12 (SPG)

6.3K 207 13
                                    

12 (SPG)

"Baby."

"Hmm." Ungol na sagot ni Joe at binaon ang mukha sa leeg ni Caven, nadinig niya pa ang mahinang halakhak ni Caven at hinalikan siya sa pisngi.

"Baby Vanna, baby ko, wake up now. We have work."

Idinilat ni Joe ang kanyang mga mata, sumalubong sa kanya ang nakangiting si Caven. "Good morning." Mahinang sabi niya at tinangkang gumalaw pero napangiwi siya nang galawin niya ang kanyang mga binti. "O-Ouch."

"Masakit pa ba? Wag ka na muna kayang pumasok?" Nag-aalalang sabi ni Caven sa kanya habang inaalalayan siyang bumangon.

"Kaya ko naman." Napasimangot siya nang tawanan siya ni Caven, "Anong tinatawa-tawa mo diyan?"

Niyakap siya ni Caven, "Wala, ang cute mo kasi. Pahalik nga." Mabilis na binaba ni Caven ang ulo at hinalikan sa labi si Joe.

Yumakap naman si Joe pabalik at inamoy ang matigas na dibdib ni Caven. "Magready ka na, magluluto na ako ng breakfast."

"Hindi na, ako na muna. You go and take a shower now. Halika, buhatin kita." Nang pangkuin siya ni Caven ay awtomatikong pinaikot ni Joe ang mga braso sa leeg ng kasintahan.

Nag-init naman ang kanyang pisngi dahil walang kahit anong saplot na suot si Joe habang si Caven ay nakasuot na sa kanya ang boxer brief.

Maingat siyang inilagay ni Caven sa bathtub na meron nang lamang tubig at napupuno na ng bubbles, she smelled luxury with the bubble soap used in the tub, she could smell Caven from that tub.

May ginhawang naramdaman si Joe nang maramdaman ang tubig mula sa tubig, may kirot sa pagitan ng kanyang mga hita pero kahit papaano ay naiibsan ang sakit.

"Better?" Caven asked then combed her hair using the spaces between his fingers.

"Hmm, thank you."

Hinalikan ni Caven ang kanyang noo bago siya tuluyang iniwan sa bath tub. Pagkaalis ng lalaki ay kinuha ni Joe ang loofah sponge at sinimulang gayurin ang kanyang katawan gamit yun. Napapikit naman si Joe at muling inalala ang maiinit na tagpo nilang dalawa ni Caven kagabi.

Pakiramdam niya ay naroon pa rin si Caven sa ibabaw niya at nakabaon ang sarili, pinagdikit tuloy ni Joe ang kanyang mga hita.

Idinilat niya ang mga mata at mabibilis na niyugyog ang ulo para maalis sa isipan niya ang nakakabaliw na pag-angkin ni Dr. Cavender Fraser sa kanya kagabi.

"He's really great." Usal na lamang niya at pinagpatuloy ang paglilinis sa katawan.

Nang makuntento na ay agad niyang pinindot ang drain lever ng tub at binuksang muli ang bathtub faucet para makapagbanlaw nang maayos.

After getting herself clean and fresh, she slowly stood up from the tub and covered her body with a white robe then twisted a towel on her head.

"A-Aray." Sa kanyang paghakbang ay muling kumirot ang ibabang parte ng kanyang katawan. "Harot pa, Joe. Harot pa." Sermon niya sa sarili atsaka lumabas na ng banyo.

Dumiretso siya sa walk-in closet, napangiti naman siya nang makitang may nakahanda ng undergarments doon, pati iyong chef uniform na sinusuot niya ay handa na rin.

Napahawak sa dibdib niya si Joe dahil ang bilis ng tibok niyon, "How could I not love you, Caven?" Sa kanyang pagngiti ay may halong lungkot at saya ang nababalot doon.

Maingat niyang isinuot ang kanyang mga damit, pagkatapos ay nagsimula naman siyang magpatuyo ng buhok bago lumabas sa may kusina.

Napasinghap naman siya nang madatnan niyang topless si Caven, mabuti na lang nakasuot na ng pajama ang lalaki. Naramdaman ng nobyo ang kanyang presensya kaya pumihit paharap sa kanya si Caven.

HRS2: Caught in a Hot Romance with the SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon