita ang galit sa mga mata ni Caven at ang pagtaas ng boses niya. Napaatras tuloy siya at napahawak sa kanyang tiyan.
Nang makita siya ni Caven na gawin iyon ay biglang lumambot ang kanyang titig atsaka pumasok nang tuluyan sa kwarto ni Joe. "I'm sorry. I did not mean to scare you."
Magsasalita na sana si Joe nang maramdamang maduduwal siya. Tumakbo siya kaagad sa banyo, lumuhod sa tapat ng toilet bowl at dumuwal.
Habang dumuduwal ay naramdaman niya ang pagsiklop sa kanyang mahabang buhok at ang paghaplos sa kanyang likuran.
Pagkalingon niya ay eksaktong lumapit ang kamay ni Caven na may hawak na tissue at pinunasan ang kanyang bibig, "Lagi ka bang ganito sa umaga?" Malamyos na tanong niya at seryosong pinupunasan ang labi ni Joe.
BINABASA MO ANG
HRS2: Caught in a Hot Romance with the Savior
Roman d'amourWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Gaya ng ilang mga kababaihan, isa si Joe sa mga babaeng sobra kung magmahal, pero lintik lang, kung sino pang loyal at marunong magmahal ay ta...