10
"Dada, alis na po ako!" Mabibilis na hinalikan niya sa pisngi ang kanyang Dada Joey.
Nangunot ang noo ng kanyang Dada Joey dahil sa pagmamadali ni Joe, "Joe, ang aga mo yatang pumapasok ngayon?" Napatingin sa relo niya ang kanyang Dada Joey. "Mag-a-alas siete pa lang. Isang linggo ka ng ganito kaaga pumapasok sa Panorama."
Iniwas ni Joe ang mukha sa naniningkit na mga mata ng kanyang Dada Joey, "M-Maaga na po pasok ko ngayon."
"Hmm, talaga? Malapit ko na kasing isiping parang may iniiwasan kang makita."
"Wala po!" Sumimangot si Joe, "Alis na nga po ako. Dami-dami mo pang sinasabi Dada."
"Oh sige, mag-ingat ka anak!"
"Bye!"
Nagmamadaling pumasok si Joe sa kanyang Navara at pinaharurot iyon. Nang makalayo na siya sa building ay nakahinga nang maluwag si Joe at bumagal na ang pagpapatakbo niya sa kanyang sasakyan.
"Nakakahalata na si Dada." Sabi pa niya habang pokus ang titig sa daan.
Pagkadating niya sa Panorama ay dumiretso siya sa may locker room para makapagpalit ng kanyang chef uniform.
Habang sinusuot ang kanyang chef hat ay nadinig niya ang message tone ng kanyang phone. Nang tignan niya iyon ay sumimangot siya.
From: Caven Fraser
Vanna? Maaga ka na namang umalis?"Pakialam mo." Inis sa sabi niya.
Muli ay nagtext na naman si Caven sa kanya, sa katunayan ay araw-araw na nagpapadala ng messages si Caven sa kanya pero hindi iyon sinasagot ni Joe. Pati mga tawag ni Caven ay hindi niya sinasagot.
From: Caven Fraser
Isang linggo na kitang hindi nakikita, pati weekends wala ka sa bahay.Why won't you reply to my messages? You won't even answer my calls. You're scaring me, Vanna.
I guess you are really busy. Take care, redhead. I hope to see you soon.
Ang inis na mukha ay unti-unting napalitan ng guilt. Bumuntong-hininga na lamang si Joe at napagpasyahang i-off muna ang kanyang phone.
Gaya ng dati ay nilulunod ni Joe ang sarili sa trabaho para hindi sumagi sa isip niya si Caven. Joe will not deny it, she misses him. Minsan nga ay natetempt na siyang sagutin ang mga messages o mga tawag ni Caven sa kanya.
Pero kung gusto niyang iligtas ang sarili mula sa kabiguan, ay dapat na siyang umiwas, bagay na hindi niya nagawa sa mga nakarelasyon.
"Chef Joe, ayos ka lang ba?"
Napatingin siya sa katabi niyang si Chef Lau. Kasabay niya kasing naglalakad palabas ng Panorama si Lau, kakaout lang nila sa trabaho at ngayon ay pauwi na sila.
Ngumiti si Joe, "Ayos lang ako."
"Hindi ka madaldal eh, brokenhearted ka na naman ba?"
Umawang ang bibig ni Joe, "Ako? Brokenhearted? Paano mo naman nasabi?"
Humalakhak naman si Lau, "Eh kasi nananahimik ka lang kapag nakipaghiwalay ka sa mga nagiging boyfriend mo."
"G-Ganun ba ako?"
Tumango si Lau, "Oo. Ang tagal na kitang katrabaho sa Panorama, kaya alam namin kung anong kilos mo kapag sawi ka na naman sa pag-ibig."
Parang nahiya naman si Joe, mukhang ang lagay eh, alam ng mga kasamahan niya sa Panorama kung gaano kafail ang kanyang love life.
BINABASA MO ANG
HRS2: Caught in a Hot Romance with the Savior
Roman d'amourWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Gaya ng ilang mga kababaihan, isa si Joe sa mga babaeng sobra kung magmahal, pero lintik lang, kung sino pang loyal at marunong magmahal ay ta...