1
"Grab driver ka ba talaga?"
Napalingon si Joe sa katabing naglalakad, "Ah, hindi. Iyong father ko talaga, sideline niya yun. Nagkataon lang na nagkahypertension siya kaya ako iyong nagmaneho ng Vios niya kagabi." Mahabang sagot niya.
Tumango-tango naman si Ivan sa kanya, "I see." Tumawa ang lalaki bago muling nagsalita, "Please do not get me wrong. Nakakagulat lang talaga kasi, I mean parang hindi nagmamatch iyong hitsura mo sa pagiging Grab Driver."
Nakitawa na rin si Joe, "Chef talaga ako, Doc."
"That's nice!"
Lumiko sila hanggang sa makita ang isang malaking double glass door, kitang-kita ni Joe sa kinalulugaran kung gaano kalaki at kalinis ang cafeteria ng hospital.
Grabe parang iyong sa napapanood ko sa Kdrama, ang ganda ng cafeteria!
Hindi niya tuloy masabi kung nasa cafeteria ba talaga siya o sa isang napakagandang restaurant. Ang ganda kasi ng interior design.
"Ang ganda naman ng cafeteria niyo." Di na niya maiwasang sabihin iyon kay Ivan.
"Well, it's Foillan-Griffin that's why. There he is, si Doctor Fraser."
Nawala bigla ang ngiti sa mga labi ni Joe at napalitan iyon ng kabado at medyo natatarantang hitsura.
What's wrong Joe? Why are you acting like this?
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili habang papalapit sila sa lalaking nakaupo sa pandalawahang lamesa.
Di na naman niya maiwasang purihin ang lalaki. Hindi na lasing ang lalaki kaya mas lalong fresh at maaliwalas ang hitsura ng lasing na lalaki na inihatid niya sa Towerex kagabi.
Ginawa lahat ni Joe para lang matitigan ang lalaki na titig na titig sa kanya.
"Caven, this is Joe. She was the one who drove you back home last night." Pakilala ni Ivan habang magkatitig silang dalawa ni Caven.
Humigpit ang kapit ni Joe sa strap ng kanyang bag nang ngumiti ang lalaki at nilahad ang kanyang kamay, "Hi! I'm Dr. Cavender Fraser."
Napatingin pa si Joe sa katabi niyang si Ivan na napasipol dahil sa ginawang pagpapakilala ni Caven. Tinanggap naman ni Joe ang kamay ni Caven at nginitian siya, "Hi po. I'm Joe."
"Joe? Why Joe?" Curious na tanong ni Caven na hindi pa rin pinapakawalan ang kamay ni Joe.
"Ah, Joevannia po kasi ang full name ko. They call me Joe for a shorter one." Paliwanag naman niya habang patuloy sa pakikipaghandshake sa lalaki.
Humalakhak si Ivan sa tabi nila, "Pare, di kaya mamawis ang kamay niya. Bitaw na. Alam ko maganda siya."
Nag-init naman ang pisngi ni Joe dahil sa sinabi ng lalaki kaya siya na ang unang bumitaw, nakita niyang matalim na tinitigan ni Caven si Ivan na humahalakhak pa rin. "Di ba may gagawin ka pa Ivan?"
Natigil sa paghalakhak si Ivan, "Ako? It's my bre– ah, oo nga. May pasyente pala ako niyan."
Umangat ang isang kilay ni Joe dahil sa biglang pagbawi ni Ivan sa sasabihin kay Caven. Ibinalik niya sa normal na pwesto ang kilay nang lumingon si Ivan sa kanya, "Hey Joe, since nandito naman na iyong hinahanap mo, I guess it is my time to leave you with Caven."
"Ah, t-thank you po Doctor Marco."
"Just call me Ivan, drop the formality." Huling wika ni Ivan atsaka umalis na sa cafeteria.
BINABASA MO ANG
HRS2: Caught in a Hot Romance with the Savior
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Gaya ng ilang mga kababaihan, isa si Joe sa mga babaeng sobra kung magmahal, pero lintik lang, kung sino pang loyal at marunong magmahal ay ta...