2

5.6K 246 25
                                    

2

"Anong gagawin natin?"

"Sasabihin ba natin kay Chef Joe?"

Kapapasok lang ni Joe sa pastry section ng kitchen nang maulinigan niya ang dalawa niyang commis na nagbubulungan at halatang nababahala.

"Ano 'yon?"

Nagtaka naman si Joe dahil sabay napatalon ang dalawang commis chefs nang makita at marinig siya.

"C-Chef!" Sabay pa na wika ng dalawa at nauutal pa.

Humalukipkip si Joe, "May hindi kayo sinasabi sa akin?" Naningkit ang mga mata niya.

Nagkatinginan ang dalawa at akmang magsasalita na sana nang humahangos na pumasok ang server nila.

"Chef Joe! Chef Joe!" Halos magkandulas-dulas ang lalaking dumating.

"Ano ba yun?" Nagsisimula na ring kabahan si Joe.

Itinuro ng lalaki ang pintuang kasasara lang, "Nasasabon po si Chef Lau ng isang guest! French po yata iyong guest."

"Iyon po sana iyong sasabihin namin Chef Joe. Pinapahiya po niya ngayon si Chef Lau at pilit kayong gustong makausap."

"Ano?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Joe.

Dali-dali siyang lumabas ng kitchen area atsaka naman sumunod ang ilan niyang staff na handle niya sa pastry section.

"Stupid! This is not profiteroles! Stupid stupid!" The French-looking man kept on hitting the top of the table.

Doon na nagmamadaling lumapit si Joe. "Excuse me, Sir."

Napalingon sa kanya ang mainit ang ulo na guest, pati ang babaeng kasama niya ay napatingin sa kanya. "Oh good, are you the head of this stupid chef?" Dinuro pa ng guest ang kanyang masipag at magaling na commis chef na si Chef Lau.

Bumuntong-hininga si Joe at pinilit ngumiti, "I am the station chef for the pastry section of The Panorama's restaurant."

The guest smirked, "Oh really? Then you don't deserve it. Everything is a mess, you don't lead them well."

Nadinig niyang nagsinghapan ang mga nanonood, maging ang mga tauhang kasama niya. Pinilit pa ring kumalma ni Joe, "I am deeply sorry for anything that dissatisfied you, Sir. May I know your concern with our employee here?" Hinawakan niya sa balikat si Chef Lau at pinisil para kahit papaano ay mapagaan ang kanyang pakiramdam.

Humalakhak lang ang lalaki habang ngumisi ang babae na halatang matapobre. "I am definitely dissatisfied because of this stupidity. Look." Itinuro niya ang isang pastry na inihanda ni Chef Lau. "I ordered profiteroles and look what you served. This is far away from the profiteroles I see in our country."

Eh di bumalik ka na diyan sa bansa mo! Gago!

Ngumiti pa rin nang pagkaganda-ganda si Joe, nakita niyang natigilan ang lalaki at ang babaeng kadate ay tumikhim at masamang tinitigan si Joe.

"Sir, I can really see that you are not satisfied with how we serve this French pastry. We were not aware that there is a variety of preparing such pastry causing us not to meet your expectation. Rest assured, we will learn from this. Is there anything that we can do to ease the disappointment we gave you?"

Nagkatinginan ang magkasintahan nilang guest tapos ay ngumisi ang lalaki sabay turo kay Chef Lau, "I don't want to see him here anymore."

Napaangat ang mukha ni Chef Lau dahil sa sinabi ng guest, "S-Sir, I don't think that's necessary. Chef Lau did not make any violations." Pagtatanggol ni Joe.

HRS2: Caught in a Hot Romance with the SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon