5
"Anong nangyari sa noo mo at hawak-hawak mo?"
Pagkaakyat niya sa second floor ay nadatnan siya ng kanyang Dada Joey na nakapatong ang kanang palad sa kanyang noo.
Mabilis namang tinanggal ni Joe ang palad doon. "Wala po Dada."
Tumango lang ang kanyang Dada Joey, "Ipaghahain na kita ng hapunan. Maligo ka na muna."
"Opo, Dada."
Pagkapasok sa kanyang kwarto ay napasandal pa si Joe sa pintuan. Napahawak siyang muli sa kanyang noo, ang noong hinipan ni Caven kanina bago siya umalis.
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Caven was the first guy who did that kind of gesture, a gesture that she found really sweet. Pakiramdam niya para na rin siyang hinalikan ni Caven.
Nanlaki ang mga mata ni Joe at malakas na napailing, "Ano ba 'tong iniisip mo Joe! Hay! Pagod lang 'to."
Ipinatong niya ang paper bag sa kanyang vanity table atsaka naligo at nagpalit ng damit pantulog.
Napatingin siya sa relo at doon lang niya napagtantong ginabi na talaga siya, alas nuebe y media na pala at di pa siya naghahapunan.
Pagkababa niya sa may dining area ay nadatnan niya ang kanyang Dada Joey, nakapatong ang siko sa lamesa habang hinahaplos-haplos ang kanyang sentido.
Nag-alala si Joe bigla, "Dada." Tinabihan niya si Dada Joey. "May masakit po ba sa inyo?"
Ngumiti ang kanyang ama at hinaplos ang braso ni Joe, "Bigla lang akong nahilo, anak. Ayos lang ako."
Pinakatitigan ni Joe ang kanyang Dada Joey, nagiging madalas ang pagsakit ng ulo ng kanyang ama o kaya naman ay ang pagkahilo. "Magpahinga na po kayo, Dada. Ako na bahala rito. Sa susunod wag mo na po akong hintayin."
"Magagawa ko bang matulog kung alam kong wala ka pa sa bahay Joe? Ayos lang ako. Para mapanatag ka na matutulog na ako." Pinatong ng kanyang Dada Joey ang palad sa likod ng ulo ni Joe para marahang itulak iyon at halikan siya sa noo. "Good night, anak."
Niyakap niya nang mahigpit ang kanyang ama, "Good night po, Dada. I love you."
"Mahal na mahal din kita Joevannia Khlaire." Malambing na wika ng ama at tumayo na.
Sinimulan naman ni Joe na kainin ang hapunang inihanda ng kanyang ama. Napangiti naman siya nang makita ang ulam na nakahanda, beef caldereta, isa sa mga paboritong ulam ni Joe.
Habang kumakain ay naisipan niyang buksan ang phone at i-connect iyon sa kanilang Wifi. Pagkaconnect ay nakareceive siya ng mga notifications sa kanyang ilang social media accounts.
Muntik siyang mabulunan nang makita ang notification sa kanyang Facebook at Instagram.
Cavender Hayes has sent you a friend request.
cavenfraser has requested to follow you.
Nakailang kurap pa si Joe para lang masiguro niyang hindi siya namamali ng basa. Napalunok siya bago unang tignan ang Facebook profile ni Caven.
Hindi mapigilang mapangiti ni Joe nang makita ang profile picture ni Caven. He is wearing a basic white t-shirt and jeans and behind him is the famous Parisian landmark, the Eiffel Tower. Joe smiled because he surely looks handsome on his display photo.
BINABASA MO ANG
HRS2: Caught in a Hot Romance with the Savior
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Gaya ng ilang mga kababaihan, isa si Joe sa mga babaeng sobra kung magmahal, pero lintik lang, kung sino pang loyal at marunong magmahal ay ta...