23

5.1K 183 27
                                    

23

Mumunting tawa ang naririnig ni Joe sa kanyang paligid. Sa munting boses na iyon ay napapangiti na rin si Joe at dahan-dahang idinilat ang mga mata.

Nakatagilid siya ng higa sa kama kaya unang bubungad sa kanya ang mga hita na alagang gym, hanggang sa umangat ang titig niya at nakita ang dalawang gwapong nilalang na nakangiti sa kanya.

"Good morning." Bati ni Joe atsaka bumangon at idinikit ang likuran sa backrest ng kama.

Sumampa sa kama si Caven na kalong-kalong ang anak nilang si baby Keevan. "Kiss your mommy, Keevan."

Inilapit ni Joe ang pisngi sa anak pero imbes na halikan ay dinilaan siya ng anak. "Ugh, Keevan." Daing ni Joe tapos ay sabay na humalakhak ang ama.

"Di pa marunong humalik si Keevan." Sambit ni Caven at siya naman ang sumunod na lumapit kay Joe para halikan sa labi. "Good morning, baby."

Napangiti si Joe at hinalikan din si Caven. "Maaga kang nagising?"

Tumango si Caven, "Umiiyak si Keevan, masarap pa tulog mo kaya ako na ang nag-asikaso."

Nang maalala ang dahilan bakit disoras na nakabangon si Joe ay siyang pag-iinit ng kanyang pisngi, tinignan niya ang sarili at doon lang niya napagtantong wala siyang saplot.

"Hindi mo man lang ako binihisan." Asar na sambit niya atsaka hinila ang kumot pataas para man lang matakpan ang dibdib niya.

Kinagat ni Caven ang ibabang labi, "I was about to dress you up, but I suddenly had the desire to hug you naked."

Sinamaan niya ng tingin ang asawa atsaka bumangon. Nadinig niya ang pagsipol ng asawa habang naglalakad siya patungong banyo.

Nang makapasok sa banyo ay tinignan niya ang sarili sa harapan ng salamin. Kitang-kita niya ang iilang marka na iniwan ng asawa sa kanyang leeg, balikat, dibdib at braso. Tumalikod siya at kita niya ang pamumula ng pisngi ng kanyang pang-upo.

"Hayop." Iiling-iling na sabi niya at nagsimulang maligo dahil ramdam niya ang panlalagkit lalo na sa kanyang mga hita.

Pagkalabas niya ay wala na ang kanyang mag-ama, halos magtatanghalian na pala kaya nagmadali si Joe na magsuot ng kanyang pambahay at lumabas sa kwarto.

"Caven?"

"We're here, Vanna!" Nadinig niya ang boses na nagmumula sa kusina.

Napangiti naman siya nang makita sila sa kusina. Si baby Keevan ay nasa high chair at pinapanood ang kanyang Daddy Caven na nag-aayos sa dining table.

"Maupo ka na."

Tinabihan ni Joe si baby Keevan na busy sa paglalaro sa bagong plushie, isang elephant na may pagka-Thai ang disenyo.

"Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ni Joe nang magsimula na silang kumain ng pananghalian.

Umiling si Caven, "Sa Lunes na ang pasok ko. Dr. Aleta told me to rest."

Natuwa naman si Joe, "Huwebes pa lang ngayon. It's going to be a long weekend for you then."

Nginitian at tinanguan siya ni Caven, "Yes. Marami akong bonding time sa inyo ni Keevan, at siyempre sa'yo." May pakagat pa ng ibabang labi si Caven sa huling sinabi.

Inangat niya ang isang kilay, "Caven, we just made love like ..." tinignan niya ang digital wall clock na nasa dining room, "eight hours ago. Wala pang beinte-kuatro oras nung matapos tayo."

Humalakhak si Caven, "Then choose number one or two."

"Whatever! Not today, masakit pa." Pinagdikit niya ang mga hita dahil ramdam niyang mahapdi pa ang ibabang parte ng kanyang katawan.

HRS2: Caught in a Hot Romance with the SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon