25 (The Final Chapter)

6K 220 25
                                    

25(The Final Chapter)

"Aalis ka Joe? Pagabi na ah."

Nilingon niya ang kanyang Dada Joey na bitbit si baby Keevan, "Opo. Pupunta lang po ako kay Caven."

Lumipat ang tingin ng ama ni Joe sa isang kulay brown na envelope na nakapatong sa kama niya. "Hahantong talaga diyan, anak?

Huminga nang malalim si Joe, "Kayo na muna po ang bahala kay Keevan. Hindi naman po ako magtatagal."

Inayos ni Joe ang suot na bohemian midi dress na kulay puti. Lumapit siya sa mag-lolo at hinalikan sa pisngi. "Pahiram muna po ng Vios, Dada."

"Mag-iingat ka Joe."

"Opo."

Habang nagmamaneho na siya papunta sa Towerex ay siyang pagtawag ni Caven. Lumunok siya ng ilang beses bago sinagot iyon gamit ang Bluetooth earpiece na nakalagay sa kanyang tenga.

"Hello?"

"Vanna, are you on your way here?" Mahinahong tanong ni Caven.

"Yeah. Be there in twenty." Mabilis lang naman kasi ang biyahe papunta roon tapos ay hindi pa mabigat ang daloy ng trapiko.

"Okay, you know the door's passcode right?"

"Y-Yeah." Paano niya makakalimutan ang passcode kung ang petsa ng civil wedding anniversary nila ang passcode.

"Alright, take care baby."

Umawang ang bibig niya dahil sa pagtawag sa kanya ni Caven sa kanilang endearment. Muntik pa siyang mawalan ng pokus sa pagmamaneho dahil sa gulat.

Hindi napapansin ni Joe ang mabilis niyang pagmamaneho kaya naman sampung minuto lang at nakarating na siya sa Towerex, masyado siyang napaaga sa ibinigay niyang oras kay Caven.

Naroong binati siya ulit ng mga staff ng building, malugod naman niyang binati pabalik ang mga naroon.

Nang matapat sa pintuan ay ginawa niya ang sinabi ni Caven, tinipa niya ang passcode at bumukas ang pintuan ng kanyang unit.

"Caven?"

Isinara niya ang pintuan muna bago hinanap si Caven. Pumunta siya sa dining room pero wala roon si Caven.

"Caven?"

"I'm here!" Naulinigan niya ang boses ni Caven sa master's bedroom kaya doon pumunta si Joe.

Dahil nasanay ay tuloy-tuloy lang na binuksan ni Joe ang pintuan ng master's bedroom. Kaya naman napasinghap siya at nanigas sa kinatatayuan nang makita si Caven na tanging tuwalya lamang sa ibaba ang saplot.

"I-I'm sorry." Nauutal na sabi niya habang pinagmamasdan ang bagong ligo na si Caven.

Caven smiled, "It's okay. Pasok ka." He pointed the edge of the bed. "Maupo ka."

Wala namang nagawa si Joe kung hindi sundin ang sinabi ni Caven. Di niya mapigilang purihin ang napakakisig na katawan ni Caven lalo pa at humalukipkip sa tapat niya ang lalaki.

"Ahm, m-magbihis ka muna."

"Ayaw kitang paghintayin, ang sabi mo importante yung sasabihin mo." Nakangiti pa rin si Caven, habang si Joe ay tila hindi na makahinga dahil sa katawang nakabungad sa kanya.

Klarong-klaro ang biyak na tiyan ni Caven tapos ang guhit pababa na hugis V. Hindi siya makapagconcentrate.

Huminga siya nang malalim tapos ay pinakita ang brown envelope na hawak, "Ipapa-

"Hold on, Vanna." Pinakita ni Caven ang hintuturo tapos ay naglakad papunta sa may nightstand table.

"Ah, ipapapirma ko sana 'to for our an-

HRS2: Caught in a Hot Romance with the SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon