16

4.7K 197 16
                                    

16

Pagkagising ni Joe kinabukasan ay masakit na pumipintig ang kanyang sentido. "O-Ouch." Daing niya ng siya ay bumangon.

Napangiwi din si Joe nang maamoy ang sarili, amoy alak siya. Tinanggal niya ang kumot na tumatakip sa kanyang katawan at doon niya napansing hindi siya nagpalit ng damit.

"Teka, sinong naghatid sa'kin?" Napasabunot sa ulo si Joe dahil sa sobrang sakit niyon lalo pa at tila may inaalala siya.

Pagkabangon niya ay napatigil siya sa paglalakad patungong banyo, napatingin siya sa ibaba niya nang maramdamang nanlalagkit ang kanyang mga hita at tila parang may nawawala yata sa kanya.

Pagkarating sa banyo para maligo ay nagulantang siya nang malamang wala siyang suot na underwear. "Shit! Where did it go?"

Napaupo si Joe sa nakatakip na toilet bowl. Pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi, ang alam lang niya ay kausap niya si Piolo tapos ay tumayo siya para umuwi.

"Yung manyakis, tapos..." Unti-unti ay nagiging klaro na kay Joe ang mga nangyari sa kanya kagabi hanggang sa nasapo ng palad ang kanyang bibig. "W-We did it in his car?"

Pinagdikit niya ang mga hita na medyo malagkit pa, nakikita niya ang sarili na nakakandong kay Caven habang gumigiling-giling sa ibabaw niya. "Oh my God! W-We had sex!"

Dahil sa nagugulantang si Joe sa mga kabaliwang ginawa niya kagabi ay binabad niya ang sarili sa ilalim ng shower. Di niya maiwasang mainis sa sarili habang nililinisan niya ang kanyang mga hita.

Ang pinagpapasalamat na lamang ni Joe ay ang consistent niyang pag-inom ng pills kaya kahit tinapos man ni Caven sa loob ay safe siya.

She acted normal after she went out of her room. "Hello po, Dada!" Masiglang bati niya at niyakap ang ama.

Pinaningkitan siya ng mata ng kanyang Dada, "Ikaw, bakit lasing ka kagabi? May pabuhat ka pa kay Caven."

Biglang kinabahan si Joe dahil mukhang nagkita ang kanyang ama at si Caven kagabi. "A-Ah, napasarap po kasi kwentuhan namin ni Kuya Piolo."

Inihapag ng kanyang Dada Joey ang isang broth para matanggal ang kanyang hangover. "Bakit ka ba kasi uminom Joe? Si Caven na naman ba? Dalawang buwan na rin kayong hiwalay ah."

"Hindi naman po." Tanggi ni Joe kahit isa rin si Caven sa dahilan bakit naglasing si Joe kagabi.

"Eh ano? May hindi ka sinasabi sa akin talaga eh."

Huminga nang malalim si Joe, "Dada, may sasabihin po ako pero wag po kayong mabibigla."

Umupo sa tapat niya ang kanyang Dada Joey, "Ano ba yun anak?"

Hinawakan niya ang mga kamay ng kanyang Dada Joey, "Nakita ko po si Mama sa Panorama kahapon, kasama yung pamilya niya. Mukhang nagbabakasyon po sila rito sa Pilipinas."

Pinagmasdan ni Joe ang reaksyon ng ama, tahimik lamang na nakatitig si Dada Joey sa kanya. "Paano ka nakasisigurong siya nga yun?"

"Dada naman, eh pareho kaya tayong stalker ni Mama. Siyempre alam na alam ko hitsura niya."

Hinawakan ng ama ang mga kamay ni Joe, "Kaya ba naglasing ka? Nakita mo sigurong masaya siya sa pamilya niya."

Marahang tumango si Joe. "Opo. Nainggit ako Dada. Pero alam mo po, kamukha ko nga siya Dada."

Napangiti ang kanyang ama at hinaplos sa mukha si Joe, "Oo. Kamukhang-kamukha mo anak, sobrang ganda. Diyosa! Kita mo, di ako makamove on sa Mama mo, tapos si Caven naman, sa'yo."

HRS2: Caught in a Hot Romance with the SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon