21
"Good job, Mommy!"
Malapad ang ngiti ni Joe habang nakatitig sa kanyang ob-gyne. It is her eighth month already and just few more weeks, she's giving birth to their baby boy!
Joe's tummy became even more bigger and rounder, and her pregnancy suits her because of the rosy complexion and glow seen in her.
"Sobrang active po ni baby, he kicks and reacts a lot, yet he also knows when to behave." She added.
She felt a gentle squeeze on her hand. She motioned her head on the side to see the man who is holding her hand. Napangiti si Joe nang sumalubong sa kanya ang nangingislap na mga mata ni Caven, ang kanyang asawa.
"Malapit nang lumabas si baby, Daddy."
Tumango si Caven at hinalikan siya nang mabilis sa labi. "Yes, Mommy. Baby Keevan is going to be with us soon."
"Oh, Keevan? Is that the name of this healthy little angel?" The doctor asked and the both of them nodded.
"Yes, Doc. We will name our baby, Keevan Khlaine." Caven added.
The doctor chuckled as she handed the sonogram copy, "Two copies just like what you usually ask."
Nakangiting pinagmasdan niya si Caven na nilalagay sa wallet ang isang kopya ng sonogram, "Thank you po." Magalang na sabi ni Joe atsaka nakinig pa sa ilang habilin ng babaeng doktor.
Pagkatapos ng kanyang check-up ay nanatili muna sila sa clinical office ni Caven, may pasyente lang siyang kailangang asikasuhin tapos ay uuwi na sila.
"Sigurado akong sobrang pogi niyang si baby Keevan, Ma'am Joe." Kasalukuyan siyang kinakausap ng secretary ni Caven na si Micah. Inihabilin kasi siya ng asawa sa assistang para mabantayan at para di mainip, "Gwapings ang Daddy eh! Tapos, ang ganda-ganda mo!"
Humalakhak si Joe at hinaplos ang kanyang malaking tiyan, "Sana di magmanang babaero gaya ng Daddy, nako, mapipingot ko siya."
Nakitawa rin si Micah, "Pwede po bang pahaplos?"
"Sure."
Marahang ipinatong ni Micah ang kanyang kamay sa tiyan ni Joe, pareho silang napasinghap dahil naramdaman nila pareho ang pagsipa ng bata.
"Whoa! Baby Keevan, aren't you a good kicker?" Namamangha sabi ni Micah.
Napangiti si Joe dahil sa reaksyon na iyon ni Micah, "Kayo ba ni Harriet may balak about sa ahm, pagkakaroon ng anak?"
Joe is aware about Micah's gender identity. She is a lesbian and currently in a relationship with a beautiful girl names Harriet, if Joe is not mistaken that Harriet girl is Dr. Zander Menendez's assistant and secretary too.
"Hindi namin napag-uusapan, pero baka mag-ampon kami. Bahala na." Nakangiting sabi ni Micah atsaka muling hinaplos ang tiyan ni Joe.
Nadatnan silang ganun ni Caven, napangisi si Joe dahil sa sobrang lakas nang pagtikhim ng asawa dahil sa nakita niyang hinahaplos ni Micah ang tiyan ni Joe, "Asawa ko yan, pare."
Natawa nang malakas si Joe at Micah. "Caven, sira ulo ka talaga!"
"Hay nako, boss. Papakamatay ka siguro kapag hiniwalayan o iniwan ka ni Ma'am Joe." Pang-aasar naman ni Micah bago lumabas sa opisina ni Caven.
"Are you done?" Joe asked.
Ngumiti si Caven atsaka tinabihan si Joe sa couch at tinapat ang kanang tenga sa tiyan ni Joe, "Hey, baby Keevan. Daddy is back."
BINABASA MO ANG
HRS2: Caught in a Hot Romance with the Savior
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Gaya ng ilang mga kababaihan, isa si Joe sa mga babaeng sobra kung magmahal, pero lintik lang, kung sino pang loyal at marunong magmahal ay ta...