7

4.5K 218 17
                                    

7

"M-Magkano ulit?"

Di maiwasang mautal ni Joe nang itanong niya ulit kay MJ kung magkano ang aabuting gastos kung ang isang tao ay nagundergo ng carotid endarterectomy, they tried to use Google so Joe would have an idea how much money she needs.

"The surgery itself is closed to fifty thousand pesos, Joe."

Tumango-tango naman si Joe, "Magkaiba pa iyong mga diagnostic test, hospitalization fee at follow up care tama ba?"

Tumango lang din si MJ sa kanya at hinawakan siya sa balikat, "Matutulungan naman kita sa gastos Joe. I'll pay Tito's surgical procedures."

Ngumiti naman si Joe, "May naipon naman ako MJ. Ang dami mo na masyadong naitulong sa amin, hindi pa namin tapos nahuhulugan iyong balanse namin doon sa building."

"Pero, Joe."

She held her best friend's hand, "MJ, it's fine. Lalapit naman ako sa'yo kapag hindi ko na talaga kaya. But this one, kaya ko pa naman."

Bumuntong-hininga ang kanyang kaibigan, "Okay. Basta, kapag kailangan mo ng pera lumapit ka sa akin kaagad, sa akin kaagad, okay Joe? Hindi ka naman mapapahiya sa akin."

"Alam ko naman 'yun, MJ. Thank you."

Napatingin sa relo niya si MJ, "Hey, I have to go. I need to check the construction site for the new franchise I availed."

"Ingat, MJ." She kissed her friend's cheek before opening the door for her.

Pagkaalis ng kaibigan ay malalim na bumuntong-hininga si Joe. Kailangan niyang gawin iyon dahil sa nalaman nilang dalawa ni MJ.

Habang nasa malalim na pag-iisip ay nadinig niya ang mahinang boses ng kanyang Dada Joey. Dali-daling lumapit si Joe sa kinalulugaran ng ama.

Mapapansin kaagad kay Dada Joey ang tahi sa bandang panga hanggang sa itaas ng breastbone. Nagising na sa wakas ang kanyang ama matapos ang surgery niya na ginawa ni Dr. Leo Sabalza.

"Dada?"

"J-Joe."

Medyo hirap sa paggalaw at pagsasalita pa si Dada Joey niya dahil sa incision. "Ssh, wag muna po kayo masyadong malikot Dada." Tinangka kasing bumangon ng kanyang Dada Joey, umabot din ng walong oras ang tulog ng kanyang Dada.

Kahit hirap ay ngumiti pa rin ang kanyang Dada Joey at tinapik-tapik ang braso ni Joe. Pinigilan ni Joe na maiyak habang nakatitig sa nanghihina niyang ama at ang sugat na medyo maga pa dahil sa fresh from surgery pa lang si Dada Joey.

"Ipapadala na po rito yung pagkain niyo, sigurado akong gutom na gutom na kayo." Nagkaroon pa kasi ng 6-hour fasting si Dada Joey bago siya dalhin sa operating room.

"M-Masakit ang leeg ko."

"Tiisin niyo muna po Dada, it might take a week or two po before the soreness fades. Pero may painkiller naman po kayong iinumin." Paliwanag niya sa kanyang Dada Joey.

Habang nag-uusap sila ay pumasok naman ang isang lalaking nurse na si Nurse Carl, "Hello po! Dr. Sabalza asked me for vascular assessment."

"Ah, sige."

Pinagmasdan lamang ni Joe ang nurse na gawin ang sinasabi niyang assessment tapos ay may nirerecord sa hawak na clip board. "Wala naman po bang shortness of breath, chest pain o headache Sir?"

Marahang umiling ang kanyang Dada Joey at itinuro ang kanyang leeg. Ngumiti ang nurse sa kanya, "Dr. Sabalza will be recommending you a painkiller po."

HRS2: Caught in a Hot Romance with the SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon