11 (SPG)
Ang maiinit na hangin sa may leeg ni Joe ang nagpamulat sa kanyang mga mata. Tumambad sa kanya ang di pamilyar na kisame, doon lang niya napagtanto na nasa condo pala siya ni Caven, ang lalaking mahigpit na nakayakap sa kanya at mahimbing pa rin ang tulog.
Napangiti si Joe nang masilayan niya ang kalmadong mukha ni Caven. She uses the tip of her index finger to trace those fade and tiny moles on Caven's face and neck. "Pogi." Mahinang sabi niya tapos ay dumapo ang titig sa bahagyang nakaparte na mga labi ni Caven.
Parang uminit yata ang temperatura sa kwarto ni Caven nang masilayan ang mapulang labi ni Caven. "Kaya pa ba Joe?" Bulong niya sa sarili at maingat na humiwalay kay Caven.
Pagkabangon ni Joe, pinalitan niya ang suot na silk nightgown ng oversized shirt at cotton shorts. Pagkatapos maghilamos ay iniwan niya muna si Caven na mahimbing pa rin ang tulog at lumabas para maghanda ng almusal nilang dalawa.
Hindi maiwasang mamanghang muli ni Joe sa interiors ng unit ni Caven, naroroon naman iyong pagkukumpara niya sa estado nilang dalawa ni Caven, "He is definitely rich and successful." Iyon na lamang ang nasabi niya habang pinagmamasdan ang living room ni Caven.
Nakaramdam ng kaunting lungkot si Joe sa tuwing napagtatanto niya kung gaano kalayo ang agwat nila ni Caven.
"Hindi ko kaya siya mahihila pababa?" Bulong niya. Mabilis niyang iniling ang ulo, pinapalis ang pangit na ideya sa kanyang isipan. "You're overthinking Joevannia Khlaire." Wika niya sa sarili at dumiretso sa kusina.
Halos papasikat palang ang araw kaya medyo madilim sa dinadaanan ni Joe, pero sigurado siyang ang dinadaanan ay papunta sa kusina na kadugtong ng dining room ng unit.
"Saan ba ang switch ng ilaw dito?" Nasa may bukana si Joe pero hinahanap niya ang switch para lumiwanag. Naglakad siya nang naglakad kaya tuluyan na siyang nakapasok sa kusina, laking gulat niya nang biglang nagliwanag sa buong kusina at dining.
Hawak-hawak niya ang dibdib at nilibot ng tingin ang paligid pati likuran niya. Tinangka niyang lumabas at nang gawin niya iyon ay namatay ang ilaw sa may kusina, doon niya napagtantong motion activated ang ilaw doon.
Pagkapasok niya sa loob ay muling bumukas ang mga ilaw, "Galing!" Napapantastikuhang sabi niya dahil napakahigh tech ng lighting system ni Caven sa kanyang unit.
Pinagmasdan naman niya ngayon ang interiors ng kusina, wala namang gaanong nagbago rito noong huling punta niya. Maganda at mamahalin pa rin ang dating!
"Okay, ano kayang iluluto ko?" Binuksan niya ang double-door refrigerator ni Caven, bumungad sa kanya ang stocks ng gulay, prutas at iilang fresh meat. "Healthy-eater talaga." Sabi na lamang ni Joe at kumuha ng chorizo sausage, itlog, patatas at rekados na kailangan niya para magluto ng chorizo breakfast hash.
Nang matapos sa niluluto ay sunod niyang hinanda ang madalas na iniinom ni Caven kapag umaga, black coffee.
Habang busy si Joe sa pagkalikot sa coffee maker ay napatalon siya dahil sa makikisig na brasong pumaikot sa kanyang baywang, "Good morning, baby." Napangiti siya nang marinig ang tila napapaos na boses ni Caven.
Tumingin siya sa kanan niya para kintalan ng halik sa labi si Caven, "Morning! Ready na yung breakfast natin, ginagawa ko na lang 'tong black coffee mo."
Binaon ni Caven ang mukha sa leeg ni Joe, di maiwasang humagikgik ni Joe dahil nakikiliti siya.
"I'll prepare your milk then."
"Okay."
Nang matapos na sa kape ni Caven ay dumiretso na si Joe sa may dining table kung saan nakahanda na roon ang kanilang pagkain.
BINABASA MO ANG
HRS2: Caught in a Hot Romance with the Savior
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Gaya ng ilang mga kababaihan, isa si Joe sa mga babaeng sobra kung magmahal, pero lintik lang, kung sino pang loyal at marunong magmahal ay ta...