24

4.8K 179 21
                                    

24

Itinigil niya ang sasakyan sa may tabi, iyong hindi siya mapapansin pero sapat na para masilayan niya sa may balcony ng commercial building ang mga taong miss na miss na niya.

Napatingin siya sa kanyang relo, alas siete pa lang ng umaga, sigurado siyang maya-maya lang ay makikita niya roon ang kanyang mag-ina.

Bumuntong-hininga si Caven nang mapagtanto niya ang nangyayari, mag-iisang buwan na siyang ganito, pasulyap-sulyap lang araw-araw sa kanyang mag-ina tapos ay papasok na sa trabaho.

Tuwing weekends ay iniiwan naman ni Joe si Keevan sa Towerex. Iyon lang, ihahatid lang si Keevan tapos ay si Caven na lamang ang maghahatid pabalik kay Joe.

Matapos ang limang minuto ay nakita niyang bumukas ang malaking sliding window sa third floor ng building. Napaupo siya ng tuwid tapos ay ibinaba ang bintana ng kanyang sasakyan.

Something very warm touches his heart at the beautiful sight of his wife and their son, Keevan Khlaine. Malinaw sa mga mata ni Caven ang mga ngiti sa labi ni Joe habang kinikiskis ang ilong sa ilong ni Keevan.

Napangiti na rin si Caven pero nahahalo pa rin sa mata niya ang kalungkutan at labis na pangungulila, "I miss you, Vanna. Umuwi ka na sa'kin. Uwi na kayo." Mahinang bulong niya at nagpatuloy sa pagmamasid sa kanyang mag-ina.

Kaunti na lang at mababaliw na si Caven sa sitwasyon nilang dalawa ni Joe, lalo pa at nakatanggap siya ng balita mula sa kaibigan ni Joe na abogado, tama si Atty. Maleandrei Lastimosa. Nilapitan daw ni Joe ang abogado para magpatulong sa pagpapawalang bisa sa kanilang kasal.

Nang makareceived ng tawag si Caven sa malapit na kaibigan ni Joe ay sobra siyang nanlumo at nagpakalasing siya sa unit niya ng ilang araw.

Humigpit ang hawak niya sa manibela, "No, Vanna. I will never let you slip away." Nang makitang pumasok na muli ang mag-ina sa loob ay doon na pinaandar ni Caven ang kanyang sasakyan atsaka tumulak na papunta sa Foillan-Griffin.

Papasok sa ospital si Caven nang makasabay niya si Ivan. "Fraser, how you doing man?"

Bumuntong-hininga lang si Caven at pilit na ngumiti, "Hindi pa rin bumabalik si Vanna sa'kin."

Nakita niya ang paglungkot ng hitsura ni Ivan, "Galing ka na naman doon 'no?" Pati mga kaibigan niya ay alam ang pasulyap-sulyap ni Caven sa bahay nina Joe.

"Yeah. I have to do it because I will never have a complete day without seeing them. Alam mo namang ang mag-ina ko ang kumukumpleto sa mga araw ko."

Tinapik-tapik siya sa balikat ni Ivan, "Kailangan lang maliwanagan ng asawa mo, may inabot na bang papel sa'yo? You told me her lawyer friend sought his help for annulment."

Napahilot sa tungki ng kanyang ilong si Caven, "Wala pa siyang sinasabi. Gabi-gabi nga akong hindi makatulog kakaisip na baka mamaya kumatok na lang sa pintuan ko si Vanna tapos may ipapapirma sa'kin."

Tumango-tango ang kanyang kaibigan, "Hindi natin kasi masisisi si Joe, I mean she's been into a lot of failed relationships, at lahat iyon nabigo at nasaktan siya dahil sa pangmamaliit ng mga pamilya ng nakarelasyon niya, tapos iyong ginawa pa ng mga Young." Napatango naman si Caven habang patuloy na pinapakinggan si Ivan, "Kaya pakiramdam niya nakakapagod siyang mahalin o kaya hindi ka niya masisisi kung dumating ang araw na pagtaksilan mo siya, kahit hindi naman.  Kaya siya na lang mismo ang bibitaw, pero mahal ka niya Caven. She just needs clarity and explanation. Girls need assurance, and we should give them that, it's what they deserve."

"Isa pa 'yan, how the hell she received such video? Wala naman talagang nangyari sa amin ni Astra. She's just drunk and being harassed by some jerks in the hotel. Hindi naman kaya ng konsensya kong hayaan siya sa mga bastos na 'yun."

HRS2: Caught in a Hot Romance with the SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon