18
On her second trimester, Joe's baby bump became more evident. Hindi naman siya nahihirapang magbuntis, siguro dahil laging nandiyan si Caven na laging inaalalayan siya pati na rin ang kanyang Dada Joey.
Limang buwan na siyang buntis kaya naman hindi na siya pumapasok sa Panorama, kahit fit to work pa naman siya ay pinatigil siya ni Caven. Kaya naman nabuburyo sa bahay si Joe, mabuti na lang at dinadalaw siya ng kanyang best friend na si MJ na nakauwi na ng Pilipinas.
"Ang tanga mo Joe."
Sumimangot si Joe sa tinuran ng kaibigan na hinahaplos ang kanyang tiyan, "Baby, you heard that? Bad si ninang MJ mo!"
Humalakhak lang si MJ, "No, seriously, I mean how come you did not realize that multivitamins na yung naiinom mo? Nakaisa tuloy si Doctor Hunk sa 'yo."
"Ewan ko. Hanggang ngayon nga iniisip ko kailan kaya nagsimulang multivitamins na iyong naiinom ko."
"Hayaan mo na nga, happy ka naman, kasi ang yummy kaya ng Daddy nito." Hinaplos-haplos ulit ni MJ ang umbok ng tiyan ni Joe.
"Eh ikaw ba? Kailan mo balak sumaya ulit?" Nag-aalala si Joe para sa kaibigan, sa pagkakaalam niya ay naging fuck buddy na niya ng tuluyan iyong lalaking naka-ONS niya noong nakaraang taon.
Natigilan si MJ sa tanong na iyon ni Joe, "Huwag mo akong ihot seat."
"I want you to be happy too, MJ." Sinserong sabi niya at hinawakan ang kamay ng kaibigan.
MJ smiled but Joe knows there is sadness behind that smile, "I'll be fine, Joe. I'm enjoying, hindi ko lang talaga alam ngayon kung ano ang gusto ko."
Nagpatuloy lang sila sa pagkukuwentuhan, halos buong araw ding nandoon si MJ kaya naman kahit papaano ay nalilibang si Joe sa mga kwento ng kaibigan. Pagsapit ng hapon ay inaya naman siya ni MJ na pumunta sa mall.
"Saglit, tawagan ko muna si Caven." Inilabas ni Joe ang kanyang phone habang maingat siyang bumababa.
"Okay, I'll just ready my car."
Tumango si Joe atsaka idinial ang numero ni Caven, napangiti naman siya dahil isang ring lang at sumagot agad si Caven. "Caven!"
"Vanna? Hey, did something happen?"
"We're fine, okay kami ni baby Fraser. Dumating kasi si MJ at inaya niya akong pumunta sa mall? Ibibili raw niya ako ng maternity dress!" Excited na sambit niya.
Humalakhak naman si Caven, "Alright baby. Please take care, alright? Huwag mong kalimutang umuwi sa akin, hmm?"
Impit na napatili si Joe dahil sa panghaharot ni Caven sa kanya, "Baliktad! Ikaw kaya ang umuuwi sa'kin."
"Right, just take care, Vanna and baby Fraser. I love you both."
"Okay, I love you! See you later!"
"See you, baby."
Nang makababa si Joe sa may flower shop ay takang-taka siya nang makitang may mga kalalakihan ang nagpapasok ng sandamakmak na mga rosas.
Napansin din ni Joe na tila walang laman ang flower shop nila. "Dada? Anong nangyayari, nasaan iyong mga paninda mo?"
"May pumakyaw eh, heto nga at may order pa."
"Grabe! Dada, baka naman pwedeng makahingi kami ng balato ni baby Fraser." Biro niya at humalakhak lang ang kanyang ama.
"Aalis ba kayo ni MJ?"
"Opo, ililibre ako Dada! Alam mo naman ako, napapabangon sa ganyan." Sambit pa ni Joe at nakipagapir sa kanyang Dada.
"Oh sige na, aasikasuhin ko pa 'to. Tatlong trucks kasi 'to."
BINABASA MO ANG
HRS2: Caught in a Hot Romance with the Savior
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Gaya ng ilang mga kababaihan, isa si Joe sa mga babaeng sobra kung magmahal, pero lintik lang, kung sino pang loyal at marunong magmahal ay ta...