19
"Daddy, bilis! Gusto na naming pumunta sa pool ni baby Fraser." Nagmamadaling sabi ni Joe habang nakasuot ng isang bath robe, sa ilalim ng robe ay ang kanyang itim na maternity swimwear.
Sa wakas at lumabas na rin sa banyo si Caven, ang tagal kasi niyang magbanyo. "Vanna, you know I can't concentrate in the bathroom, my butt is under pressure." Reklamo ni Caven habang binubuhol ang tali ng kanyang suot na beach shorts.
Humagikgik lang si Joe, "Naghugas ka ba ng kamay?"
Umismid naman si Caven, "Of course!"
Pinaikot na ni Joe ang kanyang braso sa braso ni Caven atsaka na sila dumiretso sa may patio para makapagbabad sa kanilang infinity pool.
"Careful, Vanna." Maingat siyang inaalalayan ni Caven habang palubog na siya sa pool.
"Tama lang yung lamig ng tubig, Daddy!" Natutuwang sabi ni Joe habang nakababad na silang dalawa ni Caven sa pool. Lumipat sila sa may dulo para makita ang napakagandang view. "Ang ganda talaga!"
Naramdaman niyang pumaikot ang mga braso ni Caven sa kanyang baywang tapos ang mga palad ay hinahaplos-haplos ang kanyang tiyan. "We'll get a house like this, Vanna."
Iginilid niya ang ulo para makasalubong ang mukha ni Caven, "Talaga?"
Hinalikan siya sa labi ni Caven, "Ah-huh. Then we can make love in our own infinity pool."
Namula ang pisngi ni Joe tapos ay nilingon-lingon ang paligid dahil baka may makarinig sa kanila. "Sshh, quiet ka lang nga." Tinakpan niya pa ang bibig ni Caven.
Humalakhak lang si Caven atsaka tinanggal ang kamay ni Joe na tumatakip sa bibig niya, "You're blushing, Mommy Vanna."
"Who wouldn't blush when you just said that?" She rolled her eyes and watched the view again.
Lumayo si Caven sa kanya, naglakad sa may kabilang dulo si Caven para kunin ang kanyang phone at muling bumalik sa pwesto ni Joe. "You look so beautiful, let me take a picture of you."
"Okay." Inayos muna ni Joe ang kanyang buhok at inilipat iyon sa likuran niya.
"You look hot even when pregnant, look baby." Tumabi si Caven sa kanya para ipakita ang litratong kinuha niya para kay Joe.
Habang tinitignan niya ang litrato ay napasinghap si Joe nang haplusin ni Caven ang kanyang gitnang dibdib. "C-Caven!"
"Sorry, they just got bigger that I want to grab them."
Mukhang mali na ito pa ang piniling swimwear ni Joe. Ang neckline kasi ay plunging kaya naman lilitaw talaga ang cleavage ni Joe at bahagyang makikita ang gilid ng kanyang mga dibdib. "Lumayo ka nga, baka mamaya mahalay mo 'ko."
Idinikit niya sa dibdib ni Caven ang phone atsaka marahang tinulak, kailangang gawin ni Joe iyon dahil kaunti nalang ay maaakit na siya sa haplos at titig ni Caven.
BINABASA MO ANG
HRS2: Caught in a Hot Romance with the Savior
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Gaya ng ilang mga kababaihan, isa si Joe sa mga babaeng sobra kung magmahal, pero lintik lang, kung sino pang loyal at marunong magmahal ay ta...