6
"Dada, saglit lang ha? Kakausapin ko lang si Caven."
Hinablot ni Joe ang kamay ni Caven atsaka siya hinila palabas. Nakakita ng isang pasilyo si Joe at doon niya hinila si Caven.
"Okay, pwede na rito." Pagkatingala ni Joe ay nangunot naman ang noo niya nang makitang nakangisi si Caven. "What are you smirking at?"
"Nothing." He answered still smirking at her.
Joe blew out some air, "Caven, hindi mo dapat sinabi yun." Panimula niya.
Humalukipkip naman si Caven, "Ang alin?"
"Iyong kanina." Hindi masabi-sabi ni Joe ang mga salitang lumabas sa bibig ni Caven.
"Why won't you say it Vanna?"
She chewed her lower lip, "Just stop kidding around Caven. It was a joke right?" She chuckled but it was a fake one because she is really nervous, "That you wanted to court me."
Nawala ang ngisi sa mukha ni Caven. Ang kanyang mga labi ay tuwid at ang mga mata ay seryoso, "Do you want it as a joke?"
She swallowed a lump in her throat, "Yes."
Nagbaba ng titig si Joe dahil hindi niya makayanan ang malalim na paninitig ni Caven, "Right, it was a joke."
Napalingon si Joe at kalaunan ay napangiti, "I knew it!" Tumawa pa siya at may kasamang hampas sa braso ni Caven, "I know right there and then that you were just joking." Napapunas sa kanyang sentido si Joe dahil may namuong butil ng pawis, "Phew! Balik na tayo?"
Tumango naman si Caven, "Yeah, balik na tayo."
"Okay!" Masayang sabi niya.
Hinayaan muna siya ni Caven na maunang maglakad. Nang mapunta sa likuran niya si Caven ay nawala ang ngiti sa mukha ni Joe.
It's better this way Joe. Caven is too much for you.
Matapos ang isang oras ay siyang dating naman ni MJ na bitbit ang ilang gamit ni Joe at ng kanyang Dada Joey, namili rin ng groceries si MJ para sa kanila.
"Thank you, MJ." Pasasalamat niya sa kaibigan habang inaayos nila sa pantry ang mga groceries na binili.
"Wala 'to, Joe. Magiging okay lang ba si Tito?" Bakas din ang pag-aalala sa hitsura ni MJ habang nakatingin sa kakatulog lang na si Dada Joey.
"I hope so. Pumayag ako doon sa evaluation na sinasabi nila para hindi lumala."
Tumango naman si MJ at hinawakan ang kamay ni Joe, "I'm always here, okay?"
She smiled at her best friend. As she looks at MJ, Joe noticed something on the left side of her neck. "What's that?" She used her index finger to point at that small and reddish mark.
Napahawak si MJ doon at nanlalaki ang mga matang nakatitig kay Joe, "Nakamot ko."
Naningkit ang mga mata ni Joe dahil sa tila nakakita ng multo na hitsura ni MJ, "Oh really?" Joe is having an idea on her mind.
"Ang kulit! I accidentally scratch it." MJ defended.
Humalakhak si Joe, "Nanggigil yata sa'yo."
"Joe!"
Joe raised her both hands, "Alright, I'll stop saying that you've got a love bite on your neck."
"Shit!"
Joe laughed at her friend again and hugged her. "Tell me about him when you're ready, MJ."
Bumuntong-hininga ang kaibigan niya at tumango, "I wish I could, it's just a one-night stand Joe. Not worth of telling."
BINABASA MO ANG
HRS2: Caught in a Hot Romance with the Savior
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Gaya ng ilang mga kababaihan, isa si Joe sa mga babaeng sobra kung magmahal, pero lintik lang, kung sino pang loyal at marunong magmahal ay ta...